PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gold Aceron, idolo sina John Lloyd Cruz at Richard Gutierrez

Gold Aceron, may di malilimutang karanasan kay Richard Gutierrez.
by PEP Troika
Published Nov 4, 2022
gold aceron white tux
Gold Aceron (in phoos) says John Lloyd Cruz and Richard Gutierrez are the actors he looks up to. On John Lloyd, Gold says, “Siya po talaga ang idol ko noon pa. Hanggang ngayon po, nandiyan pa rin po ang pangarap ko na sana makatrabaho ko po siya.”
PHOTO/S: @golddaceron on Instagram

GORGY RULA

Dalawang aktor ang hinding-hindi makakalimutan ng indie actor na si Gold Aceron — sina John Lloyd Cruz at Richard Gutierrez na itinuturing niyang malaki ang impluwensiya sa kanyang acting career.

Bata pa lang ay nagsimula nang mag-artista si Gold, at nung lumalaki siya ay pinangarap na raw niyang masundan ang mga yapak ni John Lloyd.

Ito raw talaga ang nagbigay ng impluwensiya sa kanya na galingan lalo ang pag-arte niya.

“Siya po talaga ang idol ko noon pa. Hanggang ngayon po, nandiyan pa rin po ang pangarap ko na sana makatrabaho ko po siya,” pakli ni Gold nang nakapanayam namin sa DZRH nung nakaraang linggo para sa promo ng pelikula niya sa Vivamax na Selina’s Gold.

selina's gold

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gold Aceron (right) with Selina's Gold co-stars Angeli Khang and Jay Manalo

Ang isa pa sa hinding-hindi raw makalimutan ni Gold ay nung nakatrabaho niya si Richard Gutierrez sa isang action-drama series sa GMA-7. Nine years old pa lang daw siya nun nang nagsisimula pa lang siyang mag-talent sa ilang series.

Kuwento ni Gold, “Umaga po ang call time ko, mga 4:00 a.m. So, service. Pumunta po muna ako dun.

"Tapos siyempre bata pa, totoy pa, nanghingi po ng script. Meron daw akong lines.

"E, hindi pa po ako marunong umakting nun. Hindi po ako marunong magkabisado. Eksena po namin si Kuya Richard Gutierrez.

“Pero morning pa lang po, pagdating ko po sa location, hiningi ko na po yung script. Hindi po nila ako pinapansin, as in wala talaga.

“So, madaling-araw nakatulog na ako sa tent, inumaga na po ako, buong araw ako naghihintay sa script, binigay madaling-araw na, eksena ko na po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siyempre, bata, bago pa lang umarte, mahaba pa po yung lines, natakot ako. Naiba yung mood ko.

"So, utal-utal na po. Mali-mali na po. Hindi ko na ma-deliver, nakakalimutan ko na po. Tapos, napagalitan pa ako.

“Dun po ako natuwa, kasi ipinagtanggol ako ni Richard Gutierrez po. Parang tinanong niya kung sino po nag-ano sa akin… nagsumbong na po ako sa kanya, e.

"Kasi, takot na takot na ako, e. ‘Kuya, hindi po kasi agad binigay po sa akin yung script e. Hindi po binigay sa akin yung lines.’”

Narinig daw niyang pinagsabihan ni Richard ang staff bakit ginawa ito sa kanya. Hinding-hindi raw niya makalimutang ipinagtanggol siya ng aktor.

Kaya hanggang ngayon ay hinahangaan ni Gold si Richard na sana raw ay makasama niya uli.

Samantala, balik-aksyon si Richard sa The Iron Heart na pagbibidahan niya kasama si Maja Salvador.

Sa teaser pa lang ay halatang ginastusan nang husto at matitindi ang action scenes dito na gustung-gustong gawin ni Richard.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

richard gutierrez iron heart

Richard Gutierrez in Iron Heart

Nakatakda nang i-release ang full trailer nito. Kinunan ang kabuuan ng series sa ilang lugar ng Cebu na never pa nakukunan.

Magsisimula na ang airing nito sa Nobyembre 14 sa Kapamilya channel, TV5, at A2Z pagkatapos ng Darna. Mapapanood din ito sa TFC at ABS-CBN Entertainment YouTube.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Such inspiration and good deed ang naibahagi nina John Lloyd Cruz at Richard Gutierrez kay Gold Aceron, but let me say that Gold has what it takes to hit Gold lalo na sa pag-arte.

Sa lahat ng napagtanungan kong direktor ni Gold, pinupuri na siya ngayon sa kanyang husay at katapangan. Something that even his idols can emulate and learn from.

JERRY OLEA

As expected, nanguna sa Top 10 Movies of the Week ang Selina’s Gold nang mag-umpisa ang Vivamax streaming nito noong Oktubre 28, Biyernas.

May tender love scene si Gold with Angeli Khang sa Selina’s Gold.

Mas mapangahas pa rin ang mga eksena ni Gold with Christine Bermas sa Scorpio Nights 3, na nasa ikasiyam na puwesto ng Top 10.

Ang Selina’s Gold ay isinulat at idinirek ni Mac Alejandre, at nasa cast din nito sina Jay Manalo at Soliman Cruz.

Take note na kasama rin si Gold sa Secrets of A Nympho, na nangunguna pa rin sa Top 10 Series of the Week ng Vivamax.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bida sa nasabing series sina Rhen Escaño, Ayanna Misola, at Arron Villafor.

Joint venture ito ng Vivamax at Rein Entertainment, at mag-i-streaming ang third episode nito sa Nobyembre 6, Linggo.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gold Aceron (in phoos) says John Lloyd Cruz and Richard Gutierrez are the actors he looks up to. On John Lloyd, Gold says, “Siya po talaga ang idol ko noon pa. Hanggang ngayon po, nandiyan pa rin po ang pangarap ko na sana makatrabaho ko po siya.”
PHOTO/S: @golddaceron on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results