Zeinab Harake, tumanggi sa offer na sexy movie; umaming may bagong pag-ibig

by PEP Troika
Sep 15, 2022
Zeinab Harake
YouTuber Zeinab Harake on her attempt to join showbiz during her childhood years: "Sa totoo lang po, nag-a-audition po ako sa GMA, sa ABS, sa kahit saang… basta may extra. Naranasan ko pa maging extra sa mga TVC nung bata po ako."
PHOTO/S: @zeinab_harake Instagram

JERRY OLEA

Noon pa mang mag-umpisa siyang mag-YouTube ay may offers na kay Zeinab Harake na mag-artista sa pelikula, at meron ding nag-alok na i-manage siya.

"Kaya lang po, ayoko rin pong i-cross over yung linya ko kung nasaan lang ako,” pahayag ng 23-anyos na social med influencer sa Beautederm mediacon noong Setyembre 9, 2022, Biyernes, sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City.

"Parang sa dami rin po ng responsibilities ko, number one may babies na ako, hindi ko po masabi nang hundred one percent na hindi ako tatanggap.

"But hanggang ngayon po, may mga offers po talaga, pero pinipili po talaga naming maigi. And hindi po ako magmamagaling at magdudunung-dunungan sa mga bagay na hindi ko naman po talaga linya.

"So, if ever po ngayon, for now yun po ang isasagot ko. Stay lang po ako kung nasaan ako. Happy and contented na po ako dun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

What if ang crush niyang si Piolo Pascual ang makakasama niya sa pelikula, tatanggapin na ba niya ang offer?

"Siguro po, kung bibigyan naman ako ng opportunity na talagang one in a million lang ang mabibigyan ng ganung pagkakataon… kung tingin ko po kaya ko, gagawin ko po yung pinaka-very, very, very best ko," pagmamatuwid ni Zeinab.

"Pero kung tingin ko naman po, hindi ko kayang gampanan, hindi ko na lang din po ipipilit. Mahirap po ipilit yung mga bagay na yun. Depende po talaga kung kaya ko ba siyang gampanan or hindi.

"Magiging totoo lang po ako palagi sa sarili ko."

If ever, willing ba siyang magpa-sexy sa pelikula?

Natatawang sagot ni Zeinab, "Sa pagpapa-sexy po, ganun naman po ang image ko sa media, di ba? Yung photos ko po.

"Sa movie po… I mean, like komportable akong ginagawa siya sa mga pictures ko. Pero sa movie po, parang hindi ka pa po masabi kung keri ko nang sexy agad. Parang siguro ho, anu-ano lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi yung mga sexy things ko po is yung mga nakakakita lang din po, e, yung team ko. Parang hindi ko kering maghubad nang maraming tao. Pero depende pa rin po kung kakayanin ko yung role, and kung hanggang saan yung limit."

Minsan na raw siyang tumanggi sa isang sexy movie project.

"Kasi po, merong naging offer sa akin. Hindi ko na lang po babanggitin kung anong movie yun. Ahh, isa yun sa mga parang… medyo bastos na movie na nailabas.

"Ayun nga, nung nabasa ko pa lang ang linya, ako po ay kalog talaga at walang preno yung bunganga pero yung mga ganung salita, hindi ko po kayang bitawan.

"So, hindi ko po gagawin yung mga bagay na hindi ko po keri talaga lalung-lalo na pagdating sa pagkababae. Kasi po, babae ang anak ko. Tapos babae po ako. Tapos medyo maselan po ako napalaki kaya po hangga’t maaari, hindi po ako nag-aano sa mga ano. Ayun po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Malalaman po natin in the future. Hindi po ako 100% sure, mga 80% hindi ko pa kayang magpa-sexy. Yung 20%, babase tayo sa istorya and kung gaano kalala yung dapat gawin po."

Anong tipo ng movie ang gusto niyang gawin kung sakali? Anong klase ng role?

"Siguro thriller, yun ang gusto ko. Yung mga thrill movies. Tapos yung mga mukhang palaban, bungangera, iyan yung mga bagay sa akin," sambit ni Zeinab.

"So, tatanggapin ko po talaga. Hi! Hi! Hi! Hi! Masaya yun para pag ginampanan ko siya, hindi iisipin ng viewers na pinilit.

"Ayoko naman pong mag-aksaya ng effort yung ibang tao to trust me, tapos hindi ko naman po kayang gampanan kung ano yung dapat kong gawin.

"So, kung ano po ang kaya ko, lahat po ng keri kong gawin, let’s go! Pero yung mga bagay po na hindi pa, siguro po maaaral natin in the future."

Dahil ambassador na siya ng iniendorso niyang beauty product at makakasama niyang mag-perform ang ibang celebrities sa mall tours, masasabing nagso-showbiz na si Zeinab.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maiiba ba ang kanyang image o packaging, pati na ang pagbabahagi niya sa love life?

