JERRY OLEA
Pang-18+ ang pelikulang Ten Little Mistresses (126 minutes), na streaming umpisa Pebrero 15, 2023, Miyerkules, sa Prime Video.
For adults only ang bagong obra ni Direk Jun Robles Lana dahil sa “nudity, violence, alcohol use, foul language, sexual content.”
May butt exposure ang bilyonaryong si Don Valentin Esposo (John Arcilla)! Flawless!
Sa istorya, pumanaw si Charo (Cherry Pie Picache) noong kasagsagan ng pandemya.
Nang magluwag ang COVID-restrictions, ipinatawag ni Valentin ang kanyang sampung mga kerida sa bisperas ng kanyang ika-60 kaarawan. Meron siyang inihandang sorpresa para sa mga ito.
May pecking order siyempre ang mga KKK (kalaguyo, kerida, kabit).
First mistress si Magenta (Carmi Martin), at pangalawa ang tanging naanakan ni Valentin na si Bobet (Pokwang).
Ang retokadang si Diva (Kris Bernal) ay dating dukhang assistant ni Dra. Helga (Agot Isidro). Sino ba sa kanila ang may “K”?
Mabenta sa memes ng socmed si Because (Adrianna So), na nakikipaggirian sa konteserang si Sparkle (Kate Alejandrino).
Nag-bonding ang mga latest sovietskaya na sina Coco (Iana Bernardez) at Moon-young (Sharlene San Pedro).
Kapwa mahiwaga ang manghuhulang si Aura (Arci Muñoz), at ang impostorang Lady G (Christian Bables).
Hanggang talakitok lang ang mga escabeche. Bitin ang kanilang bardagulan.
Walang binatbat sa showdown sa 2002 dark comedy musical film na 8 Women, na isinulat at idinirek ni Francois Ozon. Legendary ang sapakan at salpukan doon ng high-profile French actresses na sina Catherine Deneuve, Isabelle Huppert, Emmanuelle Béart, Fanny Ardant, Virginie Ledoyen, Danielle Darrieux, Ludivine Sagnier, at Firmine Richard.
At any rate, ang mayordoma sa mansion ay ang blue-eyed na si Miss Lilith (Eugene Domingo).
Ang assistant ng mayordoma ay si Chiclet (Donna Carriaga) ay masugid na sumubaybay sa Kapuso detective series na Sherlock Jr. kung saan bida sina Ruru Madrid at Gabbi Garcia.
Sa Mesopotamian and Judaic mythology, Lilith is alternatively the first wife of Adam and supposedly the primordial she-demon. (Wikipedia).

Andaming references or homage sa Ten Little Mistresses, mula sa mga pelikulang Himala (1982) at Temptation Island (1980) hanggang sa No Other Woman (2011) at iba pang kulasisi movies.
Ang Queen of Crime na si Agatha Christie (1890-1970) ay may-akda ng nobelang And Then There Were None (1939) aka Ten Little Niggers aka Ten Little Indians.
Ang Ten Little Mistresses ay may bahid ng ilang nobela ni Agatha Christie kung saan kalibungbungan ang suspects na may kani-kanyang motibo at oportunidad to commit murder, at more and more ang twists and turns and twirls.
Kabugan ng karisma at kasuotan ang mga kaapid at kalunya — sa kanilang arrival, sa dinner party kung saan nilason si Valentin, sa sunbathing sa tabi ng swimming pool, sa funeral attire, at sa kanilang pagdiriwang habang paparating ang tatlong makisig na pulis.
Pebrero 15 ang Valentine’s Day ng mga paramour at side dish, kaya tumpak na sa araw na ito mag-umpisa ang streaming ng movie sa Prime Video.
Ang mga naka-appreciate ng Knives Out at Glass Onion: A Knives Out Mystery ay malamang sa alamang na masiyahan sa Ten Little Mistresses sa kabila ng mga butas sa istorya.
Amazing! Nanguna agad-agad ang Ten Little Mistresses sa Prime Top 10 in the Philippines, na sinundan ng tatlong K-drama… Our Blooming Youth (2), Island (3), at Love in Contract (4).
Followed by The Rings of Power (5), Jack Ryan (6), Expensive Candy (7), The Good Doctor (8), Reacher (9), and Clarkson’s Farm 2 (10).
Samantala, nito ring Pebrero 15 ay palabas na sa local cinemas ang Without You nina Shaira Diaz at David Licauco, kasabay ang marvelous na Ant-Man and The Wasp: Quantumania.
GORGY RULA
Sa simula pa lang ng pelikulang Ten Little Mistresses, beking-beki na. Mabuti’t magagaling silang lahat umarte, kaya kering-keri nila.
Naka-text ko ang isa sa producers ng pelikula na si Mayor Enrico Roque ng Cineko Productions. Sobrang happy raw siya rito sa collaboration niya sa Quantum Films at The IdeaFirst Company.
Wala raw siyang problema sa mga naka-partner niya sa project na ito. Kaya naman may kasunod na agad siyang film project sa Quantum na kaabang-abang din.
Nakakatuwa lang daw na maganda ang kinalabasan ng Family Matters sa nakaraang Metro Manila Film Festival 2022 kaya tuluy-tuloy na ang pag-produce niya ng magagandang projects kagaya nitong Ten Little Mistresses.
“Ang saya ng production sa Family Matters. Nakagawa kami ng magandang movies tapos kumita pa.
“Hanggang ngayon, may international screenings pa sa US, Canada, Australia at New Zealand. Sana, maganda rin ang resulta ng Ten Little Mistresses,” text ni Mayor Enrico Roque sa PEP Troika.
NOEL FERRER
Nag-effort sa pagpo-promote ang Ant-Man and the Wasp: Quantumania, ang ika-31 pelikula sa Marvel Cinematic Universe (MCU).

“King Will Return” ang pangako sa ending ng pelikulang tinampukan nina Paul Rudd (Scott Lang/Ant-Man), Evangeline Lilly (Hope van Dyne/Wasp), Jonathan Majors (Kang the Conqueror), Michelle Pfeiffer (Janet van Dyne), Michael Douglas (Hank Pym), Kathryn Newton (Cassie Lang), Bill Murray (Krylar), at Corey Stoll (Darren Cross/MODOK).
Ginampanan din ni Jonathan Majors ang Kang variants sa mid- at post-credits scenes, kabilang sina Immortus, Rama Tut, Scarlet Centurion, at Victory Timely, maski itanong pa ninyo sa Mental/Mobile/Mechanized Organism Designed Only for Killing.
Samantala, parang waley talagang paying audience at big screen persona ang nasa Without You kaya kumahog sila sa takilya.
Kapag ganito, imbes na mag-comment ang mga kaibigan nating taga-sinehan, ang sagot na lang nila ay Happy Valentine’s Day!
