PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ana Jalandoni at Kit Thompson, muling nagkita sa hearing

Ana Jalandoni, gagawaran ng Most Empowered Celebrity of the Year.
by PEP Troika
Published Jun 9, 2022
ana jalandoni
Ana Jalandoni: “Bilang isang babaeng matapang na maipaglaban mo yung sarili mo…. sa mga babae na kagaya ko na gustong lumaban Sana po talaga, nakakuha po sila… na may natutunan po sa nangyari sa akin, na ipinaglaban ko.”
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Matipid ang mga sagot ni Ana Jalandoni kapag tungkol kay Kit Thompson ang itinatanong sa kanya.

Humarap si Ana sa ilang miyembro ng entertainment press para sa presscon ng Asia’s Golden Icons Awards 2022 noong Hunyo 8, Miyerkules, sa Mangan-Tila Pigar-Pigar Resto sa Quezon City.

Bago nagsimula ang presscon, ipinakiusap ng Cornerstone, na nagma-manage kay Ana, na iwasan ang mga tanong tungkol kay Kit.

Hindi na gaanong idinetalye ng sexy actress kung ano na ang status ng kaso. Umakyat na raw ito sa korte.

Read: Sexy star Ana Jalandoni rescued by Tagaytay police after alleged assault by boyfriend Kit Thompson

Tinanong ng PEP Troika si Ana kung nagkita na ba sila ni Kit sa hearing.

“Nagkita naman po,” medyo nag-aalangan niyang sagot.

Hindi raw ang alam ni Ana kung ano ang susunod na proseso dahil ipinauubaya na niya ito sa kanyang mga abogado. Bahagi na rin daw ito ng pagmu-move on niya at kailangan niyang mag-focus sa kanyang trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Happy naman po ako kasi dun sa pinagdaanan ko… I’m moving on. May mga friends ako and family na nakasuporta sa akin.

“Ang management ko ngayon na nasa Cornerstone ako, they help me din po. Kasi, gusto ko na talaga magtrabaho nang magtrabaho. Dun po ako naka-focus ngayon, sa trabaho.

“Bale po yung case po namin, iniiwan ko na lang po dun sa legal team ko,” dagdag na pahayag ni Ana.

Si Ana ang gagawaran ng Most Empowered Celebrity of the Year ng Asia’s Golden Icons Awards.

Aware ang sexy star na kaya sa kanya ibibigay ang naturang award dahil sa kinasangkutan niyang isyu nila ni Kit. Ibabahagi raw niya ito sa mga babaeng dumanas ng kagaya ng nangyari sa kaya at patuloy na ipinaglalaban.

“Bilang isang babaeng matapang na maipaglaban mo yung sarili mo…. sa mga babae na kagaya ko na gustong lumaban.

Pahayag niya, “Sana po talaga, nakakuha po sila… na may natutunan po sa nangyari sa akin, na ipinaglaban ko.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Matagal na raw niyang pinatawad si Kit, pero tuluy na tuloy ang kaso.

“Napatawad ko na po siya. Wala na po akong galit, kasi ni-let go ko na po.

"Gusto ko na rin po mag-start para sa sarili ko. Hindi rin po kasi makakatulong sa akin kung may galit ako sa puso ko.

“Alam ko po, maayos na po ‘to lahat,” saad ni Ana Jalondoni.

Sa June 28 igagawad ang Asia’s Golden Icons Awards sa Grand Ballroom ng Okada Manila.

Ilan pa sa paparangalan ay ang mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez, ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga, Gladys Reyes, Ara Mina, at Jomari Yllana.

JERRY OLEA

Hawak pa rin ba ng Cornerstone si Kit? O magpapahinga na muna si Kit sa showbiz

Marami nang na-shoot si Kit para sa Kapamilya teleseryeng Flower of Evil. Pinalitan siya roon ni JC de Vera.

OK lang kay JC na i-reshoot ang mga eksena ni Kit. After all, hindi nahintay si JC ng produksiyon ng pelikulang Mamasapano: Now It Can Be Told, di ba? Pinalitan siya roon ni Paolo Gumabao. Ni-reshoot ni Paolo ang mga eksenang nakunan kay JC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipalalabas na sana ang digital rom-com series na Ang Babae sa Likod ng Face Mask nang sumambulat ang isyung bugbugan nina Kit at Ana.

Ayun, pinalitan si Kit bilang leading man ni Herlene Budol aka Hipon Girl sa nasabing online series. Ni-reshoot ni Joseph Marco ang mga eksena roon ni Kit.

Ipapalabas ang pilot episode ng Ang Babae sa Likod ng Face Mask sa Hunyo 11, Sabado ng 6:00 p.m., sa Puregold Channel sa YouTube.

Read: Kit Thompson, kumpirmadong pinalitan sa dalawang proyekto matapos masangkot sa isyu

Yung launching film ni Ana na Manipula ay ikinakasa na sana ang streaming noong Marso, pero naudlot dahil sa isyu nila ni Kit.

Si Aljur Abrenica ang leading man ni Ana sa Manipula na siya mismo ang nagprodyus, with Neal “Buboy” Tan as director.

May pangalawang movie nang naprodyus si Ana, na si Xian Lim ang nagdirek. Hopefully ay tapos na by this time ang post production niyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakatapos na rin si Ana ng shooting ng pelikulang The Revelation, kung saan co-stars niya ang magkapatid na Aljur at Vin Abrenica, sa direksiyon ni Ray An Dulay. Syinuting iyon sa Tagaytay City, sa lungsod kung saan naganap ang madugong pangyayari kina Kit at Ana.

Tuloy ang buhay at pagtatrabaho ni Ana samantalang ang career ni Kit… saan kaya pupulutin?

NOEL FERRER

Habang ratsada si Ana sa kanyang career, pahinga muna si Kit. Ito na ba ang kalakaran at pagbabalanse ng mundo sa mga bagay-bagay?

Oh well, sana ang manaig sa huli ay ang katotohanan, kahusayan at kabutihan. Sana.

HOT STORIES

Read Next
Read More Stories About
Ana Jalandoni, Kit Thompson
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ana Jalandoni: “Bilang isang babaeng matapang na maipaglaban mo yung sarili mo…. sa mga babae na kagaya ko na gustong lumaban Sana po talaga, nakakuha po sila… na may natutunan po sa nangyari sa akin, na ipinaglaban ko.”
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results