JERRY OLEA:
Tagisan ng galing sina Arman Ferrer, Joanna Ampil, Aicelle Santos-Zambrano, Gerald Santos, Gab Pangilinan, Reb Atadero, at Sheila Francisco sa Anywhere We Sing Is Home: The CCP’s 54th Anniversary Gala noong Setyembre 10 at 11, 2023, Sabado at Linggo, sa Samsung Performing Arts Center sa Circuit Makati.
“Yeah, masaya! Masaya kasi nagbibigay yung energy talaga, lalo na yung pagka narinig mo na si Miss Jo sa opening number niya,” lahad ni Arman.
“Mai-inspire ka niya to do your best. And then everyone is, like, really sobrang supportive with each other.
“Si Tita Shiela, si Gab, si Gerald, si Reb, si Aicelle. Lahat kami parang masaya lang siyang trabaho.
“And of course the director Floy Quintos is really brilliant, and Mr. C, and Toma.”
Si National Artist Ryan Cayabyab o Mr. C ang musical director ng palabas, at nag-conduct sa Philippine Philharmonic Orchestra. Si Toma Cayabyab ay guest conductor.
Read: National Artist Ryan Cayabyab, may "horror story" ba sa mga nakatrabahong singers?
Heartfelt ang rendition ni Arman Ferrer ng "Awit ni Isagani" (mula sa musical na El Filibusterismo). Napaluhod pa siya sa entablado.
“I’m really thankful na si Mr. C ay sobrang nurturing when it comes to teaching the songs,” sambit ni Arman.
“At sobrang guided talaga ako with that. I really wanted his opinion. Kasi siyempre, blessing yun kapag buhay pa ang composer.
“And to work with a National Artist is also parang dun ka matututo. So I’m really thankful that Mr. C is sobrang generous with his time noong inaaral namin yung 'Awit ni Isagani.'
“And I really, really love that song since the first time I heard it sang by Tito Audie [Gemora]. And I suggested, ‘Sir Floy, baka puwede naman tayong mag-Awit ni Isagani.’ So, ayun.
“Ni-request ko siya. And it’s a Mr. C song kasi, so, di ba?”
Inaasam din ba niyang makapag-record ng mga kantang pang-mainstream? Mas nalinya kasi siya sa musicals…
Tumango si Arman, “Yes, I would really love to work with the composers, like sina Sir Louie Ocampo, and of course si Mr. C, given naman na yun.
“And then, yun, kasi I’ve always dreamed na parang… siyempre mga idols ko sina Tito Martin [Nievera], Basil Valdez. Di ba, yun ang mga composers nila?
“Sayang, wala na sina Sir George Canseco. I would really love to sing those songs nila nina Willy Cruz, yan ang mga gusto ko.
“Kasi siyempre, in the future, gusto nating magkaroon ng parang concert with the idols, sina Tito Martin and Sir Basil.”
Pangarap ding maka-collab ni Arman sina Regine Velasquez, Bituin Escalante, at Gary Valenciano.
“Sila yung mga nilu-look up ko, mga power singers talaga in the OPM industry!” bulalas pa ni Arman.
GORGY RULA:
Naglagare si Arman Ferrer sa rehearsals ng Anywhere We Sing Is Home: The CCP’s 54th Anniversary Gala at Rama, Hari.
Itinanghal ang Anywhere We Sing Is Home nitong Setyembre 9, Sabado ng gabi, at Setyembre 10, Linggo ng hapon, sa Samsung Performing Arts Center sa Circuit Makati.

Ka-duet ni Arman si Gab Pangilinan sa kantang “Iisa Ang Tibok” mula sa Rama, Hari musical, at nag-solo siya sa “Awit ni Isagani” mula sa El Filibusterismo musical.
Pito ang restaging ng Rama, Hari.
Ang unang tatlong pagtatanghal ay sa Metropolitan Theater sa Manila — Setyembre 15, Biyernes ng 7:30 p.m.; Setyembre 16, Sabado ng 2:00 p.m. at 7:30 p.m.
