GORGY RULA
Bukas pa rin si Cesar Montano sa posibilidad na muli niyang pasukin ang pulitika.
Kamakailan lang ay natapos niya ang Master in Public Safety Administration sa Philippine Public Safety College. Isang taon daw siyang nag-aral, na tamang-tama ay nasa pandemic ito.
Read: Cesar Montano, 60, earns master's degree in public safety administration
"Umabot sa pandemic. Walang ginagawa. So, I took the opportunity na bigyan ko ng panahon.
"Sayang, e. Kasi ginawa nila akong scholar for that. Bihira ito, e," pakli ni Cesar nang nakatsikahan namin sa DZRH para mag-promote ng teleseryeng Minsan Pa Nating Hagkan Ang Nakaraan na magsisimula na sa July 25 ng hapon sa TV5.
Tinanong namin kung ang tinapos niyang kurso ay paghahanda na sa pagpasok muli sa pulitika.
"Siguro my best answer to that, is I'll just the cross the bridge when I get there siguro.
“Ayoko muna... baka mamaya mali pa ang aking masabi. Hindi natin alam in the future, e," safe niyang sagot.
Nagpasalamat si Cesar pinag-aralan niya ang public safety administration dahil ang dami raw niyang bagong natutunan, na ang buong akala niya ay alam na niya.
"Alam mo, hindi talaga ako nagsisisi. Ang dami ko talagang natutunan. Marami kami, e. Most them are policemen, firemen, lawyers. Some of them are actually working in the government in agencies, Asec, ganun!
"It's really a great honor for me and opportunity. Hindi ko pinagsisihan.
“Ako talaga, kahit sino talaga, I will encourage them to take it. Kasi maiintindihan mo kung ano yung mga... akala ko nga alam ko na lahat dahil sa mga narinig natin, di ba? Dahil sa social media and everything, alam ko na lahat. Hindi pala.
"Ang dami pala nating hindi pa nalalaman. Kasi, doon mo malalaman, marami. You can discuss a lot of things after you take this Masters in Public Safety Administration," dagdag niyang pahayag.
NOEL FERRER
Sa ngayon ay gusto ni Cesar na mag-focus muna sa acting. Natapos na niya ang pelikulang The Blood Brothers, isang action movie na hango sa ating kasaysayan.
“Nasa post-production kami, The Blood Brothers ang title. It came from the book The Blood Brothers, written by Ronald Adamat, one of our commissioners in CHED.
"It's about our roots, ang ating pinanggalingan. Medyo historical ang pelikula.
"Alam mo naman ang aking passion sa history. So, I didn't have a second thought of doing the film. Maganda yung pelikula. I'm very proud about this," bulalas ng actor-director.
May balak pa raw siyang gawin ang part two ng pelikula niyang Bullet at Muro-Ami. Pero sa TV ay magdadrama raw muna siya, itong Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan.
Gagampanan ni Cesar ang role ni Eddie Garcia sa movie version na idinirek ni Marilou Diaz-Abaya.
Read: Cesar Montano, bida sa TV remake ng Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan
Ani Cesar, “Tuwang-tuwa ako at excited gawin ito dahil para sa akin, malaking bagay 'to dahil ito ay ginawa ng aking paborito at napakagaling na direktor, si Direk Marilou Diaz-Abaya.
"Malaking bagay sa aking... part sa aking puso, sa aking career si Direk Marilou Diaz-Abaya dahil siya ang aking direktor sa Jose Rizal, Muro Ami, and Bagong Buwan.
“So, malaking bagay sa akin to. Sabi kong ganun, e, gagawin ko ito talaga, as a tribute to Direk Marilou Diaz-Abaya, to our great director."
Isa ako sa mga natutuwa that Cesar is back into acting and the entertainment industry where he really excels and can make a big difference!!!
Sana, marami pang good projects coming his way.
JERRY OLEA
Dahil sa teleserye na itong Minsan Pa Nating Hagkan Ang Nakaraan, may mga pagbabago para mapahaba ang kuwento.
"Dahil series ito, talagang may mababago ang iba. Ang iba ay mai-stretch nang konti. Kailangan baliin nang konti yung iba.
“Ako naman... nakakatuwa naman. I feel so blessed working with very good writers of this... magaling yung mga direktor namin."

I wonder kung iyong ending ng pelikula ay kapareho ng ending ng teleserye.
Iyon kasing ending ng pelikulang Bilangin Ang Bituin sa Langit (1989) nina Nora Aunor at Tirso Cruz III, ibang-iba sa wakas ng teleseryeng pinagbidahan nina Mylene Dizon at Zoren Legaspi.
Maliban kay Eddie Garcia, tampok sa pelikulang Minsan Pa Nating Hagkan Ang Nakaraan (1983) sina Vilma Santos at Christopher de Leon.
Sa TV series ay co-star ni Cesar Montano sina Cristine Reyes at Marco Gumabao.
