JERRY OLEA
Kontrobersiyal ang sagot ni Ella Cruz nang usisain kaugnay sa papel niyang Irene Marcos sa pelikulang Maid In Malacañang.
Ani 25-anyos na si Ella, “History is like tsismis. It is filtered and dagdag na rin, so, hindi natin alam what is the real history.
“Andoon na iyong idea, pero may mga bias talaga. As long as we're here alive at may kanya-kanyang opinion, I respect everyone's opinion.
“Kasi struggling na, e, last three days! Kahit naman sila struggling even right now, di ba? So, paano kaya iyon na there [was] so much pressure on their side during those times?”
Read: Ella Cruz draws flak for calling history "tsismis"; Xian Gaza posts open letter to her
Ang istorya ng Maid in Malacañang ay tungkol sa last 72 hours ng Pamilya Marcos sa Malacañang Palace noong Pebrero 1986, na sumiklab ang EDSA People Power Revolution.
Bago ang pagpapatalsik sa pamilya Marcos ay 20 taon silang nanirahan sa Malacañang dahil iyon din ang bilang ng taon naupo sa kapangyarihan ang dating diktador na si Ferdinand Marcos Sr., ang ama ng bagong presidente na si Ferdinand "Bongbong" Marcos.
Marami ang nagtuturing kay Ella bilang starlet, pero sa history ng prestigious indie filmfest na Cinemalaya, itinanghal siyang best supporting actress para sa pelikulang Edward (2019) kung saan title role si Louise Abuel, sa direksiyon ni Thop Nazareno.
Read: Ella Cruz, hindi makapaniwalang nanalong Best Supporting Actress sa Cinemalaya
Shout out ni Darryl Yap (direktor ng Maid in Malacañang) sa Facebook matapos pagpistahan ang quote ng premyadong starlet, “nakita mo naman Ella Cruz; basta’t may pwede silang sakyang isyu, kahit wala namang masamang kahulugan, gagawin nilang lahat ang kanilang makakaya para imisinterpret ka at palakihin para mahawa ng relevance.”
Ewan kung historical, hysterical, histrionic o historiographical ang balitaktakan sa pahayag ni Ella, lalo pa’t nakisawsaw sa isyu maging ang Filipino public historian na si Ambeth Ocampo.
Ang subject na HeKaSi ay tungkol sa Heyograpiya, Kasaysayan, Sibika.
Facebook comment ni TV Patrol resident meteorologist at weatherman na si Ariel Rojas kaugnay sa mala-bagyong paandar ni Ella, “HeKaSi is actually short for heto kasi ang chismis.”
Hanash ng kakampink na si Pokwang aka Marietta Subong sa Facebook at Twitter nitong Hulyo 4, Lunes ng hapon, “nak Ella Cruz tanggap ko pananaw mo sa politika at respeto ko ang sino man sinuportahan mo
“pero sa usaping HISTORY, di ako sasang ayon sayo nak dahil mali! maling mali…
“mabuti pang ibalik na kitang muli sa dagat nak mayaman sa iodine ang dagat nakakatalino daw yan #Aryana”
Title role si Ella sa Kapamilya fantaseryeng Aryana (Mayo 2012-Enero 2013), kung saan gumanap si Pokwang bilang nanay niya.
Nagbida rin si Ella sa pelikulang Gluta directed by Darryl Yap, na nag-umpisang mag-streaming sa Vivamax noong Hulyo 2, 2021.
Naka-schedule ipalabas ang Maid in Malacañang sa Hulyo 20, 2022, Miyerkules, sa local cinemas.
Tampok din sa nasabing pelikula sina Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Cristine Reyes, Diego Castro, Robin Padilla, Elizabeth Oropesa, Karla Estrada, Beverly Salviejo, Kiko Estrada, at Kyle Velino.
NOEL FERRER
I don’t have anything personal kay Ella Cruz pero talaga sana, nag-ingat siya bago magpakawala ng ganoong mga statement.
Gusto ko sanang malaman kung sino kaya ang nagturo niyon sa kanya at kung saan niya napulot yun. Kasi, doon magsisimula ang pagtatama.
Hindi ako pabor sa napakapersonal na reaksiyon sa kanya ng ibang mga tao, pero sana talaga, ayusin ni Ella ang naging pahayag niya.
At a certain point, the interviewer MJ Marfori could have asked more probing questions to get to the core of the issue. Pero she was also caught on camera saying “Oo, oo naman” during Ella’s aria.
In any case, hindi ko alam kung gaano katotoo pero may nasagap akong balita sa mga kaibigan nating tagasinehan na mukhang iuurong ang playdate ng naturang pelikula nina Ella to early August daw. Kasi, baka hindi umabot sa original July 20 playdate.
GORGY RULA
Facebook post ni Darryl Yap nitong Lunes ng tanghali, “sa akin pong mga kaibigan na vloggers, social media content creators, artists and mediamen, hindi po ako ang magdedesisyon sa set visits and behind the scenes privileges, ang #MAIDinMALACAÑANG shoot na nasa Day7 na ngayon ay nasa ilalim ng Viva Entertainment at lahat po ng artists and staff ay pumirma sa NDA, upang maiwasan ang paglabas ng kahit anong materyal na wala pong pahintulot ang management.
“walang tampuhan, at wala rin sanang emote ‘nagbago ka na’ HAHAHA!”
Abangan natin kung aabot sa July 20 playdate ang Maid in Malacañang.
Isa pang consideration ay ang tumataas na bilang ng COVID-19 cases sa bansa.
Post ng Department of Health ngayong Hulyo 4, Lunes, sa Facebook, 7,398 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa mula Hunyo 27 hanggang Hulyo 3.
Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 1,057 — mas mataas ng 60% kung ikukumpara sa mga kaso noong Hunyo 20 hanggang 26.
“Sa mga bagong kaso, 19 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman. Samantala, mayroon namang naitalang 74 na pumanaw at wala sa mga ito ang naganap noong Hunyo 20 hanggang Hulyo 3,” sabi pa ng DOH.
“Pinapaalalalahan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1.
“Paalala ng Kagawaran ng Kalusugan na laging magsuot ng best-fitted face mask at kung maari, manatili sa well-ventilated na mga lugar. Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE.
“Para sa karagdagang proteksyon laban sa banta ng COVID-19, agad-agaran na tayong magpabakuna at booster.“
Take note na ang Ghost Month ngayong 2022 ay mula Hulyo 29 hanggang Agosto 26. Maging konsiderasyon din kaya ito sa playdate ng Maid in Malacañang?
Hindi kaya mas mabuting sa Setyembre na ipalabas ang Maid in Malacañang?
Setyembre 11, 1917 ang birthdate ng President Ferdinand Edralin Marcos.
Setyembre 21, 1972 ang deklarasyon ng martial law.
At Setyembre 28, 1989 ang pagpanaw ni President Ferdinand E. Marcos.
Makasaysayan, di ba, Ella Cruz?!
