GORGY RULA
Pursigido ang singer-songwriter na si Ogie Alcasid na ituloy ang matagal na nilang binabalak na musical play na pagsasamahan nila ng misis niyang si Regine Velasquez.
Naudlot lang noon ang pagpaplano dahil sa pumasok ang pandemya. Pero ngayon ay nag-uusap daw sila uli, at malapit nang malaman kung tuloy na ba talaga ito.
“Malalaman natin 'yan by January,” pakli ni Ogie nang kinumusta namin ito sa kanya pagkatapos ng very successful Shine: The Diamond Concert nila ni Regine sa Ormoc City nung nakaraang Huwebes, October 20, 2022.
Read: Regine Velasquez, bumirit ng kanta mula sa rooftop ng Ormoc City Museum
“I’m already doing making initial talks with the writers, with the producers, and with Mr. M [Johnny Manahan]. Kasi idea niya yun, e.
“Nag-pandemic tayo. So, ngayon, nag-meeting na kami two weeks ago. So, tuluy-tuloy lang namin yung meeting.
“I hope so. Tingnan natin,” dagdag niyang pahayag.
Halos nabubuo na nila ang buong musical, dahil sinimulan na ni Ogie ang mga kantang gagamitin dito.
Magandang handog daw sana ito sa selebrasyon ng 35th anniversary niya sa entertainment industry sa 2023.
“May songs na, may istorya, may flow na. Susulatin na lang yung script.
“Next year is my 35th year. So, naisip namin na, I think the better way to celebrate the 35th year is to push through the musical. At least, you can… you know, do it many, many times.
“You can show the songs, you can write new songs. I’m hoping. Sana, hindi ganun kamahal,” napangiti niyang pahayag.
NOEL FERRER
Sa ngayon ay naka-focus muna si Ogie sa nalalapit na Kilabotitos concert nila ni Ian Veneracion na gaganapin sa Newport Resorts World Manila sa October 28.
“Super excited ako kasi, alam mo nabitin 'yan, because before the pandemic, dapat magku-concert na kami, di ba?” lahad ni Ogie.
“Naudlot. Sabi ko kay Ian, ‘I’m sorry, we have to cancel the concert dahil madami nang may COVID.’
“So, ayun, nag-online kami, KTX. Okay naman… but exciting kasi ngayon. Live.
“Excited ako kasi yung mga tita, talagang bitin na bitin na. Bitin na bitin na.”
Noon pa may balak mag-tour ang Kilabotitos sa US, Europe, at Middle East.
In the OgRe concert last Thursday at the Ormoc City Stage, Ogie was in his element! Sobrang galing at generous lang niya talaga!!!
JERRY OLEA
Nag-guest si Ogie last month sa isang concert, at natuwa siyang maraming tao ang nanood.
“So, talagang ready na. I think we’re almost back to normal,” pahayag ni Ogie.
Wala na siyang takot mag-live concert?
“Wala na, wala na. At ang mga tao, I think that’s more important, e. Yung audience natin.”
Tuwang-tuwa si Ogie na dinumog ang Shine concert nila ni Regine sa Ormoc City. Ang conservative estimate ay more than 60,000 ang nanood.
“Nagulat nga ako pagdating ko dito, ‘Oh my God! Ang daming tao!’ And I was telling them it’s nice na yung mga tao, nakikinig talaga,” saad ni Ogie.
“Siyempre may mga nagsisigawan. But it was a beautiful experience to sing to a crowd listening to everything that you sing, and talagang gustung-gusto nila, OPM. Nakakatuwa!”
Pasabog ang opening nila na nag-"Nandito Ako" si Ogie na nasa stage, at bumirit naman si Regine ng "Narito Ako" sa rooftop ng Ormoc City Museum.
“Ang effect, I think, ang ganda. Kahit ako, tuwang-tuwa ako. Parang… I was excited for the audience to see it,” pagtatapat ni Ogie.
“Hindi siya madaling i-execute, ha?! So, kudos din sa team namin, na-execute namin nang maganda.”
Very proud din si Ogie sa talents na inaalagaan niya. Isa na nga si Lara Maigue na kumanta sa 75th Charter Day celebration ng Ormoc na dinaluhan ni President Ferdinand Marcos Jr. noong Oktubre 20, Huwebes ng umaga.
Okay na raw muna si Ogie sa mga inaalagaan niyang talents. Ayaw muna niyang mag-discover pa ng bagong talents, dahil dito muna siya sa mga hawak niya nakatutok.
“Hinay-hinay lang, kasi kailangang maalagaan ko sila nang mabuti. I’m happy that Lara is slowly getting discovered.
“Nasa ASAP na siya every Sunday. And then, nakikilala na siya ng, you know, malalaking tao.
“Kanina, she sang for the President no less, 'no?
“Everybody’s raving about her. So, I’m very, very proud of her.
"So, hopefully, ang dream ko for Lara is makilala siya internationally as soprano singer. Because yun talaga yung forte niya.”
