PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Elijah Canlas informs Miles Ocampo about laplapan scene

Elijah Canlas, back-to-back ang magagandang projects.
by PEP Troika
Published Aug 9, 2022
elijah canlas miles ocampo cinemalaya
Elijah Canlas attends the gala premiere of his Cinemalaya 2022 movie Blue Room with girlfriend Miles Ocampo (right), Monday, August 8, 2022.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Naka-cycle break ang lock-in taping ng movie-seryeng Suntok Sa Buwan mula Hulyo 27 hanggang Agosto 17.

Kaya nakadalo si Elijah Canlas sa gala premiere ng Cinemalaya 2022 film nila ni JK Labajo na Blue Room noong Agosto 7, Linggo ng 6:15 p.m., sa Tanghalang Nicanor Abelardo, o CCP Main Theater.

Tamang-tama ang cycle break dahil kaarawan ni Aga Muhlach sa Agosto 12, at 22nd birthday ni Elijah sa Agosto 16.

Gumaganap sina Elijah at Aga bilang mag-amang boksingero sa Suntok sa Buwan, na napapanood tuwing Lunes, Martes, at Huwebes ng 7:15 p.m. sa TV5.

Read: Aga Muhlach, Elijah Canlas walang bigger star sa set ng Suntok sa Buwan

Ipinagmalaki ni Elijah na ang gaganda ng mga nakunan nilang eksena bago mag-cycle break, pero ayaw niyang mag-spoiler.

“Basta intense na siya. May mga bagong cast na papasok, like Tito Ronnie Lazaro,” kuwento ni Elijah noong Linggo sa cocktails area ng CCP bago ang gala premiere ng Blue Room.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Si Ketchup [Eusebio], kaa-appear lang last week. Si Gio Alvarez, marami pa pong iba. Andaming kaka-excite talaga!”

At any rate, ensemble piece ang Blue Room, na naka-focus sa limang band members ng Rebel Rebel na ginampanan nina Elijah, JK, Harvey Bautista, Nourijune, at Keoni Jin.

“Equal po sa lahat ang exposure namin,” sabi ni Elijah.

“Parang it’s an ensemble, kaya nga po gustung-gusto ko siyang gawin.

“Kasi most of the time, when I make films, parating like… lead lang or support, ganyan. Mag-isa ka lang lagi sa journey ng character.

“Eto po, magkakasama kaming lahat. Isang barkada.”

Ipinagtapat ni JK na naiinis sila kay Elijah dahil masyado raw niyang ginagalingan ang pag-arte.

Read: JK Labajo "nainis" sa galing ni Elijah Canlas sa kanilang Cinemalaya movie

Napangiti si Elijah, “Siya din! Nakakainis naman siya, e! Kada gabi, parati niya kaming tutugtugan.

“Tapos pag tumutugtog siya, jamming lang pero performance level lagi. Yung alam mong JK na gumaganun talaga.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Nagpe-perform talaga. Ibang klaseng halimaw din iyang si JK! Ang tawag nga sa kanya, genius talaga in what he does, e. Sobrang genius.”

Wala silang sapawan ni JK?

“Wala po. We’re all like… we’re all really supportive of each other. Yun nga po ang challenge sa isang ensemble piece na pelikula.

“Parating suportahan. Pag may idea ang isa, magpapasahan. Kapag hindi maganda, magsasabihan din kami na parang hindi magwo-work kapag ano. Ganung klaseng relationship.”

Sa trailer ng Blue Room, may babaeng kalaplapan si Elijah! Ano yun?!

Natawa si Elijah, “Panoorin po natin 'yan! Ha! Ha! Ha!”

Alam ba yun ng girlfriend niyang si Miles Ocampo, na kasama niyang dumalo sa gala premiere?

“Alam po niya, of course. Alam po niya yun, of course. And support nang support po siya sa lahat ng ginagawa ko, at ganun din po ako sa kanya,” mabilis na tugon ni Elijah.

Read: Elijah Canlas, Miles Ocampo admit relationship

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Doon sa Cinemalaya ay ingat na ingat si Elijah sa pakikisalamuha sa mga bumabati at nagpapa-picture sa kanya dahil babalik pa raw siya sa lock-in taping ng Suntok sa Buwan.

Na-enjoy niya ang pakikipagtrabaho kay Aga Muhlach. Parang nahihiya pa nga siyang mag-react sa mga papuri ni Aga sa kanya.

Read: Aga Muhlach, bakit napapayag gawin ang movie-seryeng Suntok Sa Buwan?

“Of course he’s Aga Muhlach and everything that he says, that comes out of his mouth, means a lot lalo na pag compliments.

“Kaya salamat, at siyempre natsa-challenge lang to do better,” pakli ni Elijah nang nakapanayam namin pagkatapos ng gala screening ng Blue Room.

Pero natutuwa siyang nakabalik siya uli sa Cinemalaya, at nakagawa na siya ng pelikulang napapanood sa sinehan.

“Ang sayang makagawa uli ng pelikula, makabalik sa sinehan, at mapanood ang final na ginawa niyo.

“It’s always an honor to be part of Cinemalaya film festival and to have this whole group… I mean, iba talaga pag Cinemalaya,” sabi pa ni Elijah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa Suntok sa Buwan, may tinapos pa siyang ibang pelikula, ang It’s Not About Us kasama si Romnick Sarmenta na idinirek ni Jun Lana, at LiveScream na idinirek naman ni Perci Intalan para sa Vivamax. Baka bandang October daw ang streaming nito.

NOEL FERRER

Isa si Elijah sa mga batang aktor ngayon na maaasahan talaga. Ang entry niyang Blue Room ay isa sa mga nire-rave na mga entries ngayon sa Cinemalaya.

Tahimik lang si Elijah pero sensitibo rin siya sa paligid niya at hindi pa lang siya nagko-comment sa kontrobersiyang harassment sa Philippine High School for the Arts kung saan siya nanggaling.

Read: Philippine High School for the Arts breaks silence on "haven for abuse" allegation

Totoong mahusay ang Suntok sa Buwan kaya natin sinusuportahan. Sana, magtuluy-tuloy ang husay at buti ng mga batang artists tulad ni Elijah.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Elijah Canlas attends the gala premiere of his Cinemalaya 2022 movie Blue Room with girlfriend Miles Ocampo (right), Monday, August 8, 2022.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results