PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Return of Philippine History subject in high school proposed

Dapat na bang ibalik ang Philippine History sa mga eskuwelahan?
by PEP Troika
Published Jul 6, 2022
ella cruz history is tsismis
Dahil sa pasabog ni Ella Cruz na "history is like tsismis," may ilang mambabatas na nagsusulong na ibalik sa high school ang subject na Philippine History.
PHOTO/S: @ellacruz on Instagram

GORGY RULA

Inaasahang may maganda namang kalalabasan itong isyung “History is like tsismis” na pasabog ni Ella Cruz.

Read: Ella Cruz draws flak for calling history "tsismis"; Xian Gaza posts open letter to her

Siguro, itabi na natin ang mga negatibong komento at banat sa aktres.

Ewan ko kung makakatulong ito sa kanya dahil nakikilala na siya ngayon, at baka makatulong sa promo ng pelikula nilang Maid in Malacañang.

Dahil ilang araw na itong nagti-trending, nakarating sa ilang mambabatas ang naturang isyu, at naisip nilang panahon nang ibalik ang subject na Philippine History sa high school students.

Hindi na kasi tulad noong kapanahunan nating mga ka-Troiks na talagang nakabukod na subject ang Philippine History at hindi naman tsismis ang pinag-aralan natin.

Kilalang-kilala natin ang tatlong paring sina GomBurZa at hindi “MaJoHa,” ayon sa hula ng isang Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 housemate.

Read: GomBurZa, MAJOHA trending on Twitter after PBB teen housemates fail to answer history questions

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya nananawagan ang ilang mambabatas na ibalik na ang pagtuturo ng Philippine History sa mga ating high school students, at hindi yung isinisingit lang sa isang subject.

Isa sa nagtutulak nito ay ang representative ng ACT Teachers Partylist na si France Castro.

Sinasabi niyang itong pinagpipiyestahang isyu ni Ella Cruz sa social media ay nagpapatunay na kailangan na talagang ibalik ang subject na Philippine History para hindi raw nila ituturing na parang isang “tsismis” lang.

Ayon kay Rep. Castro, nakikita na ang “destructive effects” ng kawalan ng Philippine History bilang isang asignatura sa basic education.

Isa si Ella sa cast members ng pelikula ni Direk Darryl Yap na Maid in Malacañang. Kuwento raw ito ng tatlong maid na ibinahagi ang mga pangyayari bago nilisan ng pamilya Marcos ang Malacañang nung EDSA Revolution.

Nasa ating kasaysayan ang kauna-unahang EDSA Revolution. Sana, pawang katotohanan ang ilahad ng pelikulang ito at hindi tsismis-tsismis na kuwentuhan lang.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

Ang mali ay kailangang itama. Ang kasinungalingan ay kailangang ibangga sa katotohanan.

Diyan lang may magandang bunga ang nasabi nina Ella Cruz at Darryl Yap, hindi lang tungkol sa ginagawa nilang pelikula, kundi tungkol sa atin bilang tao — ang ayusin at ituwid nila ang pagbaluktot ng ilang katotohanan.

Sana ay ma-call out din sila ng mga grupong tulad ng ACT at iba pang naniniwala sa paglaban para sa katotohanan. Umayos sana lahat!!!

JERRY OLEA

Mabangis, mabagsik o nakaka-ella ang parunggitan, talastasan o bardagulan kaugnay sa payanig ng 25-anyos na si Gabriela Annjane Cruz, mas kilala bilang Ella Cruz.

Nalumbay ang GABRIELA partylist representative na si Arlene Brosas dahil kapangalan pa naman ni Ella ang bayaning si Gabriela Silang.

Sa mga hanash at kuda ng ibang netizens ay tila gustong ipako nila sa "cruz" si Ella.

Ipinagbubunyi ng mga Marites si Ella, pagka’t naging historian ang turing sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kilalang-kilala na ngayon ni Manay Lolit Solis ang pangalan ni Ella Cruz, at di ba, isa si Manay Lolit sa kinikilalang Maritess Trinity ng lupang hinirang?!

Ang kasaysayan ay parang gossip?

Huhusgahan ng history kung ang Manila International Airport (MIA) na naging Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay magiging Ferdinand E. Marcos International Airport (FMIA)… o Marcos International Airport na lang para balik-MIA?!

Read: Ninoy Aquino International Airport, gustong gawing "Ferdinand E. Marcos International Airport" ng isang kongresista

Reaksiyon sa Twitter ng manunulat na si Jerry B. Gracio, “Geh, payag ako kung huhukayin ang bangkay at babarilin din sa tarmac.”

Holiday pa rin ba ang Agosto 21 at Pebrero 25 sa administrasyon ni Presidente Bongbong Marcos?

Sa Act III ng dulang Lady Windermere’s Fan ni Oscar Wilde (1854-1900) ay nagtanong si Lord Windermere, “What is the difference between scandal and gossip?”

Ang tugon ni Cecil Graham, “Oh! Gossip is charming! History is merely gossip. But scandal is gossip made tedious by morality.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Now, I never moralise. A man who moralises is usually a hypocrite, and a woman who moralises is invariably plain.

“There is nothing in the whole world so unbecoming to a woman as a Nonconformist conscience. And most women know it, I'm glad to say.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil sa pasabog ni Ella Cruz na "history is like tsismis," may ilang mambabatas na nagsusulong na ibalik sa high school ang subject na Philippine History.
PHOTO/S: @ellacruz on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results