Janine Gutierrez at Paulo Avelino, nasa "masayang level" na ang relasyon; aamin na ba?

by PEP Troika
Mar 14, 2022
Janine Gutierrez Paulo Avelino
Ogie Alcasid (right) on Janine Gutierrez-Paulo Avelino rumored secret romance: "Hindi ko rin sila masisi kung gusto nilang sikretohin iyan. Kasi, ang sarap kaya yung kayo lang ang nakakaalam."

GORGY RULA

Punung-puno ng tuksuhan at kantiyawan kina Paulo Avelino at Janine Gutierrez sa virtual mediacon ngayong Lunes, March 14, 2022, para sa concert tour ni Ogie Alcasid sa California, USA na pinamagatang OA sa Love in the USA.

Special guests ni Ogie ang PauNine loveteam nina Paulo at Janine.

Sa simula pa lang ay panay na ang tukso sa kanila ni Ogie. Napapangiti lang ang dalawa, pero wala silang inaamin o kung ano talaga ang namamagitan sa kanilang dalawa.

Kaya diretsahan ko silang tinanong kung ano ang puwede nilang maibahagi sa tunay na namamagitan sa kanilang dalawa. Pero safe pa rin ang sagot ni Paulo.

Narito ang takbo ng aming usapan, na alam naman nilang pinipiga ko na silang umamin...

Sabi ni Paulo, "Busy kami pareho ngayon, e. May ginagawa kaming isang project na medyo sikreto na kasama ako.

"Si Janine, hindi ko alam… ay, katatapos lang niya ng isang iWant. Yun, work muna."

Continue reading below ↓

Singit ni Ogie, "Saka na yung love, ganun?"

Hirit ni Janine, "Sa USA. Charot! E, yun ang title ng concert natin, di ba? Love in the USA!"

Sinundan ko ng tanong na ang dami nang naglalabasang kuwento, at ang latest nga ay nagbakasyon pa sila sa Palawan, kasama sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache.

Read: Janine Gutierrez, Paulo Avelino spotted in Palawan with Cherry Pie Picache, Edu Manzano

Sa anong level na ba ang kanilang relasyon?

Nakangiting sagot ni Janine, "Sa masayang level. I’m happy."

Naiitnrigang tili ni Ogie, "Masayang level?!"

Dagdag ni Janine, "Happy lang, and I’m looking forward to this trip. And happy ako na we’ve stayed in touch, sina Tito Edu, si Ms. Pie and everyone.

"So, still very grateful sa lahat na pinagsamahan."

Pakli ni Paulo, "Nakita ko lang si PieDu kagabi."

Singit ulit ni Ogie, "Mabuti pa ang PieDu, umamin."

Pabirong pahayag ni Paulo, "Parang… hindi ko alam kung merong dapat aminin dahil may kanya-kanya kaming trabaho at ginagawa. Tingnan natin.

Continue reading below ↓

"Malay natin ano… kausapin lang ako ni Janine pag nasa U.S. Hindi pa niya ako kinakausap since after Marry Me, Marry You."

Kinontra ko ang hirit ni Paulo dahil nakikita naman silang magkasama, alangan namang hindi sila nag-uusap.

Nilinaw ko rin kay Paulo kung single ba siya nang na-link kay Janine. Wala na sila nung napabalitang non-showbiz girlfriend niya.

"Single ako," tipid na sagot ni Paulo.

Ngayon lang makakasama ni Ogie sina Janine at Paulo sa isang concert kaya excited silang lahat, lalo na’t marami na raw sa PauNine fans ang nag-aabang sa kanila sa Amerika.

Sa March 26 ang first leg ng OA sa Love in the USA concert na gaganapin sa Alex Theater sa Glendale, California.

Ang susunod na schedule: sa April 2 na gaganapin naman sa Sycuan Casino Resort and Spa sa San Diego, at April 3 sa Morongo Casino Resort & Spa sa Cabazon, California.

JERRY OLEA

Continue reading below ↓

Nalungkot tayo nang mabalitaan nating nakansela ang U.S. concert tour ng isang Pinoy singer dahil sa internal problems. Magtu-tour sana ang kilalang singer sa Houston, Texas; New York; Florida; South Carolina; at North Carolina.

Natuwa naman tayo sa balita ng Hollywood correspondent na si Bradford Adkins na matagumpay ang Revelation concert nina Dingdong Avanzado, Jessa Zaragoza, at Jayda sa Alex Theater, Glendale, California.

Sabi ni Bradford sa Messenger nitong Marso 13, Linggo ng hapon (Manila time), "BREAKING: Umiiyak si @dingdongavanzado sa tuwa!! Apparently his director backstage informed him how amazingly successful is the show tonight!"

For sure, maraming nag-aabang kina Ogie, Paulo, at Janine sa kanilang concert tour sa California.

Kapag umamin ang PauNine na may relasyon na sila, malamang na ungkatin kung kailan iyon nag-umpisa. E, may isyung "ipot," di ba?

Sa tanong kay Janine kung is it hard to fall in love with the person like Paulo, ang tugon ng Kapamilya actress, "I don’t think so! I think everybody knows how lovable Paulo is.

Continue reading below ↓

"And I always said naman na sobrang suwerte ako na siya ang una ko ding naka-partner sa ABS-CBN, and I really enjoyed working with him."

Ipinatanong naman ni Dolly Anne Carvajal kay Ogie kung nakaka-relate ba siya kina Paulo at Janine nung panahong itinatago pa nila ni Regine Velasquez ang kanilang relasyon.

Naalala ba niya yung times na hindi pa sila umaamin ni Regine at itinatago pa ang kanilang pagmamahalan?

"Super. Hindi ko rin sila masisi kung gusto nilang sikretohin iyan. Kasi, ang sarap kaya yung kayo lang ang nakakaalam," lahad ni Ogie.

"Ang sarap kung sila lang ang nakakaalam. Parang ano… special siya, e. So, naiintindihan ko yun kung ganun ang sitwasyon.

"But at the same time, it keep us guessing, di ba? Which adds to the intrigue and malay natin, hindi natin alam kung ano talaga ang nangyayari. Pero naiintindihan ko talaga.

"Yes, Definitely, the answer is yes. I remember the times."

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Good luck sa OA sa Love In the USA nina Ogie, Janine, and Pau! Mas ok na consistent ang mga sagot nina PauNine sa mga tanong tungkol sa relasyon nila.

At least, hindi sila nagpapadala sa tuksuhan at nagaganap ito after their TV project.

Si Ogie ang magpapaespesyal sa concert tour na ito. Sana, kapag naging successful ito ay madala nila itong concert na ito sa Manila. Good luck!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ogie Alcasid (right) on Janine Gutierrez-Paulo Avelino rumored secret romance: "Hindi ko rin sila masisi kung gusto nilang sikretohin iyan. Kasi, ang sarap kaya yung kayo lang ang nakakaalam."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results