Watch Now

MMFF 2022, naabot ang P500M target; 1st Summer MMFF, tuloy na ngayong 2023

by PEP Troika
Jan 9, 2023
laurice guillen atty. don artes boots son roa-rodrigo
MMFF 2023 Board of Jurors Chairman Laurice Guillen, MMDA and MMFF 2022 Over-all Chairman Atty. Romando “Don” Artes, and MMFF 2022 Selection Committee Chairman Boots Anson Roa-Rodrigo during the presscon for the announcement of the 1st Summer MMFF.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Naabot ng 48th Metro Manila Film Festival (MMFF) ang target na P500M gross sales.

Inihayag ito ni Atty. Romando “Don” Artes, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) and MMFF 2022 Over-all Chairman nitong Enero 9, 2023, Lunes ng hapon, sa tanggapan ng MMDA sa Orense St., Mandaluyong City.

“Happy New Year po sa ating lahat. It’s a good day for Philippine cinema. For the 2022 Metro Manila Film Festival, na-hit po natin iyong ating target. Naka-P501M po tayo na ticket sales,” masayang pagbabalita ni Atty. Don.

“So, naabot po natin yung target natin na P500M which is very good, considering po na before, nasa 1,000 cinemas ang napapanooran. Ngayon po, nasa almost 700 cinemas lang.

“So, may mga probinsiya pa po na wala pang sinehan. So I think it’s a good indication na talagang nagbalik-saya na yung Metro Manila Film Festival.”

Read: MMFF 2022 box office: Deleter naka-P234M; last placer naka-P1.5M lang

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaugnay sa tagumpay ng MMFF 2022, nag-meeting ang MMFF Executive Committee ngayong Lunes at pormal nang inaprubahan ang 1st Summer MMFF.

Lahad ni Atty. Don, “Iyan po ay gaganapin sa April 8, Black Saturday hanggang April 18. Bukas po, may meeting ang pamunuan ng MMFF sa mga producers para po i-encourage na mag-submit sila ng entries para po sa summer film festival.”

Finished films na ang isusumite, na ang deadline ay sa Pebrero 17, Biyernes. Pebrero 17-23 panonoorin ng Screening Committee ang mga isinumiteng pelikula.

Si Boots Anson Roa-Rodrigo pa rin ang chairperson ng Screening Committee. Ihahayag ang walong napiling official entry sa Pebrero 24, Biyernes.

Kagaya ng 48th MMFF, ang host city ng 1st Summer MMFF ay ang Quezon City sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte.

Read: Parade of Stars at awards night ng MMFF 2022, gaganapin sa Quezon City

NOEL FERRER

Anu-ano ang learnings sa Christmas/Yuletide/Holiday MMFF na puwedeng i-apply sa Summer MMFF?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

1. Ang pangmalakasang promotion na kailangan — kaya pawang finished films ang tatanggaping entries simula ngayon hanggang Enero 31 (para sa mga early bird) at hanggang Pebrero 17 for regular submission. Hindi kailangang magbayad ng entry fee ang mga pelikulang na-submit na for consideration sa MMFF 2022.

2. Sa tulong ng TikTok at iba pang social media apps plus ng press, bumalik ang interest ng mga tao na nanabik sa pelikulang Pilipino. Sabi nga ni Tita Boots Anson Roa-Rodrigo, kung may revenge shopping, traveling, eating, kitang-kita rin na may Revenge Viewing ulit ng Filipino films sa mga sinehan.

3. May parada (to be finalized pa kung April 1) at awards night pa rin na magaganap (April 11 ang napipisil na Gabi ng Parangal.) Itong mga tradisyon na ito ang nagbibigay-kulay at interes din dito sa gaganaping Summer MMFF na itataon sa bakasyon sa ekswela ng mga bata. Kaya inaanyayahan lahat ng producer at manonood ng pelikulang Pilipino na suportahan itong pinakaunang Summer MMFF na naudlot noong Abril 2020 dahil sa pandemya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Dumaan si FDCP Chair Tirso Cruz III sa mediacon bilang suporta sa MMFF.

Sa open forum ay napagitnaan si Atty. Don ni Tita Boots na chairman ng Selection Committee ng MMFF 2022, at ni Direk Laurice Guillen na chairman naman ng Board of Jurors.

Mensahe ni Tita Boots, “In behalf of Mowelfund which has been the beneficiary of the Metro Manila Film Festival from Day 1…

“1975 hanggang tuluy-tuloy na po yun in various capacities, we really want to thank the MMFF for standing by Mowelfund. Maraming salamat po.”

Sabi naman ni Direk Laurice, “I attended my first ExeComm meeting this afternoon. One of the best pieces of news was the approval of the MMFF Summer Festival.

“I personally feel that this will be a great follow-up to the very good performance of the MMFF in the theaters.”

Inaasam ni Direk Laurice na maengganyo ang movie producers para lumahok sa unang Summer MMFF.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siniguro rin ni Direk Laurice na hindi niya pababayaan ang Cinemalaya indie filmfest na gaganapin sa PICC this year.

Ayon naman sa Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP), magandang petsa ang Sabado de Gloria o Black Saturday para sa pag-uumpisa ng Summer MMFF 2023.

“Kasi, Maundy Thursday and Good Friday, sarado po ang mga sinehan. So, pagbukas po ng sinehan sa April 8, after ng Good Friday, ipapalabas po natin ay itong summer film festival po,” sambit ni Atty. Don Artes.

“Iyong parade of stars, we’ll discuss it tomorrow with the producers pero we’re planning to have one. In case po, it will be on April 1, which is yung Saturday before the Palm Sunday.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
MMFF 2023 Board of Jurors Chairman Laurice Guillen, MMDA and MMFF 2022 Over-all Chairman Atty. Romando “Don” Artes, and MMFF 2022 Selection Committee Chairman Boots Anson Roa-Rodrigo during the presscon for the announcement of the 1st Summer MMFF.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results