PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Isko Moreno on Billing in Martyr or Murderer

“Billing? Huwag kang mag-alala… yadba naman ako, e! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”
by PEP Troika
Published Feb 21, 2023
isko moreno martyr or murderer
Isko Moreno: "Wala kayong narinig sa akin sa billing. Mas concern ako sa tanong kung nagbigay-buhay ba ako sa karakter. Kasi as an artist, yun na lang yung parang vindication mo, na na bigyan mo ng buhay yung karakter."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Gumanap si Joaquin Domagoso bilang artist with a purpose na si Yosef sa pelikulang Ako Si Ninoy, na idinirek ni Vince Tañada. Showing ito sa local cinemas umpisa Pebrero 22, 2023, Miyerkules.

Ang ama ni Joaquin na si Isko Moreno ay gumanap naman bilang Ninoy Aquino sa pelikulang Martyr or Murderer, na idinirek ni Darryl Yap. Palabas ito sa mga sinehan umpisa Marso 1.

Read: Isko Moreno, inaming "produkto" ng mga Marcos

Sa grand mediacon ng Martyr or Murderer nitong Pebrero 20, Lunes ng gabi, sa Las Casas Filipinas de Acuzar, Roosevelt Avenue, Quezon City, inusisa ng PEP Troika si Yorme kung napag-usapan ba nila ng anak na si Joaquin ang kani-kanyang participation sa nasabing movies.

Read: Reason why Joaquin Domagoso was "bothered" when dad Isko Moreno starred in a rival movie

Napangiting pahayag ni Yorme, “Joaquin is of age already. He’s trying to make a living. Kaya yung sinabi ko kanina, yung move on, I think that is more than proof enough.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung sinabi ko noong nakaraan, move on tayo. Si Joaquin is on the other side. I’m on the other side. I think in our own little way, that’s proof already na wala sa amin yung nakaraang eleksyon.

“He can do whatever he wants to do with his career and I’m supporting it. I am proud of him. In fact, yung nakuha niyang recognition as an artist, hindi ko nakuha yun.

“Lahat noong araw, puro nomination lang ako. Siya, nananalo! At saka international pa!

“So I’m proud of him, and I’m excited for him. I wish him all the best. And wala siyang maririnig at wala siyang narinig from me about him going to the other side.

“He can do whatever he wants to do as an artist.”

Read: Joaquin Domagoso picks up another acting award for That Boy In The Dark

By the way, nakatakda na ang international screenings ng Martyr or Murderer sa Middle East (Marso 9), USA (Marso 10), Singapore (Marso 10), Taiwan (Marso 11 at 12), at Australia (Marso 11).

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ipapalabas din ito sa iba’t ibang sinehan sa Japan, kabilang sa Tokyo Hibiya (Marso 19, Abril 2, Abril 9), Osaka (Marso 26), Nagoya (Abril 2), Saitama Urawa (Abril 2), Hachioji (Abril 9), at Saitama Kawaguchi (Abril 9).

Ikinakasa pa ang screening dates nito sa Abril sa Hong Kong, Austria, Italy, Greece at Israel.

NOEL FERRER

May mga umangal sa below-the-title billing ni Yorme sa poster ng Martyr or Murderer. Conscious ba si Yorme sa billing? Isyu ba iyon sa kanya?

Mabilis na sagot ni Yorme Isko, “No, no, no! In fact, wala kayong narinig sa akin sa billing. Mas concern ako sa tanong kung nagbigay-buhay ba ako sa karakter.

“Kasi as an artist, yun na lang yung parang vindication mo, na na bigyan mo ng buhay yung karakter.

“Billing? Huwag kang mag-alala… yadba naman ako, e! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Yun na, bayad naman pala siya ng produ na si Madame Imee Marcos!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Sa pagkakatanda ni Isko, ang huling movie na ginawa niya bago siya nag-comeback sa Martyr or Murderer ay ang Bonifacio: Ang Unang Pangulo (2014) na pinagbidahan ni Robin Padilla.

Gumanap siya roon bilang Padre Jose Burgos, isa sa GomBurZa (o MaJoHa?).

Kinalawang ba ang ang kanyang acting ability sa tagal na hindi siya nag-artista?

Natawa si Yorme, “Ha! Ha! Ha! Ha! Well, it’s up to Darryl to say such thing. Basta one, thank you kay Tito Lhar Santiago, Lito Mañago, Ricky Calderon.

“You know why? It reminded me of the training that I had. Nung nag-uumpisa kasi ako, yung tatlo na yun, sila ang nagte-training sa akin sa showbiz.

“Doing so, muscle memory. Plus as I have said, some studies about Senator Ninoy. Actuation, mannerism, and of course with Direk Darryl. Tinatanong ko siya kung, ‘Eto ba, gusto mong makuha or makita sa lente?’

“Direk Darryl is very helpful. And the team is very helpful. So, may kaba ng konti. Lalo na… eto! Trivia, hindi natanong kanina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung first ko is the New York incident. Kami ni Ruffa [Gutierrez], first scene namin of the day. OK, first scene of the day, nagre-rehearsal kami ni Ruffa, bigla ba namang sabi ni Direk, ‘OK, OK! Eto, pan-trailer itong scene na ‘to.’

“We were like… ‘Direk naman. Breaking the ice pa lang kami.’ Tapos biglang… yun! Nakaka-pressure but I hope you will like it and I hope, everyone magustuhan yung eksenang iyon.”

Sabi tuloy ni Ruffa, nanumbalik yung That’s Entertainment days nila with Master Showman German Moreno aka Kuya Germs.

Natawa uli si Yorme, “Ha! Ha! Ha! Ha! In fairness. Para kang nasa That’s at that time. And I’m humbled din ako to be working with them.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isko Moreno: "Wala kayong narinig sa akin sa billing. Mas concern ako sa tanong kung nagbigay-buhay ba ako sa karakter. Kasi as an artist, yun na lang yung parang vindication mo, na na bigyan mo ng buhay yung karakter."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results