GORGY RULA
Nitong Lunes, October 23, 2023, nagsimula ang birthday week ng King of Talk na si Boy Abunda sa Fast Talk With Boy Abunda.
Si Jodi Sta. Maria ng Unbreak My Heart ang special guest niya, at nakapagtala ito ng 4.6% rating.
Narito ang ratings ng iba pang programa noong Lunes…
Ang Eat Bulaga! ay 3.6%, ang E.A.T. ay 4%, at ang It's Your Lucky Day ay 2.3%.
Ang Abot Kamay Na Pangarap ay 10.3%, at ang Pira-Pirasong Paraiso ay 1.5%.
Ang Magandang Dilag naman ay 9.8%, at ang katapat na Nag-aapoy Na Damdamin ay 1.4%.
Sumunod ang The Missing Husband na 6.7%. Pagkatapos ng Fast Talk ay ang My Roommate is A Gumiho na 3.1%.
Ang Family Feud naman ay 10.6%, at ang katapat na Minute To Win It ay 1.5%.
NOEL FERRER
Si John Lloyd Cruz ang guest ni Tito Boy ngayong Oktubre 24, Martes, sa Fast Talk With Boy Abunda.
Read: John Lloyd Cruz on son Elias: "Iniligtas niya yung buhay ko."
Ang iba pang guests ni Tito Boy this week ay sina Bea Alonzo, Nanette Medved-Po, at Jessica Soho.
Balitang magbabalik-Channel 7 na si Lloydie. Ito na ba ang napipintong reunion project nila ni Bea?
Read: John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, aksidenteng nagkita sa 'Fast Talk' studio
Unang nagtambal sina Bea at John Lloyd ay sa Kapamilya teleseryeng Kay Tagal Kang Hinintay na nag-umpisa noong Hulyo 2002.
Post ni Bea sa Facebook at Instagram nitong Oktubre 23, Lunes, “One for the books! Who would’ve thought that JL and I would last 21 years as a ‘love team’?! Wait, can you still call us that? We’ve been making our own thing outside the team-up, but we remained part of each other’s lives for two decades.
“How amazing is that? Last night was a random celebration of friendships that last, and I woke up to a wonderful news that PETA is doing ONE MORE CHANCE the musical next year with the music of Ben&Ben!”
View this post on Instagram
JERRY OLEA
Patuloy ang pamamayagpag ng mga panghapong drama series ng GMA-7. Patuloy ring umaariba ang noontime show na E.A.T. ng TVJ, ganun din ang Kapamilya primetime series na FPJ’s Batang Quiapo at Can’t Buy Me Love.
Pinag-usapan sa social media at kinasabikan ng fans ang maaaksyong eksena ni Ivana Alawi sa FPJ’s Batang Quiapo, kung saan nakasama niya sa barilan at bakbakan si Coco Martin.

Coco Martin and Ivana Alawi
“Hindi siya madali pero I’m very thankful kasi I’m supported by such a strong team. Tsaka may training talaga, hindi naman nila ako sinabak na ganun lang. May mga training din,” sabi ni Ivana sa interview ng TV Patrol.
Todo ang pasasalamat ni Coco sa mga manonood ng FPJ’s Batang Quiapo para sa maganda nitong performance sa online viewership at rating charts.
“Sobrang thankful talaga sa buong team kasi lahat kami nagpapakapagod,” sambit ni Coco.
“Sulit yung hirap kapag nakikita mo gabi-gabi na tinatangkilik yung pinaghihirapan niyo at nararamdaman mo yung pagmamahal ng mga Pilipino, napakasarap sa pakiramdam.”
Siyanga pala, tinatayang sampung libong tagahanga nina Coco at Ivana ang dumagsa sa kanilang Kapamilya Karavan mall show para sa Masskara Festival 2023 noong Oktubre 21, Sabado, sa Bacolod.
Pinasaya ni Coco ang fans sa pagkanta at pagsayaw niya ng Pinoy medley hits, habang pinaibig ni Ivana ang mga manonood sa pamamagitan ng pagkanta niya ng "Torete."

Sinamahan sina Coco at Ivana ng iba pang cast ng “FPJ’s Batang Quiapo” na sina Lorna Tolentino, Lito Lapid, Bassilyo, at Smugglaz.

Nasa mall show rin ang Pira-Pirasong Paraiso stars na sina KD Estrada, Alexa Ilacad, Charlie Dizon, at Joseph Marco.
