Beauty Gonzalez, pinupormahan pa rin ng male co-stars kahit may asawa na

by PEP Troika
Sep 16, 2022
beauty gonzalez formal gown
Beauty Gonzalez on decision to have just one child: "My husband is already at his age na hindi ko na… he’s not that old, he’s not like 70. I just can’t imagine him in ten years, magpapalit pa ng diaper or what. Parang gusto ko naman i-enjoy na lang namin yung life namin together. Happy na ako sa isang anak talaga. Ahhm, OK na ako. Kasi ako, bata rin naman ako, e. Gusto ko ring bine-baby.”
PHOTO/S: Sany Chua

JERRY OLEA

Nagkakausuhan na naman ang hiwalayan sa showbiz.

Pero ang pagsasama nina Beauty Gonzalez at Norman Crisologo ay mukhang lalong tumitibay. Nakaka-inspire!

Bakas sa mukha ni Beauty iyong ipinagmamalaki niyang happy ang kanilang marriage. Tahimik at maayos.

“Tama yung sinabi ng asawa ko, timing lang talaga,” sambit ni Beauty sa Beautederm mediacon noong Setyembre 9, 2022, Biyernes, sa Luxent Hotel, Quezon City.

“Timing yung pag-meet namin. Kasi, he’s at his age na OK na siya, tapos na yung mga kalokohan niya!

“At ako naman, I’m at my age na OK na ako, tapos na rin. So, nagkita kami right time and a lot of luck, a lot of prayers.

“And relaxed lang talaga kami. Hindi nga kami nag-aaway, e. Natatawa nga ako minsan.

“Balance is the key. He doesn’t drink, I drink. So alam mo yun, so nagkakasundo kami.

“And importante talaga sa akin, every after project, I want time off with my family. At least one month away dito man sa Pilipinas o sa ibang bansa man.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“But I prefer going abroad as much as kung kaya sa budget. Kasi, kami lang. Walang yaya. Kami lang tatlo.

“So yun yung importante sa akin. Excited akong magbiyahe kami abroad. Excited din akong umuwi, balik siya sa yaya. So, balanced talaga ang buhay!”

Read: Beauty Gonzalez says 15-year age gap is not a problem to her and husband Norman Crisologo

Siyanga pala, tampok si Beauty sa grand opening ng Beautederm store ngayong Setyembre 16, Biyernes ng hapon, sa UNP Town Center, Tamag, Vigan City, Ilocos Sur.

Magpapasaya rin doon sina sina Lorna Tolentino, Ejay Falcon, Jana Roxas, JC Santos, Jelai Andres, at Buboy Villar.

Nalalapit na ang pagtatapos ng GMA-7 afternoon drama series ni Beauty na The Fake Life with Ariel Rivera at Sid Lucero.

May bago siyang Kapuso drama series, ang Mano Po Legacy: The Flower Sisters kung saan matitindi ang showdown nila ni Aiko Melendez.

GORGY RULA

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inamin ni Beauty na may co-actors siyang pumoporma-porma sa kanya sa taping ng TV show. Paano niya hina-handle iyung mga lumalandi sa kanya?

“Natatawa ako. May nagme-message sa akin, may problema yung Instagram ko, open din sa asawa ko,” kuwento ng Kapuso actress.

“So, yung asawa ko ang nagre-reply. Sabi ko sa kanya, ‘Buang ka!’ Ako, natatawa lang ako. Deadma lang ako. Hindi naman ako naaapektuhan.

“Natatawa ako sa asawa ko, kasi sinasakyan niya minsan. Wala namang problema.”

Naiinis ba siya sa mga ganung pahiwatig?

“Hindi ako naiinis. Kasi kung naiinis ka, meaning, nae-enjoy mo. Ako, natatawa lang ako,” tugon ni Beauty.

“Sasabihin ko, ‘Ikaw talaga, ha? May asawa na ako.’ Ginaganun ko. Kasi, I mean, kung naiinis ka, nag-e-enjoy ka.

“But if you’re like, ‘Tama na, huwag kang mainlab, trabaho lang ito!’ Ganun.”

Napa-flatter siya?

Tumango si Beauty, “Yeah, nakaka-flatter. I mean, babae din naman ako na parang… OK, cute pa. There’s something nice na nakita niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“But, you know, as long ipakita mo yung respect mo sa sarili mo and you respect your husband, I mean, alam naman nila lahat, may asawa na ako.

“Bakit pa? Nabuang ka?! Ha! Ha! Ha!” paghalakhak pa ni Beauty.

NOEL FERRER

Six years old na ang daughter nila ni Norman na si Olivia. Bakit ayaw na niyang magka-baby pa?

Read: Beauty Gonzalez, husband Norman Crisologo decide not to have another baby

“Because my husband is already at his age na hindi ko na… he’s not that old, he’s not like 70,” paliwanag ni Beauty.

“I just can’t imagine him in ten years, magpapalit pa ng diaper or what. Parang gusto ko naman i-enjoy na lang namin yung life namin together.

“Happy na ako sa isang anak talaga. Ahhm, OK na ako. Kasi ako, bata rin naman ako, e. Gusto ko ring bine-baby.”

Ayan si Beauty, ramdam na ramdam ang pagka-Beauty sa Kapuso network, in all fairness!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Beauty Gonzalez on decision to have just one child: "My husband is already at his age na hindi ko na… he’s not that old, he’s not like 70. I just can’t imagine him in ten years, magpapalit pa ng diaper or what. Parang gusto ko naman i-enjoy na lang namin yung life namin together. Happy na ako sa isang anak talaga. Ahhm, OK na ako. Kasi ako, bata rin naman ako, e. Gusto ko ring bine-baby.”
PHOTO/S: Sany Chua
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results