"Tingin ko po, kung halimbawa pasukin ko man yung showbiz world, walang magbabago unang-una sa personalidad ko," matamang tugon ni Zeinab.

Inamin niyang meron siyang love life ngayon, pero ayaw niyang ilantad kung sino ito. Mas mabuti raw na maging private na lang iyon.

"Happy ako ngayon. Sobrang thankful naman ako na after lahat ng pinagdaanan ko, may ibibigay si God na talagang mas lalong makakapagpa-OK sa iyo," nakangiting pag-amin ni Zeinab.

Read: Zeinab Harake, masaya sa kanyang bagong low-key relationship

GORGY RULA

Para sa mga hindi pa nakakakilala sa kanya, nagkuwento si Zeinab tungkol sa kanyang background.

Aniya, “My real name po is Zeinab Mohammad Ocampo Harake. I am half-Lebanese, half-Filipina. Nanggaling po ako sa Bacoor, Cavite.

"Five years old nung nag-start akong mag-majorette and kumikita na ng sariling pera ko. So, hindi na ako nanghihingi ng baon. Nag-start na akong parang to provide sa sarili ko na hindi ako aasa sa magulang ko at my young age.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, sobrang laking tulong po ng pagme-majorette ko dahil dun po ako unti-unting na-discover. Sa kalye po talaga, lahat po yata ng fiesta, nakaparada na ako. And two to three hours akong naglalakad palagi sa tirik ng araw.

"Ayun po ang ginagawa ko talaga bago nag-start lahat-lahat ng kung anong nakikita ng ibang tao sa media. And ayun, napalaki po kasi ako na ano, e…"

Nagsolo si Zeinab nang magdalaga siya.

"Alam niyo po ba, eto another trivia. Nineteen years old na po ako nakapunta ng Quezon City, ng QC area na sarili ko na po.

"Kasi po, hanggang nag-eighteen ako, yung mommy ko, sobrang strict nila. Magkakapatid silang matatandang dalaga. So, yung mama ko, wala nang asawa, naghiwalay na sila ng daddy ko noong bata pa ako, six years old pa lang ako.

"Hindi niya ako pinapayagang pumasok sa school, lumabas ng bahay, magpa-load nang hindi siya nakabuntot. So, the whole life ko po, sinabi ko talaga sa mama ko, 'Mama, pag nag-18 na ako, lalabas na ako!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tapos dito ko na napasok yung mundo ng social media. Kasi, parang nakawala na ako. Hanggang 16 ata, wala akong cellphone, na parang napaka-late bloomer ko. Hindi siya halata.

"Kasi akala nila, party-goer, ganito-ganyan. Pero ngayon ko lang po nae-experience lahat yun. Ngayon lang ako nakawala dun sa dati kong pagtatakip at pagpipilit ng nanay ko na dapat laging… alas ocho, nasa bahay ka na. Ganun, ganun po ako napalaki.

"So, ngayon ko pa lang po nae-enjoy yung outside world kumbaga. Ayun po, ayun po ang story ko."

Ano ang next step na gusto niyang gawin?

Natigilan sandali si Zeinab bago sumagot, "Actually po, wala pa po talaga akong naiisip or anything. Ginagawa ko lang po talaga.

"Kasi, sa totoo lang po, alam din naman po ng media iyan. Na five months ago pa lang yung nangyari sa akin. Bangungot po talaga yun. Sobrang bangungot.

"Kapag naiisip ko siya, talagang parang bumabalik ako sa posisyon ko na yun. So, hindi pa po talaga ako makapag-focus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Mukha akong OK and happy every time sa harap ng lahat, pero yung one thing na hindi ko mabalik ngayon is yung focus ko po siguro.

"Kasi dati, kaya kong mag-vlog ng limang content sa isang araw. Ngayon sa isang linggo, dalawang vlog, hirap na hirap ako. Kasi, ang dami kong iniisip. At lalo na po mag-isa lang ako. At hindi ko naman iniaasa kahit kanino kung ano ang problema ko.

"So, mas iniisip ko po ngayon na solusyunan ang mga bagay na kailangan ko munang harapin bago ako mag-jump doon sa mga dapat ko pa pong gawin. Kasi, bata pa naman pa po ako. Marami pa pong taon.

"Kailangan ko lang mag-heal nang totally para makabawi sa sarili ko po.”

NOEL FERRER

Natatakot daw si Zeinab na pasukin ang mundo ng showbiz.

