JERRY OLEA
Naghasik ng hilakbot ang bagong bukas na The Exorcist: Believer nitong nakaraang weekend, Oktubre 6-8, 2023, sa takilya ng North America.
Read: Top 30 highest-grossing films for 2023; Upcoming Pinoy films, makabawi kaya sa takilya?
Ayon sa Box Office Mojo, $26.5M ang opening weekend gross ng supernatural horror film na sixth installment sa The Exorcist franchise.

Sequel ito ng The Exorcist (1973), at ni-reprise dito nina Ellen Burstyn at Linda Blair ang kanilang papel bilang mag-inang Chris at Regan MacNeil. Negatibo ang reviews dito ng karamihan sa mga kritiko.
Ang sequel nito na The Exorcist: Deceiver ay nakatakdang ipalabas sa Abril 2025.
Ang dating kampeon sa takilya ng U.S. at Canada, iyong PAW Patrol: The Mighty Movie, ay pumangalawa with $11.3M.
Pangatlo ang Saw X with $7.8M, at pang-apat ang The Creator with $6.2M.
WORLDWIDE, maniwala kayo na naka-$44.2M na itong The Exorcist: Believer.
So far, ang pinakamalalakas na horror movies globally ngayong 2023 ay The Nun II ($249M), Insidious: The Red Door ($189M), Scream VI ($169M), at Evil Dead Rise ($147M).
Read: ‘The Nun 2’ pinipilahan sa local theaters; nanguna sa North America
Sa Pilipinas, nakadalawang linggo na ang A Very Good Girl na bida sina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon.
Post ng Star Cinema sa X ngayong Oktubre 10, Martes ng 5:00 p.m., “Thank you for making a very good choice to get our local cinemas up and running again. Let us keep up the Philo-menal support for our local films.”
Kalakip niyon ang artcard na nagsasabing P100M+ na raw ang kinita ng movie.
Read: 'A Very Good Girl,' naka-PHP40M na umano sa takilya

Bukas, Oktubre 11, Miyerkules, ay palabas na sa local cinemas ang Japanese film na Monster, na binili nina Sylvia Sanchez at Lorna Tolentino sa 76th Cannes filmfest last May.
Kasabay nito ang showing ng Instant Daddy nina Jerald Napoles at Althea Ruedas, Coffee Wars, Dr. Cheon and the Lost Talisman, Mount Chiak, PAW Patrol: The Mighty Movie, at The Forbidden Play.
Sa Oktubre 18 naman ang playdate ng Five Breakups and A Romance nina Alden Richards at Julia Montes, kasabay ang Target at Killers of the Flower Moon.
Read: Alden Richards on deep bond with Julia Montes: “Sasalo ako ng bala...”

Para sa updates, bisitahin sa tuwi-tuwina ang Facebook pages ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP) at SM Cinema, ganoon din ang website ng Click The City.
GORGY RULA
Nanalangin ang magkaibigang Lorna Tolentino at Sylvia Sanchez na mabawi nila ang ipinuhunan nila sa pelikulang Monster na binili nila sa nakaraang Cannes ?nternational Film Festival.
Napagkasunduan nilang mga de kalidad na pelikula ang i-distribute at ipu-produce ng Nathan Studios para kahit paano ay mabalik ang interes ng mga tao na manood ng mga pelikula sa sinehan, local man o foreign films.
Read: Ria Atayde, film producer na kasama ang mga kapatid
“Hangga’t sa maengganyo natin ulit na manood ng pelikulang Pilipino at pelikulang banyaga, na ang mga tao talaga ay bumalik ulit sa sinehan.
“Yun yung desire at want namin talaga na mahikayat sila,” pahayag ni Lorna.
Kaya patuloy siya sa pag-aaral sa film production.
Nagpaalam na siya sa FPJ’s Batang Quiapo na marami siyang dadaluhang film festivals sa ibang bansa, dahil seryoso siyang matuto, gaya ng kumareng Sylvia niya.
Kaya sana nga panoorin itong Monster na magbubukas na sa Miyerkules.
Read: Lorna Tolentino, pinasok na ang pagiging producer; bumili ng mga pelikula sa Cannes

NOEL FERRER
Congratulations at naabot na rin ng A Very Good Girl ng Star Cinema ang P100M-mark after 2 weeks.
Sana, ganito rin o higit pa ang sapitin ng Five Breakups And A Romance na nagsisigasig din sa pagpo-promote.
I’m sure maraming natututunan ang major studios ukol sa bagong pamamaraan sa paghikayat ng audience sa pelikula.
Mga major studios na ito na may makinarya at resources, ha, paano na lang ang mga small players? Sana, tulungan natin sila.
