PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vilma Santos reacts to "Saan Nagtatago Ang Pag-ibig?" TV remake

Vilma, ano ang masasabi na si Yassi Pressman ang gaganap sa dati niyang role?
by PEP Troika
Published Nov 17, 2022
vilma santos yassi pressman
Vilma Santos (left) on Yassi Pressman (right) reprising her role in the TV remake of Saan Nagtatago ang Pag-ibig: “Happy that Yassi P will play the role of STELLA!! Napakagandang role!! Kaya niya yun and I wish her good luck!!!”
PHOTO/S: Viva Films / @yassipressman on Instagram

GORGY RULA

Si Star for All Seasons Vilma Santos ang isa sa natuwa sa TV remake ng pelikula niyang Saan Nagtatago ang Pag-ibig? (1987) na gagawin ng GMA-7 at Viva Entertainment.

Nagkaroon na sila ng story conference noong nakaraang linggo. Nakapag-look test na ang buong cast at naka-schedule na rin ang kanilang script reading.

Read: Yassi Pressman, Ken Chan, Marco Gumabao headline Saan Nagtatago ang Pag-ibig? series

Kaagad na tinext ng PEP Troika si Ate Vi, na gumanap bilang si Stella sa pelikulang idinirek ni Eddie Garcia, upang hingin ang kanyang reaksiyon sa upcoming project na ito ng GMA-7 at Viva.

Text ni Ate Vi sa PEP Troika: “The mere fact na i-remake yung movie Saan Nagtatago ang Pag-ibig… ay napakalaking saya at karangalan sa akin!!

“Tama ang decision ko sa pelikula kasi ire-remake nila!!! Mabuhay na naman… 'Si VAL…. Si VAL… Si Val na walang malay…' hahaha!”

Ang huling pahayag ni Ate ay mula sa iconic line niya sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

vilma tonton saan nagtatago ang pag-ibig

Tonton Gutierrez and Vilma Santos in Saan Nagtatago ang Puso?

Ano ang masasabi ni Ate Vi na si Yassi Pressman ang gaganap bilang Stella na ginampanan niya sa pelikula?

“Happy that Yassi P will play the role of STELLA!! Napakagandang role!! Kaya niya yun and I wish her good luck!!!” mabilis niyang text sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito na rin ang kumpirmasyon na si Yassi ang magbibida sa TV remake ng pelikula ni Ate Vi, at magsisilbi ring pagbabalik niya sa bakuran ng GMA-7.

Kaya taliwas ito sa sinabi ng Viva artist sa isang panayam na hindi niya alam ang tungkol sa balitang lilipat siya ng network.

JERRY OLEA

Curious si Ate Vi kung sinu-sino gaganap sa ilang mahalagang role ng naturang project.

Aniya, “Pa-maritess… maganda din mga roles… Tita Gloria R…Cherie Gil… of course sino si Tonton G at Ricky D…Alicia V??? Kasi mga great roles din yan!!! Good luck!!! Proud ako!! [praying emoji, thumbs up sign, smile at heart emoticon]”

Sinabi namin sa kanya na si Marco Gumabao ang gaganap sa role ni Ricky Davao, at si Ken Chan naman si Val, ang role na nagpasikat kay Tonton.

Si Dulce ang gaganap sa dating role ni Alicia Vergel, si Mickey Ferriols ang dating kay Gloria Romero, at si Rhen Escaño naman ang kay Cherie Gil.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Natuwa rin Ate Vi na merong special participation dito si Tonton Gutierrez.

Ilan pa sa mga artistang bahagi ng bagong seryeng ito ay sina Ara Mina, Gardo Versoza, Candy Pangilinan, Prince Clemente, Suzette Ranillo, Luke Conde, Joaquin Manansala, Lala Vinzon, at Andrea Babiera.

Si Jerome Pobocan ang direktor.

NOEL FERRER

Sana maging maganda ang reception ng mga tao sa proyektong ito na nagtamo ng awards during its time.

Ang ganda na may basbas pa ito ng Star For All Seasons at may cameo si Tonton sa revival version nito bilang teleserye. Good luck sa produksiyon!

Sana, magkaroon pa ng higit ng kaalaman at pang-unawa sa mga special people dahil sa proyektong ito.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vilma Santos (left) on Yassi Pressman (right) reprising her role in the TV remake of Saan Nagtatago ang Pag-ibig: “Happy that Yassi P will play the role of STELLA!! Napakagandang role!! Kaya niya yun and I wish her good luck!!!”
PHOTO/S: Viva Films / @yassipressman on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results