NOEL FERRER
Lumabas na ang exclusive pre-wedding interview nina Olympic gold medalist Hidilyn Diaz at Coach Julius Naranjo sa YouTube channel ni Karen Davila.
Maraming bago ang napag-uspaan tulad ng pagte-take ng initiative ni Hidilyn na unang mag-verbalize ng pagkagusto kay Julius.
Tapos, malaki ang sakripisyong ginawa talaga ni Julius at iniwan ang kumportableng buhay sa Guam para kay Haidie.
Ini-reveal din sa vlog ang pag-offer ni Julius na mag-sign ng prenup agreement na nagpapatunay na hindi materyal na bagay ang ikinagusto niya sa ating Olympic champ.
Sa Hulyo 26, Martes, na gaganapin ang wedding nina Hidilyn at Julius sa PMA Chapel, at ang reception ay sa Baguio Country Club.
Read: Hidilyn Diaz at Julius Naranjo, ikakasal sa July 26 sa Baguio
Bukas, Hulyo 24, Linggo, ang welcome poarty sa Mount Costa Park na inayos ng Ninong at Ninang Hubert at Laura Love Guevara for the couple.
Sa Lunes, Hulyo 25, magko-courtesy call ang ikakasal kay Baguio City Mayor Benjie Magalong.
Sa Tuesday ang big day nila na anibersaryo rin ng kauna-unahang Olympic gold medal din natin sa ating bansa.

Parating pa lang ng bansa ang Crossover Artist nating si Arman Ferrer na inihahanda na ang mga piyesang kakantahin niya na request ng couple.
Sa Church — "Ikaw," "Now That I Have You," and "Minsan Lang Kita Iibigin."
Sa reception — "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko," The Promise, and" The Way You Look Tonight."
Lahat ng ito ay for the love of ng couple, para rin lang ng goodwill na serbisyo nina Juan Sarte, Celeste Tuviera, Liz Uy, at Francis Libiran.
Si Atom Araullo naman na isa sa mga groomsmen ay tutulak pa lang papuntang Baguio after the Special SONA Coverage nila ni Pia Arcangel sa Lunes.
Photofinish pero kaabang-abang ang wedding na ito na blessed by a lot of people.
JERRY OLEA
Wow! Ipinagluluto ni Chef, este, Coach Julius si Hidilyn! Ang cute!
Siyempre pa, abang-abang tayo kung magiging blushing bride ba si Hidilyn, at crying groom ba si Coach Julius!
GORGY RULA
Pagkatapos ng SONA, ito ang susunod nating tututukan na ikatutuwa ng supporters ng nag-iisang Olympic gold medalist.
Bagong challenge itong haharapin ni Hidilyn bilang Mrs. Naranjo.
Hangad natin ang masaya at matiwasay na pamilya kasama ang kanilang magiging anak. Masayang balita ito sa larangan ng sports. Pero may malungkot din tayong sinusubaybayan ngayon.
Ang kalagayan ni Lydia de Vega na nakaratay sa sakit na cancer of the breast. Kailangan din ng tulong ng buong pamilya dahil sa lumalalang kalagayan ng kilalang atleta na nagbigay rin ng karangalan sa ating bansa.
Read: PH track and field legend Lydia de Vega in critical condition due to cancer
