JERRY OLEA:
Pasok sina Jaclyn Jose, Ivana Alawi, Soliman Cruz, at Vandolph sa bagong yugto ng FPJ’s Batang Quiapo.
Ipinost ng Kapamilya executive na si Deo Endrinal ang teaser ng pagpasok ni Tanggol (character ni Coco Martin) sa kulungan nitong Agosto 28, 2023, Lunes ng gabi, sa Facebook, at ipinakita roon ang mga bagong tauhan sa serye kung saan kabilang sina Jaclyn, Ivana, Soliman, at Vandolph.
Dahil bagong kasal si Lovi Poe na gumaganap na Mokang sa FPJ’s Batang Quiapo, si Ivana na muna ang love interest ni Coco?
Read: Lovi Poe is now married to Monty Blencowe
Take note na huling nagkatrabaho sina Coco at Jaclyn sa pelikulang Apag, na isa sa official entries ng 1st Summer MMFF noong nakaraang Abril.
Itong FPJ’s Batang Quiapo ang pagbabalik-Kapamilya muli ni Jaclyn, na unforgettable bilang Magda sa Kapamilya primetime drama series na Mula Sa Puso (Marso 1997-Abril 1999).
Palipat-lipat ng TV network si Jaclyn — sa GMA 7, ABS-CBN, at TV5. Ang huling Kapuso series na kabilang siya sa major roles ay ang Bolera (Mayo-Agosto 2022).
Nakumpirma ko kay Jaclyn na balik-Kapamilya siya muli at kasama sa FPJ’s Batang Quiapo nang makachikahan ko siya sa Cinamalaya 2023 premiere ng Vivamax movie niyang Call Me Alma noong Agosto 10, Huwebes ng gabi, sa PICC Cinema Felipe.
Nangako ako kay Jaclyn na hindi ipe-preempt ang official announcement na kasama siya sa teleserye ni Coco, na namamayagpag nowadays sa ratings.
Nang tanungin kapagkuwan ng isang katoto si Jaclyn that night kung totoong kasama na ito sa FPJ’s Batang Quiapo, ang tugon niya, “Ahhh talaga? Abangan na lang nila. May pull out nga ako nang 3:00 a.m.”
NOEL FERRER:
After manalo ng Cannes Best Actress si Jaclyn para sa Ma’ Rosa (2016), naging maagap ang GMA-7 sa pagpirma sa kanya ng exclusive contract.
Mula noon, marami siyang naging roles na masasabi nating experimental at kung minsan pa nga ay nala-lampoon at naka-caricature. Meron naman ding nagmarka.
Pero inasahan na dahil world class na siyang talent, talagang may premium ang kanyang mga roles. May variety siguro, oo; pero kung premium ngang masasabi, medyo wanting pa rin.
Kaya ngayong may bago siyang assignment sa ABS-CBN, sana ay lalo pang makita ang husay niya sa pagganap.
GORGY RULA:
Curious ako kung dito na ba muna sa kulungan magpo-focus ang kuwento ng bagong yugto ng FPJ’s Batang Quiapo.
Paano na ang kuwento kina Lovi Poe, na babalik na sa taping; pati kina Lorna Tolentino, Senator Lito Lapid, John Estrada, at Julio Diaz?
Sasabay ang kainitan ng kuwentong ito sa pagtatapos ng Voltes V: Legacy.
Siyam na araw na lang matatapos na Voltes V: Legacy at papalitan na ito ng Maging Sino Ka Man nina Barbie Forteza at David Lucauco.
Tingnan natin kung lalaban ang BarDa loveteam sa kuwento ni Tanggol ng Batang Quiapo.
