GORGY RULA
Noong Linggo, October 15, 2023 ay tuwang-tuwa ang fans nina Julie Anne San Jose at Stell Ajero ng SB19 nang nag-duet sila sa kantang "Habang May Buhay" sa The Voice Generations.
Ito ang kinanta ng mga talent ni Julie Anne, ang Alliyana Trio.
Noong nag-comment na ang mentors, pinag-sample ang Limitless Star ng kantang ito at ang ganda ng pagkakanta niya.
Pero nang si Stell na ang pinag-comment, nag-request din ang audience ng sample, at bahagyang na-pressure ang SB19 member. Nag-suggest siyang i-duet nila ni Julie Anne at ganda ng pagkakanta nilang dalawa, kahit biglaan lang yun.
Ang saya ng fans na nag-comment sa X na kinilabutan daw sila sa pagkakanta nina Julie Anne at Stell.
Mataas ang rating ng The Voice Generations na naka-12.1%.
Read: All hail The Voice Generations' iconic coaches
NOEL FERRER
Ang suwerte ni Julie Anne, ha, may number na sila ng pinakamagagaling na artists katulad ni Stell. Pati kay Mr Pure Energy Gary V, may collab na rin siya. I’m sure, marami pang iba na nakapila.
Kailangan na talagang um-escalate ang career ng Limitless Star dahil aminin natin, siya na ang biggest concert/music artist ng GMA-7, di ba?
Dapat level-Moira na siya or KZ Tandingan or Sarah G pa nga kung puwede. Paano kaya?
Samantala, noong Linggo, October 15, ay 4.1% ang rating ng All-Out Sundays, kung saan nag-promote doon sina Alden Richards at Julia Montes para sa Five Breakups and a Romance.
Ang ASAP Natin ‘To, kung saan nag-promote sina Donny Pangilinan at Belle Mariano ng Can’t Buy Me Love ay 2.6%.
Ang GMA Blockbusters ay naka-3%, at wala pa ring kupas ang FPJ Da King na naka-3.8%.
Sumunod ang Regal Studio Presents na 3.3%. Ang Resibo naman ay 5.1%.
Sa Sunday primetime naman ay 7.9% ang rating ng 24 Oras Weekend, at 1.7% ang TV Patrol.
Ang Sparkle U ay 9.7%, at 2.6% ang Tao Po.
Sa Bubble Gang naman ay isa sa special guests nila si Ryan Bang. Naka-9.8% ang episode na ito.
Ang Kapuso Mo, Jessica Soho ay 14.5%, at 3.7% ang I Can See Your Voice.
Ang The Boobay and Tekla Show naman ay 3%.
JERRY OLEA
Maganda ang blending ng voices nina Stell at Julie Anne. Nag-duet na sila noong Hunyo ng kantang "Hanggang Sa Huli" sa All Out Sundays (AOS).
Waging-wagi sa ratings ang Kapuso Network kung Sabado at Linggo. Ang talo lang ay ang Eat Bulaga! kung Sabado ng tanghali.
Siyempre, nananatiling kampeon sa Battle of Noontime Shows ang E.A.T. ng Legit Dabarkads sa pangunguna ng TVJ.
Kung weekdays (Monday-Friday), panalo sa ratings ang afternoon teledramas ng Kapuso Network, lalo na ang Abot-Kamay na Pangarap at Magandang Dilag.
Bilang na ang mga hapon ng teleserye ni Herlene Budol aka Hipon Girl, at papalitan iyon ng Stolen Life nina Carla Abellana, Gabby Concepcion, at Beauty Gonzalez.
Madalas na kinakabog ng Abot Kamay Na Pangarap ang ratings ng primetime shows ng GMA.
Ang topnotcher sa mga TV drama ay ang FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin. Hindi nakaporma rito ang Maging Sino Ka Man, na nag-pilot noong Setyembre 11 na hindi pa tapos ang Ghost Month.
Nasa last three weeks na ang Maging Sino Ka Man. Papalitan ito ng Black Rider nina Ruru Madrid at Matteo Guidicelli.
Matatandaan na ang Lolong ang “nagpatumba” sa nakaraang teleserye ni Coco na FPJ’s Ang Probinsyano, na nagwakas noong Agosto 2022.
Kaya kapana-panabik ang pagsasalpukan muli nina Ruru at Coco! Kokorukokok?!?!!!
Read: Finale episode ng Lolong, umalagwa ang ratings; Start-Up PH kumusta ang pilot week?
Wagi sa ratings ang last three weeks ng The Iron Heart, maliban noong Oktubre 4 na naka-8.3% ito, kumpara sa 8.6% ng Love Before Sunrise nina Dennis Trillo at Bea Alonzo.
Setyembre 25 nag-pilot ang Love Before Sunrise, at minsan pa lang nito naungusan sa ratings ang The Iron Heart.
Ayon sa source ng PEP Troika, ang binhi ng The Iron Heart ay tandem nina Bea at Richard Gutierrez. Nang lumipat si Bea sa GMA-7 ay ni-revise ang kuwento niyon.
Ang kapalit ng The Iron Heart simula ngayong Oktubre 16, Lunes ng gabi, ay ang Can’t Buy Me Love nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.
Ang advance episodes nito ay mapapanood sa Netflix at iWantTFC. Tingnan natin kung kakabugin pa rin nito sa ratings ang Love Before Sunrise.
Nasa huling limang linggo na ang Unbreak My Heart, ang unang teleserye na nagsanib-puwersa ang GMA at ABS-CBN.
Pakatutukan ninyo ang nuances dito nina Jodi Sta. Maria, Joshua Garcia, at Eula Valdes. Powerful!
Tumpak kaya ang naulinigan ng PEP Troika na tatlo pang teleserye ang ikinakasa bilang collab ng ABS-CBN at GMA-7 matapos ang matagumpay na Unbreak My Heart?
Bulung-bulungan before na Pinoy remake ng isang South Korean suspense drama TV series ang next collab ng Kapuso at Kapamilya.
Perfect choice nga raw bilang isa sa tatlong bidang babae roon ang isang premyadong Kapuso actress-singer, na hindi matatawaran ang versatility.
