Tipid ang mga sagot ni Karla Estrada kapag tinatanong tungkol sa kanyang love life.
Taong 2019 nang aminin ni Karla sa publiko na may non-showbiz boyfriend siya na nagngangalang si Jam Ignacio.
Read: Karla Estrada finally admits relationship with non-showbiz guy
“Ayos lang,” sagot ni Karla nang makausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) at ibang reporters sa mediacon ng Face 2 Face nitong Abril 17, 2023, Lunes, sa TV5 Media Center, Reliance St., Mandaluyong City.
“I mean, alam niyo naman, hindi ako komportableng pag-usapan ang aking buhay pag-ibig.
“Itago na lang muna natin siya sa likod ng mga kamera.”
Kasal na ba sila? Meron kasing mga bali-balita…
“Hindi pa… nakakahiya… na yun ang pinag-uusapan natin. Ha! Ha! Ha! Ha! Feeling ko kasi, ang tanda ko na!”
Ngayong meron na siyang daily TV show, paano na ang kasal? Wala pa iyon sa mga plano niya?
“Wala pa sa mga plans yun. Siguro pag mga 64.”
Nag-propose na ba?
“Hindi pa.”
Baka maunahan pa siya ng anak niyang si Daniel Padilla?
“OK lang. Mas importante ang love life nila kesa sa akin.”
Gusto na ba niyang maging lola kay Daniel?
“I’m so ready anytime!”
Ilang apo ang gusto niya?
“Ay naku! Sanay kami na maraming pamilya. Kaya hangga’t ilan ang kaya, perfect. Mas madami, mas masaya.”
Anong gusto niyang itawag sa kanya sakaling lola na siya?
“Mama Lola. Kasi yan ang tawag ko sa Mama Lola at Papa Lolo ko.”
Kahit sa isa pang anak niyang si Carlito, hindi pa siya magkakaapo?
“Wala pa. Alam mo yung mga anak ko, hindi talaga nila namana sa akin yung pagkabonggadera ko!”
Ramdam ba niya na gusto nang magpakasal ni Daniel?
“Oo naman. Kasi mga anak ko naman, hindi naman maitatago pag ikaw ang nanay lalo. Hands on ka, di ba, na lumaki sa yo.
“Kilala mo talaga sila. Oo naman. Pero siyempre, at the end of the day, sila talaga ang magdedesisyon kung ano yung gusto nilang mangyari sa mga buhay nila.”
Ilang beses nang nag-abroad si Daniel at ang girlfriend nitong si Kathryn Bernardo, pero hindi sila natsismis na secretly married.
“Hindi naman. Kasi I don’t think na ililihim naman sa amin na mga magulang yun,” sambit ni Karla.
“Kasi siyempre, hindi naman kami hindi supportive, e. Di ba, wala namang kumokontra sa pagmamahalan ng mga anak ko sa iba nilang mga mahal sa buhay.
“So, walang dahilan para isikreto sa amin yun.”