Paliwanag niya, "Bata pa lang ako, gusto ng parents ko na mag-artista ako, lalo ng mama ko. And sa totoo lang po, nag-a-audition po ako sa GMA, sa ABS, sa kahit saang… basta may extra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Naranasan ko pa maging extra sa mga TVC nung bata po ako. Tapos talagang nakita ko kung gaano kahirap at gaano kagaling nung mga artista. Hindi ko masabi na kaya kong gawin kung ano yung kaya nilang gawin, e.

"Pero yun lang, magiging totoo lang po ako talaga palagi. Na kung hanggang saan lang po ang kaya ko. For now, kung ano po yung mga nao-offer sa akin na lumalabas po ako sa TV.

"Nagkakataon po na kapag guesting naman kasi is being you din lang naman yun, e. So, para lang din akong nagpa-vlog, ganun. Pero pagdating sa serye po, sa movies, malalaman pa po natin iyan. Mga sayaw-sayaw, mga guesting-guesting, pumapalag naman po ako diyan, e.

"Or kaya kahit siguro talk show-talk show, kasi sayang naman yung konting talakan ng isip ko lalo na pagdating sa mga standard level lang ng mamamayan. Kasi, dun ako lumaki, e.

"So, yung bunganga ko, pang-kanila talaga. Kung paano yung mindset ng streets. Iba po talaga yun, e. So the way na nagsasalita ako minsan sa mga videos, sa mga vlogs ko, nagugustuhan nila and nakaka-relate sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa kung saan sila makaka-relate at kung saan yung kaya kong gawin na tingin nila, 'Ahh, OK, ginagawa ni Zeinab nang natural.' And yun po ang pinakaano ko sa YouTube career ko, sa lahat-lahat. Lahat po ng ginagawa ko, natural lang. Hindi po ako nagpapakaplastik.

"Hindi ko po kailangang ipilit yung sarili ko and OK na po ako na ganito. Kung sino pong tatanggap, maraming-maraming salamat po. Mamahalin ko po kayo nang lubos at hindi ko po hahayaang masira yung tingin niyo sa akin.

"Pero dun sa mga hindi naman talaga, ayoko na rin pong i-ano. So, ayun po."

Bilib ang Beautederm CEO na si Rei Anicoche-Tan sa powers ni Zeinab bilang influencer. Malakas ang hatak ni Zeinab sa mga tao at nahihikayat ang mga ito na bilhin ang mga produktong ineendorso—kahit hindi siya nag-aartista.

Kaya isa na siyang milyonarya!

"Actually po, yung pagyu-YouTube ko, yung salary ko… ako po ay hindi po ako talaga madamot na tao. Andami ko pong tao sa bahay," pagtatapat ni Zeinab.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ilan tayo? Fifteen. Sa loob po ng bahay ko, 15 kami dun. Ganun po karami yung taong tinutulungan ko, nakaasa sa akin, pero masaya ako.

"So, lahat po ng natatanggap kong blessings, hindi ko po masabi na super-duper yaman ko na, e. Kasi, parang umiikot lang din po. As long as nakakapag-provide ako sa kanila and sa akin naman, thankful ako kasi, Dyuskupo! Kung alam niyo lang…"

Dumanas daw talaga ng hirap sa buhay si Zeinab.

"Dati po, dumadating na ilang araw, wala kaming makain. Kung hindi po magbibigay yung kapit-bahay namin ng ulam, wala po kaming kakainin maghapon magkakapatid. Totoo po yun!

"Pero ngayon, nakakapag-provide na ako kung anong gustong kainin ng mga anak ko, ng mga kapatid ko, lalo na ako, ng mga team ko. At number one po dun is yung mga taong nakikita ko, lalung-lalo na po yung pagdating sa kalye. Yung kahit walang kamera.

"As long as nakita mo, kaya mong tulungan, tulungan mo. Nakakatulong ka, nakakapag-provide ka kahit kanino, sa mga charities, sa mga contents mo na pantulong sa mga nasalanta, mga nasunugan. Masayang-masaya akong ginagawa yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, lahat po nung kinikita ko, kadalasan po, hindi naman po talaga sa akin napupunta lahat. Hinahati-hati ko po para lahat po, meron.

"And hindi po ako takot mawalan dahil gaya nga po ng sabi ko, sanay ako sa hirap. Kaya kong hindi kumain.

"Pero hinihiling ko talaga araw-araw, hanggang paglaki ng mga bata, makapag-aral lang sila. Makakain kami tatlong beses isang araw, OK na ako.

"Hindi naman kailangang maghangad sobra-sobra pa. Kung anong dumating, thank you po. Thank you po talaga."

Sana, makilala ko si Zeinab soon!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
YouTuber Zeinab Harake on her attempt to join showbiz during her childhood years: "Sa totoo lang po, nag-a-audition po ako sa GMA, sa ABS, sa kahit saang… basta may extra. Naranasan ko pa maging extra sa mga TVC nung bata po ako."
PHOTO/S: @zeinab_harake Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results