PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Julie, Rayver, Boobay back from Israel

Boobay: 'Humupa na po mga naririnig namin sa pagsabog at siren...'
by PEP Troika
Published Oct 8, 2023
Boobay in Jordan River
Boobay posed with the Jordan River as his backdrop. On Instagram, he wrote, "At the site of the baptism of Jesus Christ." He assured fans that Rayver Cruz, Julie Anne San Jose and the other Pinoys originally scheduled for a concert in Israel are safe and still awaiting their flight back to Manila. The concert was postponed due to the escalating Israel-Palestine conflict.
PHOTO/S: @boobay7 on Instagram

GORGY RULA:

Ang latest tungkol kina Boobay, Julie Anne San Jose, at Rayver Cruz, pabalik na sila sa Manila.

Ayon sa text na natanggap ko mula sa manager ni Julie Anne, "boarding" na sila sa plane, at "on time" naman daw ang flight nila.

"Nakakatakot" ang paglalarawan niya sa sitwasyon ngayon sa Israel, kung saan bibida sana ang tatlo sa concert na Luv Trip Na, Laff Trip Pa, na naka-shedule dapat ng October 7, 2023, pero na-postpone.

Naglabas naman ng pahayag sa Facebook ang producer ng concert na si Maris Gonsalez na safe ang buong team sa Israel.

Read: Julie Anne San Jose and Rayver Cruz: Better together

Naka-text ko rin kaninang umaga, Linggo, October 8, si Boobay.

Aniya, “Kuya Gorg, mag-try pa lang kami mamayang 12nn kung matutuloy flight namin pauwi po...Andito pa kami Kuya... (praying and heart emoji)."

Read: Boobay, nagbitiw ng mga salitang ipinangamba ng mga kaibigan at nagmamalasakit sa kanya

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinext ko siya uli na isa kami sa nanalanging maging safe lang silang lahat hanggang sa nakabalik na sila ng bansa. "Maraming salamat Kuya.. (3 hearts emoji).

"Humupa naman na po mga naririnig namin sa pagsabog at siren Kuya, sana di na grumabe pa...(3 praying emoji)," text uli ni Boobay sa amin.

Hindi pa rin natin maiwasang mag-aalala sa kanila dahil nandun pa sila sa Israel. Kaya patuloy kaming nanalanging matuloy na ang flight nila pabalik ng Maynila.

NOEL FERRER:

Sana nga ay makauwi nang safe ang Philippine contingent doon sa Israel. Buti at nga at nakapagdesisyon ang mga producer na i-postpone na dahil at risk ang security ng mga tao. Sa mga kababayan nating nasa Israel, mag-ingat po kayo — at kasama kayo sa aming dasal.

JERRY OLEA:

Better safe than sorry. Mukhang ang saya-saya pa naman nina Rayver at Julie Anne nang maglunoy sa Dead Sea, base sa pinost ng Kapuso actress sa X noong Oktubre 5, Huwebes ng hapon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Julie Anne San Jose, Rayver Cruz safe following cancellation of Israel concert

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Dead Sea

Dalangin natin na makauwi sa Pilipinas nang ligtas ang grupo nila sa lalong madaling panahon. Siyanga pala, streaming na sa Netflix ang JulieVer movie na The Cheating Game umpisa Oktubre 26.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Boobay posed with the Jordan River as his backdrop. On Instagram, he wrote, "At the site of the baptism of Jesus Christ." He assured fans that Rayver Cruz, Julie Anne San Jose and the other Pinoys originally scheduled for a concert in Israel are safe and still awaiting their flight back to Manila. The concert was postponed due to the escalating Israel-Palestine conflict.
PHOTO/S: @boobay7 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results