PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Oras de Peligro Premiere Attracts Celebs, Politicos

Joel Lamangan, tumangging mag-react sa sinabi ni Darryl Yap na "sinungaling" siya.
by PEP Troika
Published Feb 24, 2023
oras de peligro premiere
Direk Joel Lamangan (extreme left, standing) with the cast of Oras de Peligro, led by Cherry Pie Picache and Allen Dizon, at the premiere of their movie last night, February 23, 2023.
PHOTO/S: Noel Orsal

NOEL FERRER

“Mahalagang mapanood ng bayan ang Oras de Peligro. Para mas makita nila ang totoong nangyari sa 1986 EDSA People Power. Hindi magsisinungaling ang film clips. Batay naman sa totoong buhay ang trahedya ni Dario at pamilya.

"Bravo, Joel Lamangan! Mabuhay ang cast! Tara na! Para sa atin ang Oras de Peligro!”

Ito ang pahayag ng Pambansang Alagad Ng Sining Virgilio Almario pagkatapos niyang mapanood ang pelikula sa premiere nitong Pebrero 23, 2023, Huwebes, sa SM Megamall.

Read: Joel Lamangan, palaban sa Oras de Peligro: "Ito'y nagsasabi ng totoo!"

Dinaluhan ang premiere ng cast sa pangunguna nina Cherry Pie Picache at Allen Dizon.

cherry pie allen oras d peligro premiere

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Cherry Pie Picache and Allen Dizon

Present ang birthday boy na si Dave Bornea, pati sina Nanding Josef, Jim Pebanco, Elora Espano, Crysten Dizon, Marcus Madrigal, Rico Barrera, Apollo Abraham, Mae Paner, Timothy Castillo, Dorothy Gilmore, at iba pa.

Nanood din sina Senator Risa Hontiveros, Bam Aquino, Chel Diokno, ang mahusay na writers na sina Boni Ilagan at Eric Ramos, ang Bayan Chairman na si Carol Araullo kasama ang asawang si Sir Mike, at ang progresibong madre na si Sr. Mary John Mananzan ng St. Scholastica.

risa hontiveros bam aquino oras de peligro premiere

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Senator Risa Hontiveros and former Senator Bam Aquino

eiric ramos boni ilagan oras de peligro premiere

Eric Ramos and Boni Ilagan

Nakita ko rin sina Mitch Valdes, Jim Paredes, Ping Medina, at marami pang direktor at kasamahan sa industriya.

mitch valdes jim paredes oras de peligro premiere

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mitch Valdes and Jim Paredes

Ito ang katotohanan at hindi haka-haka o hinuha o interpretasyon lang ng kasaysayan. May actual footage at newspaper articles na nagsilbing pagpapatunay sa backdrop ng 1986 People Power Revolution.

Natumbok ni Direk Joel ang kaibahan ng pelikula: “Ito ay nagpapakita ng katotohanan hindi para pakinabangan ng isang tao o pamilya lamang. Ito ang kasaysayan ng lahat!”

Nitong Biyernes, sa Level Up interview namin sa Radyo Katipunan kay Direk Joel, inilahad niya ang kanyang hirap sa paggawa ng pelikula.

“Buwis buhay ito talaga na kung hindi ko naagapan ay puwede raw akong mamatay! Buti na lang natapos ko ang pelikula — and start of December, kinailangan akong dumaan sa isang matinding medical procedure at maayos naman na ako ngayon,” ani Direk Joel.

joel lamangan oras de peligro premiere

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Joel Lamangan

Sa parte naman ni Cherry Pie, mariin niyang sinabi, “Oo, nasa Oras de Peligro na tayo ngayon, hindi lang tayo kundi ang buong mundo. Kailan nating manindigan at protektahan ang katotohanan, tulad na lang ng ginawa namin sa pelikulang ito.

“Sana tulungan niyo kaming hikayatin ang mga bagong henerasyon na panoorin ito nang mabuksan ang isip nila sa tunay na nangyari sa ating kasaysayan.”

Umaasa si Cherry Pie na sa March 1, tatangkilikin ng mga Pinoy ang pelikulang napapanahon at hindi lang ang intensyon ay kumita!

