Paolo Contis confirms birthday date with Yen Santos; are they now more than friends? 

by Rachelle Siazon
Nov 21, 2021
Paolo Contis Yen Santos romantic dinner date
After almost three months since they were rumored to be an item, Paolo Contis confirms that he was with Yen Santos as she celebrated her 29th birthday.
PHOTO/S: @ysantos / @paolo_contis Instagram

Si Paolo Contis, 37, ang mismong nagkumpirma na magkasama sila ni Yen Santos, 29, sa isang romantic dinner date.

Base ito sa Instagram Story ni Paolo kagabi, November 20.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay makikitang naka-tag si Yen sa post ni Paolo.

Paolo Contis tags Yen Santos dinner date

Hindi agad makikita na naka-tag si Yen sa post ni Paolo dahil naka-camouflage ito.

Continue reading below ↓

Kailangan pang pindutin ang background color sa ibabang bahagi ng post ni Paolo para makitang naka-tag nga si Yen.

Pati mga netizen na nagpadala ng mensahe sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay napansin iyon.

Paolo Contis Yen Santos dinner

Paolo Contis Yen Santos dinner

Continue reading below ↓

Sa selfie photo ni Paolo, masisilayan ang white curtain at Christmas lights na dekorasyon sa likuran niya.

Tugma iyon sa hiwalay na Instagram Story ni Yen na nagpapakita ng litrato ng isang venue para sa isang romantic dinner date.

May set-up na dinner table for two sa isang gazebo na may palamuting Christmas lights at white curtain.

Kalakip nito ay caption ni Yen na "birthday dinner" patungkol sa selebrasyon niya ng kanyang ika-29 kaarawan.

Yen Santos birthday dinner

Continue reading below ↓

Hindi naka-tag si Paolo sa post ni Yen.

Pero malinaw na magkasama ang dalawa base sa tag ni Paolo.

PAOLO AND YEN'S CRYPTIC EXCHANGE ON INSTAGRAM

Hindi ito ang unang pagkakataong may camouflaged Instagram Stories sina Paolo at Yen para sa isa't isa.

Noon lamang Lunes, November 15, nag-post si Paolo ng "good morning" selfie kunsaan naka-tag si Yen.

Noong unang linggo rin ng November 2021, may Instagram Stories din sina Paolo at Yen kunsaan mahihinuhang nagpalitan sila ng mensahe at pinatutungkulan nila ang isa't isa.

Bunsod nito, patuloy ang espekulasyon hinggil sa hinihinalang pagkakamabutihan ng dalawa.

Narito ang reaksyon ng netizens:

Paolo Contis rumored romance

Continue reading below ↓

Paolo Contis rumored romance

Paolo Contis rumored romance

Continue reading below ↓

Paolo Contis rumored romance

Nagkatambal sina Paolo at Yen sa Faraway Land, isang online streaming movie na ipinalabas noong August 2021.

Kinunan iyon sa Faroe Islands sa Denmark mula November 24, 2020 hanggang December 9, 2020.

August 19, 2021 nang pumutok ang balitang hiwalay na si Paolo at longtime partner na si LJ Reyes matapos ang anim na taong pagsasama.

Continue reading below ↓

Itinuro si Yen na diumano'y third party matapos mamataang magkasama sila ni Paolo sa Baguio noong August 27.

Noong September 8, kinumpirma ni Paolo na totoong nagkita sila ni Yen sa Baguio, pero idiniin niyang "as a friend" lang ang turingan nila.

Hindi raw third party si Yen sa breakup nila ni LJ noon.

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After almost three months since they were rumored to be an item, Paolo Contis confirms that he was with Yen Santos as she celebrated her 29th birthday.
PHOTO/S: @ysantos / @paolo_contis Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results