PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Loudette Revilla graduate na ng Medicine

Bong at Lani, may abugado na, may doktor pa!
by PEP Troika
Published Jul 24, 2023
lani bong daughter loudette graduation
Loudette Bautista (center), youngest daughter of Senator Bong Revilla and Congresswoman Lani Mercado, finishes Medicine at UERM. She will just take the board exam and then she will become a full-pledged doctor.
PHOTO/S: Facebook

GORGY RULA

Kitang-kita ang mukha ng sobrang kasiyahan ng proud parents na sina Senator Bong Revilla at Congresswoman Lani Mercado nang mag-Facebook live ang senador nitong Lunes ng umaga, July 24, 2023, habang papunta sila ng PICC.

Read: Lani Mercado, selosa; Bong Revilla, ander de saya?

Dadalo sila sa graduation ng anak nilang si Loudette na magtatapos sa kursong Medicine. Nag-premed si Loudette sa Ateneo de Manila, at nag-proper ito sa UERM.

Sobrang saya ng mag-asawa dahil meron na raw silang doktor sa pamilya.

"Bale one year more kasi mag-intern pa siya tapos residency. Tapos she has to take the board exam. Yun, licensed doctor na siya," pakli ni Cong. Lani.

bong lani daughter loudette

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ni Sen. Bong, ang suwerte nila sa kanilang mga anak dahil masisipag mag-aral at talagang nakapagtapos ng kursong pinili nila.

Ilang buwan lang ang nakaraan, nagdiwang sila sa pagkakapasa sa bar exam ng panganay nilang anak na babae na si Inah Bautista-del Rosario.

Read: Bong Revilla at Lani Mercado, proud na proud sa anak nilang si Inah: "Anak, iba ka, iba!"

Emotional pa si Senator Bong nung sinabi niyang meron na siyang anak na abugado. Ngayon ay may doktor na sila.

"Napakasuwerte ko na meron akong mga anak na matatalino, at siyempre nagmana sa nanay, hindi sa akin, e," natatawang pahayag ni Senator Bong.

"Parehas naman," bawi naman ni Cong. Lani.

Sabi pa niya, “Sa totoo lang, yung success ng mga anak natin, nakasalalay sa sipag nila, dahil sila naman yung nag-aaral. Tayo, taga-guide lang, taga provide. Nasa sa atin lang to set the direction."

Ikinuwento rin ni Senator Bong na ang matagal na raw may gustong magkadoktor sa pamilya ay ang daddy niya, ang namayapang dating Senator Ramon Revilla Sr.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Tayo naman bilang magulang hanggang nasa pangaral na lang tayo sa kanila. Sila naman yung masusunod sa buhay nila e. Pero at least, yung pangarap natin... actually po para sa kaalaman ninyo, ang anak ko lang... ito ay matagal nang pangarap ng aking tatay na magkaroon siya ng anak na doktor.

“Wala po sa amin nakatupad niyan, sa atin mga anak. At ito ay nangyari lang sa apo, kay Loudette.

"Sa lahat na mga kapatid ko wala talaga. I'm sure my father is very, very happy.

“I know in heaven, alam niya na natupad na rin ang pangarap na meron ng apo na doktor... hindi man nakuha ng anak niya. Ang sarap ng pakiramdam."

Congratulations kay Loudette at kina Senator Bong at Cong. Lani!

JERRY OLEA

Sa FB live ng mag-asawa, ikinuwento ni Cong. Lani ang Facebook post ni Loudette.

Nagpapasalamat si Loudette sa suporta ng magulang, ang mga kapatid niya at pamangkin, ang boyfriend niya, at pati mga kasambahay na tumutulong sa kanya nung nag-aaral pa siya sa Ateneo hanggang sa UERM.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

loudette revilla graduation

Bahagi ng FB post ni Loudette na binasa ni Cong. Lani, “Thank you for believing in me, Mama and Papa. Sa totoo lang parang budol yung ginawa niyo sa akin.

"It was Daddy's [Sen. Ramon Revilla Sr.] dream to have a doctor in the family. Eversince, you've imprinted the idea of me becoming a doctor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I doubted myself multiple times before and during med school because, Medicine is not for everyone.

"I couldn't count the times I told you na, 'Ayaw ko na, pagod na ako, sorry huhuhu, I can't, I have duty.' Yet both of you supported me and gave me the push I needed to carry on.

"I can finally say na, 'May MD na tayo. May doktor na tayo.'"

NOEL FERRER

Binati rin ni Senator Bong ang lahat na nag-graduate ng Medicine, at pinuri niya ang mga ito.

"Alam niyo, hindi biro maging isang doktor. Public service din ito, e. Serbisyo sa tao, pagdugtong ng buhay.

"Alam nating yung pinag-aralan nila, hindi biro. Ilang libro ang pinasok sa kanilang utak na ginugol na pag-aaral. Kaya lahat na mga ga-graduate ngayon, ang aming pagbati sa inyo, kasama ang aming anak.

"We're so proud of you all," pahayag ni Senator Bong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Loudette Bautista (center), youngest daughter of Senator Bong Revilla and Congresswoman Lani Mercado, finishes Medicine at UERM. She will just take the board exam and then she will become a full-pledged doctor.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results