Go, Team Oras de Peligro!

JERRY OLEA

Napaluha si Cherry Pie Picache sa premiere showing ng pelikulang Oras de Peligro nitong Pebrero 23, Huwebes, sa SM Megamall.

“Nakakataba ng puso, di ba? Yung iba, pagkatapos manood, naiyak. Yung ganun,” sambit ni Cherry Pie sa Q&A matapos ang screening.

“It’s very nostalgic, di ba, to remember everything that happened nung 1986. Unang-unang beses kong napanood yung nagdikit-dikit na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pagdating sa eksena ko, naiiyak ako. Naaawa ako kay Beatriz!” patungkol ng aktres sa kanyang karakter.

Pagpapatuloy ni Cherry Pie, “Pero for a while, sabi ko, ‘Ano ba yan?! Iyak siya nang iyak!’ Beatriz, iyak ka nang iyak… pero humupa naman nung bandang huli.”

Nagpasalamat si Cherry Pie sa nagprodyus ng pelikula, ang Bagong Siklab Productions.

Sabi niya, “Thank you so much. Thank you so much for taking the risk and for being so courageous and brave in producing a film like Oras de Peligro.

“And of course, sa aking mahal na direktor, Direk Joel Lamangan. And of course the rest of the cast, the staff, the crew, lahat-lahat. Salamat.

“Tapos ang ganda, kasi kasama ko yung anak ko tapos yung kaibigan niya. So, wala silang kaide-ideya ng EDSA Revolution.

“Tinatanong niya, nag-aano kami na, ‘Oo, ganyan yan during the time. That’s how we struggled and fought for you know whatever we have now.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama rin ni Cherry Pie sa premiere ng Oras de Peligro ang kasintahan niyang si Edu Manzano.

edu manzano cherry pie picache anton tria oras de peligro premiere

Edu Manzano, Cherry Pie Picache and her son Anton Tria

Read: Darryl Yap, tinawag na "sinungaling" sina Joel Lamangan at Cherry Pie Picache

GORGY RULA

Sa dinami-dami ng mga karakter sa Oras de Peligro, naka-relate nang lubos si Direk Joel Lamangan sa karakter ni Cherry Pie Picache na si Beatriz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag ng multi-awarded director, “Yung naghahanap ng hustisya. Isa ako sa mga naghahanap ng hustisya, hanggang ngayon ay naghahanap pa rin ng hustisya.”

Si Direk Joel ay dalawang beses nakulong noong panahon ng martail law.

Lahat ng eksena sa Oras de Peligro ay challenging para kay Direk Joel.

Pahayag ng beteranong direktor, “Kasi alam mo na gumagawa ka ng isang pelikula na maaaring ayawan ng kabilang panig. Na maaaring i-stop kung kinakailangan.

“Pero dahil sa ang mga kasamahan ko naman ay matapang, at aming itinuloy ang pagpapakita ng katotohanan nung panahon ng EDSA. Yun yon.”

Sa tanong ni Archie Liao kung sa tingin ba niya ay buhay pa ang spirit ng EDSA Revolution, maigting ang sagot ni Direk Joel, “The mere fact na nanood ka, it means na ang EDSA ay buhay. Dahil nandiyan ka.

“Buhay na buhay pa sa mga taong kagaya mo, kagaya ng lahat ng nanood nito, lahat ng naiyak sa pelikulang ito. Ibig sabihin, buhay ang EDSA!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inusisa ni Jun Nardo kung puwedeng mahingan ng pahayag si Direk Joel kaugnay sa sinabi ni Darryl Yap tungkol sa kanila ni Cherry Pie sa grand presscon ng Martyr or Murderer noong Pebrero 20, Lunes ng gabi, sa Las Casas Filipinas de Acuzar, Roosevelt Ave., Quezon City.

Sagot ni Direk Joel, “Ayoko na siyang pag-usapan, huwag na lang. Tayu-tayo na lang. Tama na. Huwag na natin siyang isali.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk Joel Lamangan (extreme left, standing) with the cast of Oras de Peligro, led by Cherry Pie Picache and Allen Dizon, at the premiere of their movie last night, February 23, 2023.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results