GORGY RULA
Lumapag sa Clark International Airport noong Lunes, October 9, 2023, ang eroplanong kinalulunanan nina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Boobay, at mga kasamahan nilang taga-Sparkle GMA Artist Center.
Galing ang grupo mula Israel, kung saan nagagaganap ngayon ang maraming pagbomba at patayan dulot ng giyera ng nasabing bansa at ng Palestine.
Paulit-ulit na nagpapasalamat sa Panginoon ang buong team na safe silang nakabalik ng bansa.
Read: Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Boobay pabalik na sa Pilipinas mula Israel
Nakausap ko ang manager ni Julie Anne na si Daryl Dan Zamora ng Sparkle, kahapon, October 10.
Isinalaysay niya ang nangyari sa kanila nung nagsimula ang giyera sa Israel nung Sabado, October 7, na mismong araw sana ng kanilang concert na Luv Trip Na, Laff Trip Pa.
Narinig daw nila ang malakas na pagsabog bandang 6:00 ng umaga. Kaagad daw tinawagan daw si Daryl ng producer ng concert na nagsimula na ang giyera, kaya makakansela muna ang kanilang concert.
Sinabihan daw silang may mga susunod pang mga pagsabog kaya tinuruan sila na kapag tumunog ang sirena, dapat sa loob ng isang minuto ay nasa loob na sila ng bomb shelter.
Bawat bahay at mga establishment sa Israel ay meron daw bomb shelter.
Ipinadala sa amin ni Daryl ang litrato ng bomb shelter na maliit, na merong dalawang single bed. Nagkasya raw silang lahat sa shelter na yun.

Hindi na nga raw nila mabilang kung ilang beses tumutunog ang sirena at mabilis na silang tumakbo papasok sa bomb shelter.
Read: OFWs recount horror stories in the ongoing Israel-Palestine conflict
Kuwento pa ni Daryl, "Si Rayver naliligo, biglang sumabog. Takbo ulit kami. Si Rayver, naka-cycling shorts pa, nagtatakbo papasok dun sa shelter.
"Hindi na kami lumabas kasi sunud-sunod na yung bomba."
Buong araw ng Sabado hanggang nung Linggo, kung saan naka-schedule ang flight nila pabalik ng Maynila, ay hindi na raw sila natulog sa takot na baka any moment ay may sasabog na naman.
Nung kinagabihan na medyo tahimik na raw at wala na silang naririnig na sirena at pagsabog, sinubukan daw ni Daryl na lumabas ng tinitirhan nilang Air BnB para bumili ng rosaryo sa mall.
"Si Rayver, naglalambing, papabili raw ng rosary, saka si Julie. Ako naman, marami akong kaibigan dun. Nagpasama ako.
"Nung nasa labas naman ako, pagkatapos kong nabili yung rosary, dun naman nagbomba uli.
"Sa CR kami nagtakbo. Kasi daw, sa mall, ang CR daw ang pinakamatibay na ano, na pundasyon ng building. Sa CR kami, mga Pilipino dun, ibang lahi, dun kami.
"Nung natapos yung bomba, sakay agad ng taxi pauwi. Ayun, hindi na kami natulog kasi sunud-sunod na yung bomba.
"Hindi ka talaga makakatulog, kasi hindi mo talaga alam kung saan babagsak, e. Kasi pag nahimbing ka, paano kung nagsirena?
"E, ang sabi, one minute dapat nasa loob ka na ng shelter. Dahil 90 seconds, babagsak yung bomba," patuloy na salaysay ni Daryl.
Sinubukan kong tawagan si Boobay para magpakuwento na rin sana, pero naghahanda na pala siyang umalis patungong London kasama si Ate Gay.
Read: Julie Anne San Jose and Rayver Cruz: Better together

