JERRY OLEA
First time nagkita at nagkausap sina Gerald Anderson at Kylie Padilla noong Hulyo 2022 sa look test para sa pelikulang Unravel: A Swiss Side Love Story.
“That was maybe one week before kami lilipad for Switzerland,” sambit ni Gerald sa mediacon noong Marso 29, 2023, Miyerkules, sa Vertis North, Quezon City.
Sa Switzerland kinunan ang halos kabuuan ng Unravel, na isa sa walong official entries ng 1st Summer MMFF (Abril 8-18, 2023).
Ano ang impression nila sa isa’t isa bago sila nagkatrabaho?
Napangiti si Kylie, “Nakakahiyang aminin but I was a fan. Fan ako ng Kimerald, sorry! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!
“Naging honest lang ako. Nanonood ako sa sine ng mga pelikula nila. But then nung nandun na kami, I need to be professional.
“Talagang tinanggal ko lahat yun, and nagtrabaho ako.”
Ang "Kimerald" na tinutukoy ni Kylie ay ang dating love team ni Gerald at ng dati nitong girlfriend na si Kim Chiu.
Sabi naman ni Gerald, “Kahit hindi ko pa siya nakakasama, alam ko na si Kylie is a very good actress and I’m very privileged na na-witness ko yan in person and nakaeksena ko siya.
“But more than anything, napaka-humble, napaka-down-to-earth. And very cowboy din.
“Sa ganung klaseng shoot, kailangan kalma lang, kaya mong mag-adjust. Kasi maraming puwedeng mangyari.
“Nasa abroad kami, hindi namin hawak yung lugar. So she was very professional, and naging mas madali ang shoot.”
GORGY RULA
Maayos ang working relationship nina Gerald at Kylie. Na-break agad ang ice nang mag-look test sila. Walang attitude-attitude.
“Ahhm, tulad ng sinabi ko kanina, madaling katrabaho si Kylie. She’s very humble, masarap kausap,” pahayag ni Gerald.
“Wala namang kailangang mag-effort pa because everything just came together, very natural.
“And again, mahal niya ang trabaho niya. At isa yan sa pinakaimportante.”
Iyong kuwento ng Unravel ay kung paano nakilala nina Noah (karakter ni Gerald) at Lucy (karakter ni Kylie) ang isa’t isa.
Saad ni Kylie, “So even Lucy and Noah were strangers when they first met, and ako personally ginamit ko yun. I used whatever was available.
“And ganun, unti-unti nag-o-observe. Kasi mahiyain din ako. Sobrang tahimik ako pero nag-o-observe ako.
“And you know, feeling ko, nagamit ko yun, so nothing’s awkward. Tinanggal ko talaga yung fan ng Kylie para makapag-focus ako.
“Kasi kung magpo-focus ako dun, hindi ako makakaarte.”
Abangan sina Gerald at Kylie sa 1st MMFF Parade of Stars ngayong Palm Sunday, 4:00 p.m., sa Commonwealth Avenue, Quezon City! Tuloy-Tuloy Ang Saya!
Read: 1st Summer MMFF entries, pabonggahan ang gimik sa Parade of Stars
NOEL FERRER
Ano ang na-discover nina Gerald at Kylie sa isa’t isa sa pagsyusyuting nila sa Switzerland?
Tugon ng Kapamilya actor, “Na-discover ko lang kay Kylie, yung naramdaman ko sa unang look test pa lang namin.
“Na alam kong magiging masaya to, adventure, she’s very adventurous. Kahit sobrang takot… na takot na takot siya dun sa skydiving namin saka sa canyon swinging, sobrang takot siya talaga pero ginawa pa rin niya.
“Ginawa niya for the love of the craft… very brave. Very brave!”
Sabi naman ni Kylie, “Very quiet siyang magtrabaho din, e. But I can see his process… na-observe ko, he’s very open and very generous.
“And bilang isang artista, yun yung gusto mo, e. Yung nagbibigay din, hindi yung ikaw lang ang nagtatrabaho mag-isa! Ha! Ha! Ha! Ha!”
In fairness, ha, mahusay pareho sina Gerald at Kylie sa kanilang pagganap dito sa pelikula, at di malayong ma-nominate sila at baka nga manalo pa ng award depende na lang sa panlasa ng Summer MMFF jury!
All the best!!!
