GORGY RULA
Isang taong may mataas na posisyon ang nakiusap kay Atty. Faye Singson na hawakan ang kaso ni Ana Jalandoni, kaya kinausap ng abogado ang aktres para kunin ang buong kuwento nito.
Sabi ni Atty. Singson, bilang isang babae, dapat talagang mabigyan ng hustisya ang nangyari kay Ana.
Hindi raw mahalaga sa abogado ang ibabayad sa kanyang legal service, kundi ang katarungang dapat makamit ng sexy actress. Ilang beses na raw nagtanong sa kanya si Ana kung magkano ang legal fees, pero hindi umano nagpresyo si Atty. Singson.
Read: Sexy star Ana Jalandoni rescued by Tagaytay police after alleged assault by boyfriend Kit Thompson
“Siguro three times na niya ako tinanong, pati ang legal team ko, kung magkano ang isisingil namin.
"Sabi ko, huwag niya munang alalahanin ‘yan. Ang importante, magpagaling muna siya, kailangan masampa yung kaso. Saka na namin pag-usapan ‘yan,” ani Atty. Singson.
Pagkatapos ng presscon na ipinatawag ni Ana nung nakaraang Lunes, March 28, 2022, hindi na raw magsasalita ang aktres.
Read: Ana Jalandoni, pinagbantaan umano ni Kit Thompson: "Pag iniwan mo ako, patayin kita."
Naisampa na nila ang kasong paglabag sa Violence Against Women and their Chirldren Act o Rep. Act 1962 Section 5a, at hinihintay nila ngayon ang desisyon ng piskalya pagkatapos nilang isinumite ang supplemental affidavit ni Ana.
Ayon sa isa pang legal counsel ni Ana na si Atty. Greg Tiongco, ang posible pang ikaso kay Kit ay ang serious illegal detention at frustrated homicide.
Pahayag ni Atty. Tiongco , “Napag-alaman natin sa pag-interview kay Ana na matagal-tagal para makuha yung buong detalye, na nagkaroon po ng deprivation of liberty.
“Ibig sabihin, sa duration na nasa Amega Hotel sila ay pinagbawalan si Ana na makalabas o makalaya, without her consent. Pinagbawalan…and this was compounded by violence and threats.
“Unang-una, I think it is clear sa sworn statement na sinabi ni Ana na kung iiwan siya, or even if aalis siya, pinagbantaan sa pagpatay.
“Death threats so to speak, and this was coupled, not just threats but physical violence, ‘no?
“Nagmakaawa siya na dalhin sa hospital, pero pinagbawalan siya, hindi puwedeng lumabas, ‘Dito lang tayo.’
“Obviously, nakita naman natin na may kasabay na pambubugbog ito.”
Sinabi rin ni Atty. Singson na sa mensaheng ipinadala ni Ana sa isang kaibigan para saklolohan siya ay pakiramdam nito ay may mas matindi pang gagawin si Kit laban sa nobya.
Aniya, “If you will see po dun sa message ni Ana, Kit scared her. From her perception po at that time, the intent to kill her is already present.
“So, hindi lang po siya binubugbog para saktan na physical, kung hindi at that time, masakit man itong sabihin, gusto na siyang patayin.”
May ilang nagtatanong kung may sapat bang pera si Ana para gastusan ang kasong ihahain niya laban kay Kit. May nagdududa kung meron ba siyang mayamang sponsor o mayaman talaga siya.
Nakapag-ipon si Ana dahil nakapagpundar ito ng negosyo. Meron daw itong ilang restaurant, at binanggit niya sa amin nung nakaraang presscon ng pelikulang Manipula na iprinodyus niya na meron siyang malit na real estate business.
JERRY OLEA
Hindi masabi ni Atty. Faye Singson kung gaano katagal bago maresolba ang reklamo ni Ana laban kay Kit.
Ani Atty. Singson, “Siyempre, ang gusto po natin ay mapabilis ang paglilitis pero meron po kasi tayong sinusunod na proseso.
“So, yung next hearing po, kailangang i-set yung arraignment. Ang arraignment po, yung babasahin yung charge sa kanya.
“Tapos sasabihin niya kung siya ay guilty or not guilty. Tapos ang next po ay may pre-trial. Under the rules po, sabay na yung arraignment at pre-trial.
“Ang ibig sabihin po ng pre-trial, ilalatag ng magkabilang kampo ang kani-kanyang ebidensiya.
“Tapos, ise-set na po for trial. Ang ibig sabihin po ng trial, uupo na po ang mga testigo.
“Hopefully from there, makapagdesisyon na agad ang korte nang naaayon sa batas.”
Totoo ba ang naulinigan ng PEP Troika na nahihirapan si Kit at ang management niyang Cornerstone na humanap ng abogadong magtatanggol sa kanya?
Itutuloy pa kaya ang pagpapalabas ng rom-com digital series ni Kit with Herlene Budol aka Hipon Girl na Ang Babae Sa Likod Ng Face Mask?
Malaki-laki ang role ni Kit sa Kapamilya seryeng Flower of Evil na bida sina Piolo Pascual at Lovi Poe. Papasukin kaya ng mga patalastas ang teleserye kahit nasa cast niyon si Kit?
Paano na yung pelikula ni Maureen Wroblewitz na Runway kung saan si Kit ang kanyang leading man? Last year pa iyon sana ipalalabas ngunit naghihintay raw ng right timing…
At kailan kaya ipalalabas ang launching film ni Ana na Manipula, kung saan leading man niya si Aljur Abrenica?
NOEL FERRER
Kung si Atty Faye Singson ang magha-handle ng kaso ni Ana Jalandoni, sino naman kaya ang magiging abogado ni Kit Thompson? Mahalagang mailahad niya ang panig niya nang maayos.
Aabangan natin ang pag-usad ng maayos, mabilis, at tamang hustisya sa kasong ito.
Read related stories:
- Ana Jalandoni posts cryptic message amid assault allegation against boyfriend Kit Thompson
- Kit Thompson, nakapagpiyansa na; Ana Jalandoni, pursigidong magsampa ng kaso
- Kit Thompson in Tagaytay police custody; his girlfriend treated for injuries
- Kit Thompson’s camp releases statement about Tagaytay incident
- Gabriela, naglabas ng statement tungkol sa pananakit umano ni Kit Thompson kay Ana Jalandoni
