JERRY OLEA
Na-curious ako kay Erghyll Jeric “EJ” Panganiban na nagpatotoo sa paratang ni Rhys Miguel kay Patrick Quiroz sa kaganapan sa set ng Kapamilya series na He’s Into Her.
Read: Ex-PBB housemate Rhys Miguel accuses singer-actor Patrick Quiroz of inappropriate sexual behavior
Read: Aspring actor EJ Panganiban, pinatotohanan ang akusasyon ni Rhys Miguel laban kay Patrick Quiroz
Nag-private message ako sa manager niyang si Tyronne Escalante kung puwedeng mainterbyu ang 20-anyos na alaga niya.
Pinadalhan ako ni Tyronne ng artcard, YouTube link, at file sa Google Drive kaugnay sa kanyang alaga. 5’11” ang height ni EJ, na actor, singer, model, at host. Taga-Bacoor, Cavite siya.
Ayon sa lumang artcard, ang multi-talented na si EJ “shot to fame as he joined the reality talent search Born To Be A Star.
“From here, EJ got the chance to performed [sic] on various stages which led him to a bigger discovery.
“To date, EJ found himself starring in Kadenang Ginto, He’s Into Her, and the upcoming Caught in the Act movie directed by Direk Perry Escaño.”

Ang Caught in the Act ay ipinalabas sa humigit-kumulang pitong sinehan noong Disyembre 15, 2021. Pinagbidahan ito nina Joaquin Domagoso at Andi Abaya.
Maliban kay EJ, sumuporta sa movie sina Lance Raymundo, Karel Marquez, Shido Roxas, Jhassy Busran, BambooB, Josh Lichtenberg, John Gabriel, Toni Co, Roy Sotero, Jiana Aurigue, Edna Hernandez, Ivy Mariano, Rob Roberto, Banjo Romero, at Lando Rasco.
Lumabas din si EJ sa drag-themed drama comedy series ng Cignal Play na My Delivery Gurl bilang isa sa tatlong ampon ng 32-anyos na si Bingo Duran aka Bianca D (Markki Stroem). Pogi si Raver pero may putok at dyutay.
Ang dalawang kapatid niyang ampon din ni Bingo ay ang nagmamagandang bading na si Dyosa (Pipay Kipay), at ang transman na si Joey Silver (Sky Teotico).
Leading men ni Markki sa serye sina Victor Basa at Rocky Salumbides.
Nasa cast din sina Madeleine Nicolas, Iyah Mina, Lui Manansala, Allison Piñeda, Brian Black, Andre Miguel, Carlos Dala, Liya Sarmiento, Kakki Teodoro, Juliana Parizcova Segovia, EJ Jallorina, Lady Gagita, at Maria Christina.
Nag-debut ang My Delivery Gurl noong Enero 1, 2022 sa Cignal Play, ang linear streaming platform and video-on-demand service ng Cignal TV.
Read: Markki Stroem admits challenges of drag look for My Delivery Gurl
Noong Agosto 3, 2022 ay sumali si EJ sa "Bida Next" contest ng Eat Bulaga! sa GMA-7.
Sinabi niya sa programa na vlogger siya, at mostly singing ang content ng kanyang vlog.
Nang usisain kung aling kanta niya ang most viewed, ang tugon ni EJ, “Yung YouTube ko before, na-hack. So, nag-start ako from scratch. Ganun. So, sayang. Most viewed? Hindi ko alam. Ha! Ha! Ha!”
Nagsampol ng a capella si EJ sa harap ng Dabarkads na sina Paolo Ballesteros, Allan K, at Ryan Agoncillo.
Covers ang mga kanta ni EJ sa vlog.
Dagdag niya, “Pero recently, nainlab ako na magsulat, mag-compose. Hobby ko na rin.”
Isa pa lang daw sa na-compose ni EJ ang kabisado niya. Sad song iyon entitled "Panaginip." Naggitara si EJ habang inaawit iyon.
Tinang ni Allan K kung ano ang hugot niya sa kantang iyon.
Tumawa si EJ at ang sabi, “Eme lang. Ha! Ha! Ha! Ha!”
Grade 3 pa lang ay naggigitara na si EJ. Niyaya niya ang mga tropa niya at hanggang high school ay banda raw sila bilang Leviticus. OPM ang tinutugtog nila.

NOEL FERRER
Naglabas na ng statement ang ABS-CBN kahapon, October 12, 2022, kaugnay sa himutok ni Rhys Miguel.

I would want to hear Rise Artists Management and Star Magic’s side on what happened to Rhyss and Patrick Quiroz, na nasa pangangalaga nila noon. Ano ang safeguards nila para hindi na iyon maulit sa susunod?
As for EJ, he should maximize his introduction sa public with this 15 minutes of fame.
In the end, aside from talent and charisma, it is the attitude and the discipline that will propel you to prominence.
Good luck to everyone!!!
GORGY RULA
Ayon sa ABS-CBN Films, agad silang nag-imbestiga nang matanggap ang reklamo ni Rhys Miguel noong Disyembre 2020.
Enero 2021 nang umiyak si Patrick Quiroz sa IG Live at lumipad kapagkuwan pa-Amerika.
Kasama si Patrick sa Hello Stranger The Movie na nag-streaming noong Pebrero 5, 2021. Magka-love team pa sila noon ni Vivoree Esclito.
Hindi isinama si Patrick sa mediacon ng nasabing BL movie noon ding Enero 2021 samantalang may ibang co-star abroad na nasa Zoom.
Ang pralala noon ng kampo ni Patrick, hindi pa ito good-bye showbiz. Pahinga lang daw muna ito at may inaasikaso sa citizenship sa U.S.
Natagalan si Patrick sa Amerika. Nalaman naming nagbalik na si Patrick early this year sa Pilipinas dahil performer siya noong Valentine’s Day sa Supersam restaurant, Quezon City.
Sumali si Patrick sa Sing Galing! Sing-lebrity Edition ng TV5. Itinanghal siyang Ultimate Bida-oke Sing-lebrity sa live grand finals noong Marso 5, 2022 sa Metropolitan Theater Manila.
Kinabog ni Patrick sina Aljur Abrenica, Pepe Herrera, Boobsie Wonderland, Jerald Napoles, at Chuckie Dreyfus. Nagkamit siya ng P1M.
Read: Patrick Quiroz wins first Sing Galing! Sing-lebrity Edition
Recently ay napanood na namin si Patrick sa All-Out Sundays ng GMA-7, at ipina-partner siya kay Thea Astley.
Naka-text ng PEP Troika si Atty. Annette Gozon-Valdes, senior vice president ng GMA Network.
Nilinaw ni AGV na hindi under sa Sparkle sina Patrick at Rhys. Under process pa raw si Rhys. So, technically, hindi pa siya naha-handle ng Sparkle.
Sa pagkakaalam namin, Cornerstone na ang nagha-handle kay Patrick.
