PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

GMA-7 execs, nati-threaten ba sa AMBS ni Manny Villar?

"Talagang aminin natin na masarap yung may kumpitensiya din, di ba?"
by PEP Troika
Published Mar 12, 2022
GMA First VP for Program Management Joey Abacan: “Laro ‘to, e. So, maglaro tayo nang maayos. So, tingnan natin — may mananalo, may matatalo. Pero alam natin that it is going to… I welcome it! Because you know, in a way, marami rin namang magkakatrabaho na ibang mga tao, magkakapatid tayo sa industriya."

JERRY OLEA

Panalo ang GMA-7 at GTV sa ratings game, at nag-uumapaw ang commercial load sa kanilang mga programa.

Malaki ang agwat nila sa TV5, at yung iba pang channel ay patuloy na hilahod at trying hard na umangat. Kumbaga, ang kalaban ng Kapuso Network ay ang kanilang sarili.

Kailangang mapantayan man lang ng mga bagong programa nila ang ratings at performance ng mga programang pinalitan ng mga ito, 'ika nga.

Pahayag ng GMA Senior VP for GMA Entertainment Group na si Ma’am Lilybeth Gomez-Rasonable sa virtual mediacon nitong Marso 11,2022, Biyernes ng hapon, as early as now ay inilalatag na nila ang kanilang mga programa para sa susunod na taon.

Ang tanong… nate-threaten ba sila kahit paano sa Villar-owned AMBS (Advanced Media Broadcasting System) na nakakuha ng frequency na dating naka-assign sa ABS-CBN?

“Ang dami na naman nating nakalaban, di ba? Ang dami na rin nating naabangan na one way or another na tumapat sa atin,” tugon ni Sir Joey Abacan, na GMA First VP for Program Management.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Laro ‘to, e. So, maglaro tayo nang maayos. So, tingnan natin — may mananalo, may matatalo. Pero alam natin that it is going to…

“I welcome it! Because you know, in a way, marami rin namang magkakatrabaho na ibang mga tao, magkakapatid tayo sa industriya.

“So, every time na may sumusulpot na ganyan, merong magkakatrabaho. Merong magkakaroon ng programa.”

Umayon si Ma’am Lilybeth G. Rasonable, GMA Senior VP for GMA Entertainment Group, “Totoo naman yun, di ba? It’s more work for more people…

“We have naman good shows. We have good producers.”

Singit ni Joey Abacan, “Saka masarap din yun! Talagang ano, talagang aminin natin na masarap yung may kumpitensiya din, di ba? It keeps us on our toes. Ha! Ha! Ha! Ha!”

Patangu-tango si Ma’am Nessa Valdellon, GMA First VP for Public Affairs, “From my end, we really look forward to having competition. It keeps us on the edge.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Yeah,” pag-agree muli ni Ma’am Lilybeth.

Dagdag ni Sir Joey, “So, masarap yung laro. Masarap yun! So…”

Susog ni Ma’am Lilybeth, “Corny naman kung tayo lang, di ba?”

Napatango na naman si Ma’am Nessa, at sumundot si Sir Joey, “Naramdaman mo yun, nung una, di ba? Para bang… paano kaya tayo pagagalitan ngayon?

“Yun pala, kinakalaban na natin ang sarili natin. Nakakatakot, di ba?! So, mas maganda yung meron ka ring competition, so that you know, you see the other side of the fence as well.”

GORGY RULA

Patuloy na gumagawa ng mga bago at magagandang programa ang TV5, pati na ang Kapamilya Channel at Net 25.

Hindi ganun kadaling makuha ang atensiyon ng televiewers lalo na’t may iba pang platforms na pinapanood nila. Tiyagaan lang talaga.

Pasok sa Top 20 ng AGB Nielsen NUTAM Ratings ang drama series ni Maja Salvador sa TV5 na Niña Niño.

Ang daily noontime show ng TV5 na Lunch Out Loud, na nakaisang taon pa lang, kahit paano ay napapansin at nakikipagkumpitensiya na rin sa ratings. Pangalawa ito sa Eat Bulaga! sa hanay ng mga pantanghaling programa mula Lunes hanggang Sabado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kailangan lang talaga nilang maka-jackpot ng isang programang mapapansin agad at mabaling sa kanila ang mga televiewers.

Ang wish ko lang sana sa GMA ay mapapansin na rin ang ibang Kapuso artists na binibigyan nila ng chance magbida.

Nasa post-production na yung False Positive nina Glaiza de Castro at Xian Lim. Ito ang unang Kapuso series na bida si Xian, at ipapalabas iyon this year. Sa Hunyo ba?

Siyempre, matatagalan pa bago mag-resume ang taping ng Love. Die. Repeat kung saan katambal ni Xian si Jennylyn Mercado.

Ngayong Sabado, March 12, ang second day ng quarantine ng produksyon ng The Fake Life sa direksiyon ni Adolf Alix Jr.

Matapos umalis sa Lunch Out Loud ng TV5, balik-Kapuso si Ariel Rivera sa teleseryeng ito tungkol sa isang padre de pamilya (Ariel Rivera) na akala ay he has a perfect family life, loving wife (Beauty Gonzalez) and children. Gumuho yung idea na yun dahil meron palang karelasyon (Sid Lucero) ang kanyang asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Teka! Matutuloy pa ba yung napabalitang sitcom ng DongYan?

May bagong game show si Dingdong Dantes, itong Family Feud. Inaabangan na siyempre ng fans ang pagbabalik-TV ni Marian Rivera.

NOEL FERRER

I’m sure, na-miss din ng GMA ang ABS-CBN.

Ganyan naman talaga dapat—friendly competition at pagandahan ng programa. Dahil diyan, ang audience ang panalo!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA First VP for Program Management Joey Abacan: “Laro ‘to, e. So, maglaro tayo nang maayos. So, tingnan natin — may mananalo, may matatalo. Pero alam natin that it is going to… I welcome it! Because you know, in a way, marami rin namang magkakatrabaho na ibang mga tao, magkakapatid tayo sa industriya."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results