Watch Now

Vice Ganda, sinopla ang netizen na nagpahaging na susunod na siya kay Moira dela Torre

by PEP Troika
Jun 3, 2022
vice ganda ion perez
May simpleng banat si Vice Ganda sa isang netizen na nagkomento ng ganito: “Kung si Moira nga iniwan at niloko, si vice ganda pa kaya, watch. Money, money.”
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram

JERRY OLEA

Mainit na pinag-uusapan sa TV, radio, social media, maging sa simbahan ang hiwalayan ng mag-asawang Moira de la Torre at Jason Marvin Hernandez.

Read: Jason Hernandez announces split with wife Moira dela Torre: “I have been unfaithful to her.”

Nagsasanga-sanga ang usapin, at nilinaw nina Jason Dy at Jayson Gainza na hindi sila ang Jason na nagtalusira kay Moira… habang ini-announce naman ni Jason Abalos na last September pa sila engaged ni Vicki Rushton.

Kung anu-anong meme at anggulo ang lumitaw. Naikumpara si Jason Marvin kina Tom Rodriguez at Aljur Abrenica na lumagaslas din ang luha nang makipag-isang dibdib kina Carla Abellana at Kylie Padilla, respectively.

Pinagpiyestahan din ng mga Maritess ang isyu nina Johnny Depp at Amber Heard.

Read: Johnny Depp "humbled," Amber Heard "heartbroken" after defamation verdict

May mga sumusubaybay rin sa mga kaganapan pagkatapos ng hiwalayan nina Chad Kinis at Nikko Alano Chua, ganoon din kina Ana Jalandoni at Kit Thompson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nitong Hunyo 3, 2022, Biyernes ng 2:54 p.m. ay nag-tweet ang isang netizen: “Kung si Moira nga iniwan at niloko, si vice ganda pa kaya, watch. Money, money.”

Hindi ito pinalampas ni Vice Ganda.

Wala pang isang oras ay nag-tweet si Vice bilang kontra-patutsada: “Sayang yung ibang relasyon noh di nagtatagal. Buti pa yung inggit sa puso mo panghabang buhay!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Tama naman ang view na sana, masaya na lang tayo sa mga nasa relasyon and wish the best on people at mawala na ang inggit katulad ng sinabi ni Vice Ganda.

Nagulat lang ako sa mga naglabasan na may mga spakol pa. Tito Gorgy, can identify ka ba sa mga ganito?

GORGY RULA

Malamang, dala nga ng matinding inggit kaya nagkakapagbitaw sila ng ganoong komento. May mga tao kasing hindi masaya kapag masaya ang kapwa nila.

Hindi mo rin masisisi si Vice Ganda na mapikon at patulan ang ilan sa kanila.

Pero masaya ang comedian-TV host sa kanyang buhay, sa career, lalo na sa kanyang pag-ibig kaya huwag nang pansinin ang kanegahan.

Ang latest vlog niya kasama ang partner na si Ion Perez ay kinunan sa Singapore, na wala silang ginawa kundi lamon lang nang lamon. Kaya ang title ng vlog niya," VG (Vice Ganda) is PG (Patay Gutom) in SG (Singapore)."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lalo siyang kaiingitan dahil isipin mo nga naman, nakapagbakasyon pa siya kasama ang "love life," nakakapasyal, kain lang nang kain, kumikita pa!

Mag-iisang araw pa lang itong huling vlog niya, mahigit 500k views na.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May simpleng banat si Vice Ganda sa isang netizen na nagkomento ng ganito: “Kung si Moira nga iniwan at niloko, si vice ganda pa kaya, watch. Money, money.”
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results