Nakalabas na ng kulungan sa Tagaytay City Police Station ang aktor na si Kit Thompson.
Ayon sa mga ulat na lumabas, nagpiyansa si Kit ng halagang P72,000 bandang 5:30 ng hapon, Lunes, March 21, 2022.

Ito ay matapos maditena ang aktor sa Tagaytay City Police Station dahil sa pananakit nito diumano sa girlfriend na si Ana Jalandoni.
Apat na araw na-detain si Kit sa kulungan dahil sa pambubugbog niya umano kay Ana noong madaling-araw ng Biyernes, March 18, sa Amega Hotel sa Silang Junction South, Tagaytay City.
Humingi pa si Ana ng tulong sa ilang kaibigan niya dahil natatakot daw siya para sa kanyang buhay.
Naaresto ng pulisya ni Kit at idiniretso ito sa police station, samantalang isinugod naman si Ana sa ospital doon.
Base sa ulat ni Tagaytay PNP Chief Rolando Baula, sumailalim sa inquest si Kit bandang 5:00 p.m. noong Biyernes din.
Sinampahan siya ng reklamong paglabag sa Section 5A ng Republic Act 9262 o Violence Against Women and Children Act.
Inihayag din ng pulisya sa isang media conference na selos ang mitsa ng panggugulpi umano ni Kit kay Ana.
Read: Kit Thompson alleged assault of girlfriend Ana Jalandoni caused by jealousy, says police
Nagbigay rin ng pahayag ang management ni Kit, ang Cornerstone Management, pero hindi pa ito kumpleto dahil hinihintay pa raw nila ang pormal na report ukol sa insidente.
Read: Kit Thompson’s camp releases statement about Tagaytay incident
Kinagabihan, naglabas ng pangalawang pahayag ang Cornerstone kung saan kinondena nila ang mga gawaing may kaugnayan sa pagyurak ng didgnidad ng isang babae.
Read: Kit Thompson's management releases new statement on actor's alleged assault
Lagpas tatlong buwan pa lamang ang relasyon nina Kit at Ana, na umamin noong Disyembre 15, 2021.
Kahapon din, ibinahagi ni Ana sa kanyang Instagram Story ang larawan ng bulaklak at mensahe ng suporta may-ari ng Cornerstone na si Erickson Raymundo.
Lumalabas ding pareho pala ng managementsina Kit at Ana.
Samantala, determinado ang kampo ni Ana na magsampa ng reklamo sa husgado.
