PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

ABS-CBN Stars Unite for Xmas ID

May special participation ang GMA-7, TV5, at A2Z employees.
by PEP Troika
Published Dec 2, 2023
Coco Martin, Piolo Pascual, Vice Ganda, Regine Valasquez, DonBelle, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla at abs-cbn christmas station ID 2023
(Clockwise) Coco Martin, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Piolo Pascual, Regine Velasquez, DonBelle, and Vice Ganda on ABS-CBN station ID 2023

JERRY OLEA

Tampok ang GMA Network, TV5, at A2Z sa 2023 Christmas Station ID ng ABS-CBN na “Pasko Ang Pinakamagandang Kwento,” na ipinalabas kahapon, Disyembre 1, Biyernes.

Bahagi rin ng makasaysayang music video ang iba pang partner media companies na Viu, Prime Video, at PIE Channel.

Nakasama ng It’s Showtime family ang Kapuso employees.

It's Showtime with GMA-7 employees on ABS-CBN Station ID 2023

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakasama ng Pira-Pirasong Paraiso family at Nag-aapoy Na Damdamin family ang Kapatid employees.

Pira-Pirasong Paraiso family at Nag-aapoy Na Damdamin family with TV5 employees on ABS-CBN Christmas Station ID 2023

Nakasama ng TV Patrol family ang A2Z employees.

TV Patrol and A2Z employees on ABS-CBN Christmas Station ID 2023

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: TV Patrol anchors on ABS-CBN-GMA collab: “Di mo akalain.”

Nagsama sa isang frame ang mga bida ng Unbreak My Heart na sina Jodi Sta. Maria at Joshua Garcia, maging ang mga bida ng Linlang at What’s Wrong With Secretary Kim.

Read: Linlang: Trending scenes with quotes

Paulo Avelino, Kim Chiu, Jodi Sta. Maria, Joshua Garcia on ABS-CBN Christmas Station ID 2023

E, ang KathNiel? Magkahiwalay sila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Limang beses lumitaw si Kathryn sa iba-ibang frames, tatlong beses naman si Daniel pero hindi sila nagkatabi.

Kathryn Bernardo on ABS-CBN Christmas Station ID 2023

Hindi kagaya ng DonBelle, love team nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, na nagkaroon muna ng kani-kanyang frame, pero magkasama sila afterwards with their co-stars sa Can’t Buy Me Love.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Can't Buy Me love on ABS-CBN Christmas Station ID 2023

Ang FranSeth, love team nina Francine Diaz at Seth Fedelin, ay magkasama sa lahat ng frames.

Read: DonBelle's Can't Buy Me Love main cast and their roles

Nag-umpisa ang music video sa magkakasunod na solo frame nina Piolo Pascual, Regine Velasquez, Vice Ganda, at Coco Martin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-segue iyon sa cast ng FPJ’s Batang Quiapo, Can’t Buy Me Love, at Senior High, kung saan ang ganda-ganda ni Andrea Brillantes.

Andrea Brillante on ABS-CBN Christmas Station ID 2023

Nagsolo-solo muli afterwards sina Gary Valenciano, Jolina Magdangal, Martin Nievera, at Ogie Alcasid.

Sumunod na roon ang pagsasanib-puwersa ng It’s Showtime family at Kapuso employees, Pira-Piraisong family at Kapatid emoloyees, Nag-aapoy Na Damdamin family at Kapatid employees, at TV Patrol family at A2Z employees, Jodi Sta. Maria at Joshua Garcia, Paulo Avelino, Kim Chiu, at Janine Gutierrez, Linlang family, at Dirty Linen family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At iyon na: ang solo-solo frame nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Belle Mariano, Donny Pangilinan, Sarah Geronimo, Bamboo, Darren Espanto, Zsa Zsa Padilla, and so on.

Siyempre, agad na nag-trending sa X (dating Twitter) ang star-studded music video, na nakakuha agad ng sandamukal na views sa Facebook at YouTube.

ABS-CBN Christmas Station ID 2023

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pasko Ang Pinakamagandang Kwento” was written by ABS-CBN Creative Communication Management head Robert Labayen. ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo composed the music.

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa #KwentongPasko campaign.

Ikuwento ang iyong pinakamagandang kuwento ng Pasko sa TikTok, gamit ang template at musika ng Christmas Station ID, at sa Facebook at Instagram, gamit ang feature na “Add Yours.”

Samantala, available na ang opisyal na lisensyadong “Kwentong Pasko” shirts para sa pre-order sa pamamagitan ng authorized partner ng ABS-CBN na shirtsandprintsph (Facebook, TikTok, Lazada) shirtsandprintsph1207 (Shopee) sa halagang PHP350. Mapapanood ang “Pasko Ang Pinakamagandang Kwento” music video sa ABS-CBN Entertainment Facebook page and ABS-CBN YouTube Channel.

GORGY RULA

May ilang netizens na hindi gaanong nagustuhan ang kanta. Hindi raw nila alam kung saan patungo ito, pero para sa akin ay okay naman.

May ilan ding nag-comment tungkol sa dami ng mga product intrusions, pero tingin ko naman diyan, bilang pasasalamat na ng ABS-CBN sa mga advertisers na hindi bumitaw sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kapansin-pansin nga na di magkasama sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa isang frame. Sa pagkakaalam ko, halos sabay-sabay silang lahat na kinunan para sa music video na yun.

Naalala ko, mga first week of November ang shoot ng music video na yun, dahil yun ang schedule ng buong grupo ng FPJ’s Batang Quiapo.

Marami rin silang nakakasabay sa shoot na yun. Hindi lang ako sure kung yun din ang araw ng shoot nina Kathryn at Daniel.

Read: PEP OUTTAKES: Why we're all affected by KathNiel breakup

Ibig sabihin kaya, break na sila nung mga panahong yun? Hayyy! Nakakalungkot ang Paskong ito para sa KathNiel fans!

Samantala, hindi rin nagpahuli ang grupo ng Eat Bulaga!, dahil sa loob ng 44 years, ngayon lang sila nakabuo ng Christmas ID nila. Inilunsad nila ito noon ding Biyernes, December 1, tampok ang mga regular hosts ng naturang noontime show na pinangunahan nina Paolo Contis at Isko Moreno.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hango sa jingle ng bagong Eat Bulaga! ang Christmas song na ginamit sa music video na yun. Kasama nila ang mga nanalo sa kanilang mga palaro, at mga natulungan ng segment nilang G sa Gedli. Sabi sa amin ni Paolo, masaya raw ang Pasko nilang lahat!

Eat Bulaga! station ID

NOEL FERRER

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

In fairness, star-studded pa rin ang ABS-CBN Station ID.

Nandoon pa rin ang mga artistang may mga endorsements dahil maayos ang branding. Nakakatuwang makita sina Juday, Iza, Angelica na kahit wala pa sa TV ngayon ay Kapamilya pa rin.

Ang ganda lang na transcending barriers talaga ang mga tema ng Station IDs. Sana, laging ganoon na lang!

Kasi, di ba, ang pagkakaisa at pagmamahalan naman talaga ang diwa ng Pasko.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Clockwise) Coco Martin, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Piolo Pascual, Regine Velasquez, DonBelle, and Vice Ganda on ABS-CBN station ID 2023
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results