PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Zsa Zsa Padilla, ipagdiriwang ang 40th anniversary with a concert

Zsa Zsa Padilla, ano ang feeling na magsi-60 na next year?
by PEP Troika
Published Jun 8, 2023
zsa zsa padilla 40th anniversary
Zsa Zsa Padilla on her feeling about turning 60 next year: “Same! Except for the feeling nga talaga, ano, yung mga sakit-sakit, yung mga maintenance. Sana, maintain na lang. Huwag magdagdag! Pag nagdadagdag ng gamot, nai-stress ako.”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

40 Na Zsa!

Ipagdiriwang ni Zsa Zsa Padilla ang ika-40 anibersaryo niya sa showbiz sa pamamagitan ng isang concert sa Nobyembre sa Resorts World Manila.

“Medyo mahirap gawin kaya sabi ko, dapat mag-meeting na kami,” lahad ng Divine Diva nitong Hunyo 7, 2023, Miyerkules, sa Casa Esperanza, Brgy. Piis, Lucban, Quezon.

“Kasi ang daming materyales. Kailangan, encompassing — the movies, saka yung mga soaps na ginawa ko.”

Ang magdidirek ay si John Prats.

“Gusto ko siyang i-try. Di ba, anak-anakan ko siya sa Familia Zaragoza? Ganyan pa lang siya kataas noon. Five or seven years old,” pagmumuwestra ni Zsa Zsa.

Gaano katagal ang 40th anniversary concert niya? Four hours?

“Kailangan two lang yan. Kasi, ang tao, hindi kaya,” sambit ni Zsa Zsa.

E, ang dami niyang friends sa showbiz na puwedeng mag-guest, ah?!

“Actually madami pero… we will see. Kasi, andami ko na ring na-guest sa mga anniversary concerts,” pagbuntong-hininga ni Zsa Zsa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Titingnan namin na medyo ibang flavor. Merong young artists siyempre.”

Working title pa lang ng concert iyong 40 Na Zsa, na pabirong sabi ni Zsa Zsa… Pa-Senior Na Zsa!!!

“One year na lang! Diyos ko, ‘Day!” bulalas pa ni Zsa Zsa.

This year din ang 40th showbiz anniv ni Pops Fernandez. Sabay silang in-introduce sa TV program na Bad Bananas noong Pebrero 14, 1983.

NOEL FERRER

Kasama si Zsa Zsa sa seryeng Cattleya Killer na nangunguna pa rin sa Top 10 in the Philippines ng streaming platform na Prime Video.

Ang kumuha sa kanya rito ay si Direk Ruel S. Bayani (RSB) na kinuha rin siya noon para gumanap na Red Dragon sa Kapamilya teleseryeng Wildflower.

Kinuha rin siya ni RSB na guest sa seryeng Almost Paradise. Nag-audition pa siya for that.

Kasama rin siya sa bagong all-star cast ng seryeng Call My Manager! ni Direk Erik Matti.

Pinipili na lang ni Zsa Zsa ang acting jobs.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kasi ahhmm nahihirapan na ako nung ano, e. Parang sa edad ko, sabi ko, parang kailangan ba, yung lock-in?” sabi ni Zsa Zsa.

“Although nagawa ko siya sa Love Thy Woman with Kim [Chiu] and Xian [Lim]. Kasi, di ba, biglang nag-pandemic.

“Tapos supposedly, sinasama din ako dapat dun sa Iron Heart. Kaso yung schedule ko, hindi kami nag-ano.”

Looking forward ako sa 40th anniversary celebration ni Zsa Zsa na hindi lang nag-excel sa movies, TV recording at concerts kundi pati teatro ay napagwagihan niya thru Larawan with Celeste Legaspi.

Tapos, habang napakaganda pa rin ng takbo ng career niya ay heto, maayos din ang kanyang pinagkaabalahang Casa Esperanza sa Lucban, Quezon, na trip-worthy destination talaga!

GORGY RULA

Hindi pa man siya SC (senior citizen) or “dual citizenship” ay meron na siyang discount card.

“For PWDs. Scoliosis!” sabi ni Zsa Zsa.

Kailan pa iyong PWD card niya? Matagal na?

“This year lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bakit hindi agad siya kumuha?

“Hindi ko kasi alam. Ang nagsabi lang sa akin, si Amy [Perez] na isa pang may scoliosis,” sabi ni Zsa Zsa.

“E, ang dami kong gamot kaya?! Sabi ko, ‘Oh my God! Ang dami kong maintenance!’ Malaki ang discount…”

Kung kailan magsi-senior citizen na siya, saka pa lang siya nag-avail ng discount card para sa PWDs.

Natawa si Zsa Zsa, “One year na lang! Ha! Ha! Ha! Ha! Nakatipid lang ako nang one year, tapos senior na.”

Anong pakiramdam niya na malapit na siyang maging senior citizen?

“Same! Except for the feeling nga talaga, ano, yung mga sakit-sakit, yung mga maintenance,” tugon ni Zsa Zsa.

“Sana, maintain na lang. Huwag magdagdag! Pag nagdadagdag ng gamot, nai-stress ako.”

Buti, ang boses niya, ganun pa rin.

“Ang hirap din! Kasi siyempre, napapagod. Napapagod. Yung range siyempre bumababa, lalo na sa babae talaga, bumababa,” saad ni Zsa Zsa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Actually, nag-start akong bumaba yung range ko in my 50s. Basta nag-menopause ang babae, ganyan. Some. Most.

“Napansin ko, sa nag-o-opera, hindi masyado. Pero pag pop, bumababa.

“But it’s natural. Kasi, pati yung fans, followings mo, kailangan nagde-develop ka as a person.

“Maiintindihan nila na pati yung style mo, nagbabago. Oo, hmmn, so ganun lang talaga.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Zsa Zsa Padilla on her feeling about turning 60 next year: “Same! Except for the feeling nga talaga, ano, yung mga sakit-sakit, yung mga maintenance. Sana, maintain na lang. Huwag magdagdag! Pag nagdadagdag ng gamot, nai-stress ako.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results