Apat ang performances sa Samsung Performing Arts Theater sa Circuit Makati — Setyembre 22, Biyernes ng 7:30 p.m.; Setyembre 23, Sabado ng 2:00 p.m.at 7:30 p.m.; Setyembre 24, Linggo ng 4:00 p.m.

Limang beses aawit si Arman bilang Rama. Makakatambal niya bilang Sita sina Karylle Tatlonghari at Shiela Valderrama-Martinez.
Kuwento ni Arman, “Nagtrabaho na kami ni Karylle sa Disney Concert 2014. Si Shiela, nabansagan na nga kaming Ultimate Loveteam ng theater.
“Kasi from Maynila… Sa Mga Kuko Ng Liwanag The Musical, dalawang beses na Binondo The Musical, and then this one.”
Sanib-puwersa sa Rama, Hari ang limang National Artist — Alice Reyes (Direction and Choreography), Bienvenido Lumbera (Lyrics and Libretto), Ryan Cayabyab (Music), Salvador Bernal (Set and Costume Design), at Rolando Tinio (English Translation).
Matatandaang nagsabay rin before ang rehearsals ni Arman para sa Binondo musical at Mabining Mandirigma.
“Mahirap siya because you’re juggling your time and effort. Siyempre physically nakakapagod din siya,” pagtatapat ni Arman.
“At of course mentally nakakapagod. Emotionally also. Kasi kung nagbibigay ka dun sa kabilang show, tapos maiisip mo na may rehearsal mamaya, pero dapat same ang bigay mo din.
“So, I mean, nakakasanayan naman siya pero nakakapagod. But at the end of the day, I still love what I do. So hindi naman lahat, nakakagawa nito.
“So I’m really blessed na nagagawa ko pa rin siya hanggang ngayon, even if nagdya-juggle-juggle ng time.”
Nag-evolve na ang pagpo-promote ng mga bagong mang-aawit, pati ang pagbebenta ng musika. Sabi-sabi, dapat mag-Tiktok ang singer upang mas tangkilikin.
“Lahat naman kasi ngayon, social media na. So, I think kailangang maging relevant tayo dun,” saad ni Arman.
“But ako, sa tingin ko, kailangang mag-stick pa rin ako dun sa kung sino ako sa industriya. And yung brand ko as a singer.
“So, kilala ako as classical and crossover pop, so I’ll stick to that. I mean, siguro hindi pa siya masyadong parang… assimilated here in the Philippines.
“Kasi, di ba, ang crossover, hindi pa talaga sikat na sikat dito. But I would stick to it, and then fight for the brand para ma-introduce sa mga Pilipino.
“Kasi sa totoo lang, during those days, nung mga panahon nina Sylvia LaTorre, gusto naman ang kundiman, di ba? Gusto naman yung Aawitan Kita.
“So why not bring it back? So I will really fight for it. Kasi, sariling atin din yun, e!”
NOEL FERRER:
Nagbukas ang September with Arman Ferrer being part of the very successful Odette Quesada 40th Anniversary Concert sa Newport World Resorts. Tapos, heto ngang 54th Anniversary Gala ng CCP na Anywhere We Sing Is Home last weekend.
Si Arman ang nag-takeover sa slot na iniwan ni Gian Magdangal sa Rama, Hari kaya naging dalawa ang kanyang leading ladies, at todo-ensayo siya ng dynamics with both Karylle and Sheila Valderama-Martinez.
Nadagdagan pa ng performance ang Rama, Hari sa September 24, Sunday ng 4:00 p.m., para sa mga naghahabol pang makabili ng tickets para sa Samsung Performing Arts Theater sa Circuit Makati.
Pagkatapos niyan, kasama pa rin si Arman sa Pinoy Playlist Music Festival sa October 1 sa BGC Arts Center.
Grabe, there’s no stopping real talent!!!
Nagbubunga na talaga ang pinagpapaguran ng tinaguriang the Outstanding Crossover Artist ng Pilipinas — our very own, Arman Ferrer.
