PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

'Katips' humakot ng nominasyon sa 25th Gawad PASADO

Janine Gutierrez, dalawa ang nominasyon sa Best Actress.
by PEP Troika
Published Aug 3, 2023
gawad pasado 2023 nominees
'Family Matters' (top, left), 'Katips' (top, right), 'Broken Blooms' (bottom, left), and 'Bakit Di Mo Sabihin' (bottom, right) received the most number of nominations at the 25th Gawad PASADO.

JERRY OLEA:

Sigurado nang may award ang Doll House sa 25th Gawad PASADO sa Setyembre 23, 2023, Sabado ng 7:00 p.m., sa National Teachers College, 629 Nepomuceno St., Quiapo, Maynila.

Sa talaan ng mga nominadong ipinakikilala ng Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro (PASADO), nag-iisa si Althea Ruedas ng Doll House sa kategoryang PinakaPASADOng Batang Aktres 2022.

Congrats, Althea!

Read: Why Doll House is Baron Geisler's "renaissance"

Janine Gutierrez vs Janine Gutierrez sa tagisan ng mga pinakaPASADOng Aktres 2022.

Nominado si Janine para sa mga pelikulang Bakit Di Mo Sabihin? at Ngayon Kaya.

Nominado rin sa nasabing kategorya sina Sachzna Laparan (Katips), Therese Malvar (Broken Blooms), Liza Lorena (Family Matters), at Sunshine Dizon (Walker).

Llamado si Janine. Masaklap kung uuwi siyang lotlot.

Read: Liza Lorena, may payo sa young stars: "Matutong mag-sorry pag late. Marunong gumalang..."

Ang mga nominado para sa PinakaPASADOng Aktor 2022 ay sina JC de Vera (Bakit Di Mo Sabihin?), Noel Trinidad (Family Matters), Jeric Gonzales (Broken Blooms), Vincent M. Tañada (Katips), Paulo Avelino (Ngayon Kaya), at Baron Geisler (Doll House).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Jeric Gonzales, natupad na ang pangarap maging award-winning actor

Ang mga nominado para sa PinakaPASADOng Katuwang ng Aktres 2022 ay sina Elora Españo (Walker), Mylene Dizon (Family Matters), Lotlot de Leon (Bakit Di Mo Sabihin?), Rita Avila (Walker), Nicole Asensio (Katips), Nikki Valdez (Family Matters), at Jaclyn Jose (Broken Blooms).

Ang mga nominado para sa PinakaPASADOng Katuwang na Aktor 2022 ay sina Jerome Ponce (Katips), Boobay (Broken Blooms), Nonie Buencamino (Family Matters), JC Santos (Family Matters), Mon Confiado (Katips), at Edgar Allan Guzman (Walker).

Take note na sa kategoryang PinakaPASADOng Katuwang na Aktor ay dalawa ang nominado mula sa Family Matters, sina Nonie Buencamino at JC Santos.

Sa kategoryang PinakaPASADOng Katuwang na Aktres ay dalawa rin ang mula sa Family Matters, sina Mylene Dizon at Nikki Valdez.

Dalawa rin sa kategoryang ito ang mula sa Walker, sina Elora Españo at Rita Avila.

Sa apat na acting categories, pawang may panlaban ang mga pelikulang Katips, Broken Blooms, at Family Matters.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nominado ang mag-inang Janine at Lotlot, at ang mag-ex na sina Jerome at Sachzna.

Sa supporting actors ng Katips ay si Mon ang nominado, sa halip na si Johnrey Rivas na nag-frontal sa movie.

GORGY RULA:

Ang pitong nominado sa kategoryang PinakaPASADOng Pelikula 2022 ay Bakit Di Mo Sabihin?, Family Matters, Broken Blooms, Katips, Ngayon Kaya, Doll House, at Walker.

Ang mga ito rin lamang ang naglaban-laban sa iba’t iba pang mga kategorya.

Read: Family Matters very relatable; cast delivers solid performance

Inisnab ng PASADO ang tatlong best picture ng MMFF 2022 na Deleter, Mamasapano: Now It Can Be Told, at Nanahimik Ang Gabi.

Pinag-usapan ang pagbale-ala ng MMFF 2022 sa Family Matters, na siya namang may pinakamaraming nominasyon sa 71st FAMAS na gaganapin sa Agosto 13 sa Manila Hotel.

Read: 71st FAMAS: 'Family Matters' nakakuha ng pinakamaraming nominasyon

Sa 25th Gawad PASADO, tabla ang Family Matters at Katips sa paramihan ng nominasyon. Tiglabing-apat sila!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Broken Blooms ay naka-13 nominasyon sa 25th Gawad Pasado, samantalang tig-12 ang Bakit Di Mo Sabihin? at Walker.

Tig-10 naman ang Ngayon Kaya at Doll House.

Ang pitong PinakaPASADONG Pelikula 2022 ay pawang nominado rin sa mga kategorya para sa PinakaPASADONG Direktor, Istorya, Screenplay, Cinematography, Editing, at Music.

Laglag ang Family Matters sa kategoryang Production Design. Iyong anim lang ang pasok sa banga, ika nga.

Apat lang ang nominado sa Sound category — Bakit Di Mo Sabihin?, Family Matters, Katips, at Broken Blooms.

Take note na ang Katips ay ikinunsidera ng FAMAS at PMPC Star Awards for Movies sa mga pelikulang ipinalabas noong 2021.

Pero sa PASADO, ang laban ng Katips ay para sa 2022.

Iyong Walker ay hindi pa ipinapalabas sa local cinemas, subalit ikinunsidera na ng PASADO.

NOEL FERRER:

Noong nasa Young Critics Circle pa lang ako, nagtatag naman ang mga pamantasan sa UBelt ng kanilang PASADO Award.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ok naman ito dahil may puwang sa kritisismo at media education ang lahat.

Pero noong nagkaroon na ng gawad para sa politika at public service, pati na ang ilan pang gawad ng grupo, nagtatanong na ang mga tao… ano na nga ba ang tuon at focus ng PASADO?

Sana na lang, they stick to their core competencies and continue to further media/ film education kaysa kumalat sa iba pang larangan na hindi sakop sa core ng kaguruan. Sana!

Happy 25th Anniv!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
'Family Matters' (top, left), 'Katips' (top, right), 'Broken Blooms' (bottom, left), and 'Bakit Di Mo Sabihin' (bottom, right) received the most number of nominations at the 25th Gawad PASADO.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results