JERRY OLEA
Sabi pa ng manager ni Julie Anne, nagpapasalamat talaga sila sa Panginoon dahil naiwasan nila ang panganib sa gitna ng giyera.
Kagaya ng tinitirhan nilang Air BnB, pangatlo na raw yung tinirhan nila dahil maliit daw yung dalawang unang napuntahan nila.
Nawindang daw sila nang nabalitaan nilang yung isa sa Air BnB na pinuntahan nila ay tinamaan ng bomba.
Ang laki ng pasasalamat nilang nakakuha sila ng flight nung Linggo ng tanghali pabalik ng Maynila. Nakalipad daw sila sa talagang flight nila na hindi na-cancel o na-delay.
Naisip daw nilang hindi pa talaga nila oras.
"Sabi ko, talagang hindi pa panahon natin mamatay. Kasi, lahat umayon sa amin. Ultimo yung flight namin kinabukasan, hindi na-cancel," saad ni Daryl.
Ang isa pang ikinawindang nila, nabalitaan daw nila sa ilang kaibigang nasa Israel na pinasabog ang airport pagkaalis nila.
"Nung umalis kami, saka pinasabog yung airport, e. Ang balita, ang target ng mga Hamas, yung airport," dagdag na kuwento ni Daryl.
"Yung handler ni Rayver sa ABS before na galing din sa bakasyon sa Israel, naabutan niya yung pagsabog sa airport.
"Nag-stampede, naano, talagang natapak-tapakan siya at ang dami niyang galos pati sa mukha niya. May biyak siya sa lips.
"Taga-ABS CBN siya... hindi ko alam, pero parang nakalipad na rin kasi nung araw na yun, may nag-open yata na flight, ginrab na niya kahit saan papunta."
Ang dami raw nilang napagtanto sa karanasang yun.
Sabi ni Daryl, "Takot si Julie... na parang ang dami nilang realizations ni Rayver na parang ganun pala.
“Hindi ko alam kung... kaya talagang enjoy your life to the fullest talaga. Kasi life is too short. Hindi mo alam, e."
Read: Pinoy sa Israel, ibinahagi ang kalagayan nila sa gitna ng lumalalang giyera
Nag-post naman si Julie Anne sa Instagram account na patuloy sana nating ipanalangin na matapos na ang kaguluhang ito.
Aniya, “Maraming salamat po uli sa lahat ng inyong mensahe at dasal para sa aming kaligtasan.
"Our hearts go out to our kababayans. Everyone in the Middle East and the other parts of the world who are suffering from this conflict.
"We continue to pray for peace. We pray for the world."

NOEL FERRER
Buti naman at ligtas sina Julie Anne at Rayver sa panganib at nakabalik na silang lahat sa bansa bago pa man lumala ang sitwasyon ng mga kababayan natin doon.
Yes, we are concerned sa nangyayari sa Israel.
At pati ang nanay ko ay na-concern, hindi raw kaya mangyari rin iyan sa atin sa tunggaliang U.S. at China? Huwag naman sana, panalangin nating lahat.
But one post caught my fancy. And this is not to belittle our concern sa mga kapatid sa Israel.
Ito ay nanggaling kay Rica Peralejo: “Yesterday I said on my I stories that so many of us probably notice how so many of our titos, titas, who were completely silent about EJK and are also confidential about their thoughts regarding some funds, are all of a sudden so passionate and enraged or concerned about Israel. I get that. I am, too. We must always be for the best of the world but it's just a comedy of horrors to think how vocal some can get about many other things except our own.”

At heto ang sapul na reaction ng isa nating kababayan na si Mark Edward Diestro:
“Rica Peralejo is spitting facts (not my screenshot, it was sent to me…) and seeing as what kind of circle she's in, this was brave. I applaud you, Ma'am.
“Anyway, yes, this highlights the problem with many Filipinos. Outraged at the war going on (while supporting Israel... yes, screw terrorists, but Israel have terrorized Palestinians daily for decades as well... support the people on both sides, not their corrupt leaders), yet so silent about the evil things happening in their own country, especially the EJKs (many cheered those on.... give me a break).
“This also shows, once again, how problematic the moral compass AND geopolitical views of many there still are, and how VERY insular the mentality still is over there.”
Let this spark more concern hindi lang sa nagaganap sa labas kundi sa loob din ng ating bansa.
