Yana Fuentes natalakan ni Direk Joel Lamangan sa Peyri Teyl movie set

by PEP Troika
Sep 10, 2022
Yana Fuentes headlines Pula Ang Kulay Ng Gabi
Bida si Yana Fuentes sa Pula Ang Kulay ng Gabi, also starring Aljur Abrenica, at kasama rin siya sa Peyri Teyl, na ididirek ni Joel Lamangan.
PHOTO/S: Gerry Olea

JERRY OLEA

Na-startruck si Yana Fuentes kay Aljur Abrenica, na leading man niya sa pelikulang Pula Ang Kulay ng Gabi.

"Nung una, kinakabahan ako,” pagtatapat ni Yana matapos ang press preview ng pelikula noong Setyembre 8, 2022, Huwebes, sa Gateway Mall, Araneta City, Quezon City.

“Kasi akala ko, nakakatakot siya. Parang hindi siya namamansin or hindi niya kami kakausapin.

“Pero actually, sobrang bait niya. At saka sinusuportahan niya kaming lahat. Kasi, sabi ko rin, first movie ko ito, so binibigyan niya kami ng advice. Sobrang bait niya.”

Aljur Abrenica is male lead in Pula Ang Kulay Ng Gabi

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Buti, hindi siya nainlab kay Aljur.

Sabi-sabi, naiinlab sa hunk actor ang karamihan sa mga aktres na nakakatrabaho niya.

Natigilan sandali si Yana bago sumagot, “Yes, attractive siya, pero for me kasi, career talaga muna ngayon ang focus ko. Mas na-focus ako dun sa tinuturo ni Direk Jojo [Nadela] na paano umiyak, paano mag-acting.

“Yun po ang naging focus ko so hindi ko masyadong nakita yung hunk.”

Kumustang ka-kissing scene si Aljur?

“Nung una po, nagulat ako. Nagulat ako, kasi, ahh… first kissing scene ko sa isang movie,” tila nahihiyang sambit ni Yana.

“Pero supportive din siya. Gina-guide din niya ako. 'Tapos after ng kissing scene— kasi alam niya na Japanese akonag-aano siya, nagba-bow siya. So sobrang enjoy din naman po.”

Ano ang feeling niya nang mapanood sa big screen ang sarili?

“First of all, nung nakita ko siya sa screen, it felt so surreal. Kasi po, bata pa lang ako, kahit nasa Japan ako, gustung-gusto ko pong maging isang aktres dito po sa Pilipinas,” lahad ni Yana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya sobrang na-excite ako at hindi ako makapaniwala na nandun na ako sa screen.

Sa naranasan niya sa shooting, alin iyung pinaka-enjoyable?

“Ahh, sa experience ko naman po sa shoot na ito… lahat po kami, naging close. Parang group of friends kami, kasi lagi kaming magkasama lahat. Andami naming mga kuwentuhan kaya sobrang saya po ng shoot na ito para sa akin.”

Streaming ang Pula Ang Kulay Ng Gabi umpisa Setyembre 10, Sabado, sa AQ Prime.

Nasa cast din nito sina Soliman Cruz, Elijah Filamor, Zia Zamora, at Rob Sy.

May apat pang pelikula na natapos si Yana para sa AQ Prime, kabilang ang Anatomiya ni Direk Martin Mayuga, Losers-1, Suckers-0 ni Direk Niokz Arcega, Ligalig ni Direk Topel Lee, at Peyri Teyl ni Direk Joel Lamangan.

“Sobrang thankful po ako sa AQ Prime na tina-trust nila yung kakayahan ko. Sobrang thankful po ako,” pahayag ni Yana.

“At saka lahat po ng shooting ko, masaya po. Kasi, lahat sila, mababait. At saka masarap ang food.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Thankful si Yana Fuentes na naidirek na siya ni Joel Lamangan sa Peyri Teyl kahit nakatikim siya ng talak mula sa premyadong direktor.

“Na-award po ako!” napapangiting sagot sa amin ni Yana. Medyo mahirap din kasi ang role niya sa pelikula, kung saan meron pang eksenang kailangan niyang kumanta.

Sobrang kabado raw siya tuwing nagti-take siya dito sa pelikula nila ni Direk Joel.

“Everytime na lumalabas po ako sa camera ay nagpi-pray talaga ako, kasi sobrang kinakabahan. Pero ang dami ko pong natutunan sa kanya.

“Kumanta din po ako dito sa movie. Sobrang strict po niya pagdating sa pagkanta,” pahayag ng Filipina-Japanese actress.

Itong Peyri Teyl ang isa sa ipinagmamalaki ni Atty. Aldwin Alegre ng AQ Prime.

Masaya ang producer dahil sa loob ng isang buwan ay maganda ang resulta pagkatapos mag-live ang streaming site noong Agosto 8.

“Good news kasi ang AQ Prime, nag-go live tayo nung last month, August 8, and now bale ito yung monthsary.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So probably in the next few hours, we’ll be announcing some milestones na within that period, yung one month period kung ano yung mga nangyari. Ilan na yung mga subscribers natin and na-produce, yung mga nagawa,” pahayag ni Atty. Alegre sa press preview ng Pula ang Kulay ng Gabi.

Ipinagmamalaki niyang bago pa lang ang AQ Prime pero kahit paano ay may naiambag na sa entertainment industry.

Aniya, “Bagung-bago lang tayo. Newbie lang sa industry, ‘no? But, let us remember, one of the missions nung company, ang AQ Prime is to uplift the local film industry.

“So nandito po tayo, patuloy tayong gagawa ng mga quality films and mga movies na ikatutulong sa industriya ng bansa, ng Pilipinas.

"And considering na meron po tayong homegrown AQ artists, talents, patuloy natin silang i-develop, ima-manage, para ma-improve yung kanilang mga skills. “Ang kanilang mga itinatago diyan, kailangan nang ilabas. And at the same time, since this is the long-term plan for the company, and, of course as a whole, meron tayong mga diversification na gagawin, the strategies.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Hindi lang sa movies at iba pang programa ang ventures ng AQ Prime.

Balak din nitong pasukin ang music industry.

“Within the year, we will be launching AQ Prime Music. We will venture in that specific segment or sector,” lahad ni Atty. Aldwin.

“So, yun po ang isa sa mga example na nandito po yung AQ Prime para tumulong sa industriya natin, sa movie industry, sa music and entertainment industry.

“Sana suportahan niyo po, dahil talagang nagsisimula pa lang. Considering na we’re still in the pandemic period. So hopefully, maitatawid din natin ito.”

One-stop shop. Total package talaga. Sagot sa ulan, pandemya, at pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bida si Yana Fuentes sa Pula Ang Kulay ng Gabi, also starring Aljur Abrenica, at kasama rin siya sa Peyri Teyl, na ididirek ni Joel Lamangan.
PHOTO/S: Gerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results