GORGY RULA:
Itinatanggi ng kampo ni singer-actress na hiwalay na ito sa kanyang boyfriend na isang influential person.
Ang dami nang naglabasang kuwento tungkol sa magkasintahang ito, pero ang ending ay sila pa rin.
Pero ang daming nagsasabing talagang hiwalay na raw sila this time.
Kaya siguro na-link si influential person kay sikat na aktres, na nali-link naman sa isang kilalang pulitiko.
Ang labu-labo ng mga nangyayari dahil kung kani-kanino pa nali-link si influential person.
Ang latest na narinig namin, nagpaparamdam daw ito ngayon kay sexy star na na-involve din sa kanya noon.
Kaya mas maraming naniniwalang break na si influential person kay singer-actress.
READ:
Dalawang aktres, nagkalamat ang pagkakaibigan dahil sa selos
Showbiz personality, nakaranas ng pang-aabuso not just once but twice
Dating Sikat na Aktor, ano ang relasyon sa isang Mayamang Babae
Itong si sexy star naman daw ay deadma na kay influential person dahil ayaw na niya ng magulo at maingay na relasyon. Mas gusto raw niyang tahimik lang.
Kaya tatahi-tahimik lang itong si sexy star, may bago na rin pala siyang karelasyon. Non-showbiz daw iyung guy, pero ubod ng yaman, as in super big time daw.
Kararating lang nga raw ni sexy star galing Amerika, kung saan nagliwaliw sila roon ng mayaman at big time niyang non-showbiz boyfriend.
Samantala, kung totoo mang hiwalay na sina singer-actress at influential person, naniniwala ang mga taong sumusubaybay sa kanila na magkakaayos at magkakabalikan pa rin sila.
Iyon ang ating aabangan!
NOEL FERRER:
Ano ba naman itong mga kabataang ito? Hindi pa sila nagtatak sa kani-kanilang larangan, e, iyang pakikipagrelasyon na ang iniintindi nila.
Hahaha! Nagtutunog-matanda ba? Hehehe.
Pero sana naman, gumawa muna sila ng mga bagay na magmamarka ang kanilang kahusayan bago paglalandian ang gawin, di ba?
Far out na ba na maging huwaran sila ng kanilang audience at constituents?
READ:
Controversial Starlet, nag-iimbestiga kung magkakilala ang boyfriend at ang model-actress
Personality, sadyang iniwasan si Star?
Aktres, nagbubulag-bulagan lamang sa pagtataksil ng mister?
JERRY OLEA:
“He loves me, he loves me not, he loves me, he loves me not…”
Hindi pa umaamin sina singer-actress at influential person sa kanilang relasyon, at ang eme ay super-duper close friends lang sila. Kaya huwag tayong expectorant na aamin sila sa kanilang split-up.
Nobyembre noong nakaraang taon nang maulinigan natin ang triangle nina singer-actress, influential person, at sexy star.
Ayaw ni sexy star ng intriga, kaya siguro dumistansya siya kay influential person.
May mga isinakripisyo si singer-actress alang-alang sa pagmamahal niya sa kasintahan. Worth it kaya iyon in the end?
