PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jane de Leon interview prelude to appearance in Darna costume?

Darna, nag-reshoot para sa unang paglipad ni Jane de Leon bilang Darna?
by PEP Troika
Published Aug 20, 2022
jane de leon03
Nitong Agosto 19, 2022 ang unang lipad ni Jane de Leon bilang Darna, at trending iyon sa Twitter — number 1 trending sa Pilipinas, number 2 trending worldwide.
PHOTO/S: Kapamilya Channel

JERRY OLEA

Hulyo 28, 2021 ini-announce ng ABS-CBN na magpapaalam na sa Kapamilya teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano si Capt. Lia Mante, ang karakter ni Jane de Leon.

Mag-uumpisa na raw kasi ang taping ni Jane para sa Kapamilya fantaseryeng Mars Ravelo’s Darna.

Read: Jane de Leon's character bids goodbye to Cardo; Ang Probinsyano leaves teaser for next chapter

Agosto 12, 2022, Biyernes nag-finale ang FPJ’s Ang Probinsyano, na naka-16.6% sa AGB Nielsen NUTAM Rating.

Iyon ang pinakapinanood na TV program noong araw na iyon. Kabog ang 24 Oras na naka-16.5%, at ang Lolong na naka-14.8%.

Read: Finale episode ng Ang Probinsyano, kinabog ang Lolong sa ratings

Agosto 15, Lunes, umere ang Mars Ravelo’s Darna bilang kapalit ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Nagdaos ang fantaserye ng live viewing party sa Robinson’s Galleria kung saan nag-enjoy ang fans na panoorin ang serye kasama ang dumalong cast members.

Naka-10.5% ang pilot telecast ng Mars Ravelo’s Darna kumpara sa Lolong na naka-17.3%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Unang paglipad ni Darna, hindi umubra sa ratings ng Lolong

Noong Agosto 16, Martes, ay nagtala ang Mars Ravelo’s Darna ng 10.6% kumpara sa Lolong na naka-15.7%.

Noong Agosto 17, Miyerkules, ay medyo tumaas muli ang Mars Ravelo’s Darna na naka-10.9% kumpara sa Lolong na naka-16.7%.

Holiday sa Quezon City noong Agosto 19, Biyernes, kaya hindi pa tayo nakakuha ng comparative ratings para sa Thursday primetime.

Nitong Agosto 19 ang unang lipad ni Jane de Leon bilang Darna, at trending iyon sa Twitter — number 1 trending sa Pilipinas, number 2 trending worldwide.

Read: Netizens react to Jane de Leon's first transformation as Darna

Ang Mars Ravelo’s Darna ay sa direksiyon nina Chito S. Roño, Avel Sunpongco, at Benedict Mique. Iprinodyus ito ng JRB Creative Production unit ng ABS-CBN.

GORGY RULA

Keri talaga ng Kapamilya Channel na ipa-trending itong costume reveal ng Darna.

Bago ito, ipinalabas sa YouTube ang interview ni Ogie Diaz kay Jane na inilahad ang mga hirap na pinagdaanan niya at ng kanyang pamilya nung hindi pa siya artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Jane de Leon recalls hardship before achieving success: "Minsan yung kinakain na lang namin, asin."

Kahit paano, nakuha ang simpatiya ng mga tao, tapos inilabas na ang paglunok ng bato at paglipad ni Darna. Ang bongga ng timing!

Pero tingnan natin ang rating nito kung aarangakada nang bonggang-bongga.

Take note na si Ogie Diaz ay dating manager ni Liza Soberano, na nag-backout sa pagganap bilang bagong Darna.

At any rate, may pantapat ang Lolong ni Ruru Madrid kung saan may mga drama rin ang mga bagong karakter na pumasok sa pangalawang yugto nito.

O, di ba, may makabagbag-damdaming drama rin ang mga karakter nina Arra San Agustin at Vin Abrenica?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tingnan natin kung anu-ano pa ang mga susunod na matitinding tagpong mapapanood natin sa dalawang malaking teleseryeng ito.

Pero ang isa pang nasagap namin mula sa reliable source ng PEP Troika, nagkumahog daw sa pag-shoot ang Darna nung Huwebes, August 18, para ihabol sa Friday episode nito?

Limang sequences daw ang kinunan. Wala lang kaming ideya kung anu-ano ang mga ito.

Kung sa ikakaganda naman ng mga eksena, okay lang mag-reshoot o magdagdag ng eksena. Pero magastos din ito at hindi biro ang pagbuuin uli ang mga artistang involved para ayusin ang mga eksenang ipalalabas.

Sana, sulit naman at lalong nagpaganda sa Darna.

NOEL FERRER

Siyempre, para accurate ang sourcing at hindi lang history is like tsismis at factual talaga ang ibinibigay sa inyo ng PEP Troika, tinext namin agad ang business unit head ng JRB Creative Production na si Madame Julie Ann R. Benitez.

Heto ang sabi niya sa PEP Troika, “Hahaha!!! Totoo na nag-shoot kami ng additional scenes! Pero scenes lang ni Lolo Rolando [Levi Ignacio]. Kasi, minabuti naming i-clear kung saan galing ang mga villains.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang mga kinunan namin ay mga absent scenes na lang dapat ng pagre-research ni Lolo Rolando. Kaloka di ba??? Busisi talaga. At hindi yun for airing. For next week pa. At least nakaraos kami ng pilot week nang maayos!”

Pagpapatuloy ni Boss Julie Ann, “Nami-miss namin si Izadora [Iza Calzado]! Napakaganda at napakagaling. Considerate and appreciative pa sa team!!!

“Naku, gusto ko nga sya painterview eh kasi grabe ang feedback sa kanya. Pero ayaw namin istorbohin. Enjoy muna sya.“

Pagbalik ni Leonor (Iza), ang unang Darna, ang alaga nating bumalik na sa pagiging Mama Mary ulit at pinag-usapan pati ang aparisyon niya kagabi sa Darna. Makikita niyo pa siya sa mga susunod na araw nang pasulput-sulpot pa.

In the end, impact at significance at excellence ang pinag-uusapan, hindi lang ratings.

Muli, masaya tayong mga audience. Kasi, tayo ang nakikinabang sa Good TV Programs, di ba?

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nitong Agosto 19, 2022 ang unang lipad ni Jane de Leon bilang Darna, at trending iyon sa Twitter — number 1 trending sa Pilipinas, number 2 trending worldwide.
PHOTO/S: Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results