JERRY OLEA
“Triangle of Sadness — best film I have seen in years! Amazed at the director's choices and in awe of his handling of the subject matter. Satire at its best!”
Facebook post iyan ni Direk Laurice Guillen ngayong Disyembre 1, 2022, Huwebes ng hapon.
Read: Triangle of Sadness: A grossly hilarious, thoughtful diss at the filthy rich
Kahapon, Nobyembre 30, Miyerkules, nag-open ang nasabing satirical black comedy film sa limampung (50) sinehan sa bansa — tatlumpo (30) sa Metro Manila, siyam (9) sa Luzon, lima (5) sa Visayas, at anim (6) sa Mindanao.
Kasabay nitong nag-open sa local cinemas ang Decibel, Kaluskos, The Offering, at Violent Night.
Ang Triangle of Sadness ay nagwagi ng Palme d’Or sa 75th edition ng Cannes filmfest noong Mayo.
Ang world premiere nito roon ay pinagkalooban ng walong minutong standing ovation.
Ang Palme d’Or ang pinakamataas na karangalan sa pinakaprestihiyosong film festival sa mundo.
Read: Triangle of Sadness, starring Filipino actress Dolly de Leon, wins Palme d'Or at Cannes 2022
Agaw-eksena sa Part 3 (“The Island”) ng pelikula ang kababayan nating si Dolly de Leon, at marami ang umaasam at nagdarasal na ma-nominate siyang best supporting actress sa 95th Academy Awards o Oscars.
Sa Enero 24, 2023 pa ihahayag ang mga nominado.
Read: Dolly de Leon has fingers crossed for Oscars nomination
At any rate, dalawampu’t dalawa (22) kaming nanood ng 6:00 p.m. screening ng Triangle of Sadness sa Cinema 7 ng Power Plant Mall sa Rockwell Center sa Makati City. Dolby Atmos ang tunog!
Bago ang screening ay ipinalabas ang omnibus trailer ng 48th Metro Manila Film Festival (MMFF). Kapagkuwan ay ipinalabas ang kani-kanyang trailer ng MMFF 2022 official entries.
Kapansin-pansin na wala sa trailer ng My Father, Myself ang kissing scene nina Jake Cuenca at Sean de Guzman. R-18 ang naturang pelikulang idinirek ni Joel Lamangan, pero siyempre, ang trailer nito sa sinehan ay kailangang bawas ang maseselang eksena.
Read: Direk Joel Lamangan, tanggap ang mga kritisismo sa trailer ng "My Father, Myself"
Ang Triangle of Sadness ay ni-release ng TBA Studios sa bansa. Ito rin ang magre-release ng Japanese film na Plan 75 sa Disyembre 7.
Kasabay ng Plan 75 ang showing ng Puss in Boots: The Last Wish, Call Me Papi, at Ang Kuwento ni Makoy — isang linggo bago magpayanig sa local cinemas ang Avatar: The Way of Water.
Kasama sa Plan 75 ang Pinay actress na si Stefanie Arianne.

Kagaya ni Dolly sa Triangle of Sadness, may Tagalog dialogue si Stefanie sa Plan 75.
Nag-premiere ang Plan 75 sa Un Certain Regard section ng 75th Cannes filmfest noong Mayo. Nagtamo ito ng Special Mention award sa Camera d’Or competition.
Ito ang aspiring entry ng Japan sa kategoryang Best International Feature ng 95th Academy Awards, kung saan ang panlaban naman natin ay ang On The Job: The Missing 8 ni Direk Erik Matti.
Siyamnapu’t tatlong (93) bansa ang nagsumite ng entry this year para sa Best International Feature ng Oscars. Ang labinlimang (5) pelikula sa shortlist ay ihahayag sa Disyembre 21.
NOEL FERRER
Nang kunan daw ng feature si Soliman Cruz sa Esquire Awards bilang Actor of the Year, laging sinasabi ni Sol na sana si Dolly de Leon yun o magkasama sila.
Sana nga talaga, makopo ni Dolly ang Oscar nomination na malaking honor sa ating bansa kung magkaganoon.
Sana rin, dumami pa ang manood ng Triangle Of Sadness na palabas pa rin sa sinehan ngayon.
Ito namang On The Job: The Missing 8, sana naman ilapit ang pangarap nating Oscar nomination din.
Parang suntok sa buwan. Pero sana…
GORGY RULA
Napansin sa pelikulang Triangle of Sadness si Dolly de Leon bilang cleaning lady na si Abigail.
Sana, tuluy-tuloy na aariba siya sa Oscars kung makapaosk siya sa Best Supporting Actress category ng Oscars.
Napapansin pa rin ang mga Fil-Am actors, kagaya nitong si Martha Millan tampok sa American TV series na The Cleaning Lady. Aliw na aliw ang mga kaibigan kong nakabase sa Amerika dahil may nagta-Tagalog pa sa ilang eksena.
So-so ang review sa naturang series pero bongga rito si Martha Millan na magaling daw talaga.
