PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ano ang konek ng November 30 sa KathNiel breakup announcement?

Coincidence o sinadya?
by PEP Troika
Published Dec 2, 2023
Daniel Padilla shows support for Kathryn Bernardo amid breakup rumors
Ano nga ba ang konek ng November 30 sa pag-announce ng breakup nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla? Coincidence lang ba ito o sinadya?
PHOTO/S: Daniel Padilla Instagram

JERRY OLEA:

Nobyembre 30, 2023, Huwebes ng dapithapon, inilabas ni Kathryn Bernardo sa Instagram ang pahayag niya kaugnay sa paghihiwalay nila ni Daniel Padilla.

“Chapter closed. I hope this finally helps all of us move forward. I won’t be entertaining questions regarding this anymore. Thank you for understanding,” pahayag ni Kathryn.

Kapagkuwan ay naglabas din agad ng pahayag si Daniel sa Instagram tungkol sa paghihiwalay nila.

Agad finorward ng ABS-CBN sa PEP Troika via Viber at email ang statements nina Kathryn at Daniel.

Pagkabasa ko sa mga nasabing statement, ang unang sumagi sa aking isip ay hindi binanggit nina Kathryn at Daniel ang sanhi ng kanilang paghihiwalay.

Pahayag ng isang showbiz insider, “Hindi ABS-CBN ang gumawa ng mga nasabing statement. Sinabihan lang sila na may ilalabas na statement sa IG sina Kathryn at Daniel, kaya ready na sila na i-report iyon sa news at i-forward sa mga taga-media.”

Inilabas ang nasabing statements sa huling araw ng Nobyembre. Bisperas ng paglulunsad ng makasaysayang music video ng ABS-CBN Christmas station ID, kung saan nasa magkahiwalay na frames sina Kathryn at Daniel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: ABS-CBN stars sama-sama sa Christmas station ID; Kathryn at Daniel magkahiwalay ng frames

Sa pagsasama-sama ng mga Kapamilya sa music video, kabilang si Kathryn sa mga naglakad muna sa mga pasilyo ng ABS-CBN bago sila nag-converge sa labas.

Kathryn Bernardo

Kasama ba roon si Daniel…at si Andrea Brillantes?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Andrea Brillantes kinuyog ng bashers matapos makumpirma ang KathNiel breakup

Bakit sa paglubog ng araw inilabas ni Kathryn ang pasabog niyang pagkumpirma sa hiwalayan? Nagkataon lang ba iyon?

Nagkataon din lang ba na ang Nobyembre 30 ay araw ni Andres Bonifacio, na ang initials ay A.B., kapareho ni Andrea Brillantes?

KathNiel breakup

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang taguri ng historians kay Andres Bonifacio ay Supremo. Kataas-taasang Pangulo, Supreme President, Presidente Supremo ng Kataastaasan, Kagalanggalangang Katipunan (KKK) ng mga Anak ng Bayan.

Ang IG handle ni Daniel ay @supremo_dp. Disyembre 2015 pa nag-join sa IG ang nasabing account, at Enero 2017 na-verify.

A.B. = Supremo.

Sa KathNiel series na La Luna Sangre (Hunyo 2017-Marso 2018), gumanap si Daniel bilang Tristan S. Torralba aka Tristan “Imperador” Imperial, anak ni Magnus Imperial (Jake Roxas).

Kapatid ni Tristan sa ama si Sandrino “Supremo” Villalobo (Richard Gutierrez), a.k.a. Gilbert Imperial.

Sa pakiwari ninyo, sinadya o nagkataon na Nobyembre 30 ng dapithapon inilabas ni Kathryn ang kumpirmasyon ng paghihiwalay nila ni Daniel?

“Itanong Mo Sa Buwan (1988),” sabi ng showbiz insider na katsikahan ng PEP Troika.

At any rate, ang huling KathNiel movie na The Hows Of Us (2018) ay kasama sa talaan ng Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix. Nasa panlimang puwesto ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kathryn Bernardo
Daniel Padilla
The Hows of Us

Ang sampung pelikula na most watched sa Netflix Philippines ngayong Disyembre 2, Sabado ay Insidious: The Red Door, Leo, Family Switch, Escape Room, The Hows Of Us, Last Call for Istanbul, Bad Blood, Curse of the Totem, War of the Planet of the Apes, at The Twilight Saga: Breaking Dawn Part 2.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix ay Replacing Chef Chico, My Demon, Squid Game: The Challenge, Bad Surgeon: Love Under The Knife, Can’t Buy Me Love, Strong Girl Nam-soon, Obliterated, Castaway Diva, Spy x Family, at A Nearly Normal Family.

Netflix Top 10 TV shows

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Netflix Top 10

GORGY RULA:

Pasabog na statement ni Kathryn Bernardo sa araw ni A.B. o Supremo—interpretasyon na lang iyan.

Sa kalendaryo ng astronomical events ngayong 2023, wala namang significant na kaganapan noong Nobyembre 30.

Nobyembre 27 ang Beaver Moon, ang Full Moon ng Nobyembre. Disyembre 4 naman ang Mercury At Greatest Elongation East.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Facebook post ng stand-up comedienne na si Jeleen Cubillas, “Wala paring tatalo sa love team break-up announcement na ‘Buntis po si Angelu at hindi si Bobby ang ama.’”

Ang tinutukoy ni Jeleen ay sina Angelu de Leon at Bobby Andrews na magka-loveteam noon sa T.G.I.S. (Agosto 1995-Nobyembre 1999).

Naikumpara rin ng iba ang hiwalayan nina Kathryn at Daniel sa paghihiwalay nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, maging kina Nora Aunor at Tirso Cruz III.

NOEL FERRER:

Parang lahat nga tayo ay apektado sa paghihiwalay ng KathNiel. At tama, pang-superstar talaga ang leveling.

Pero habang tumatagal, parang kailangang mag-explain ang lumulutang na iba pang mga pangalan sa hiwalayang ito.

Maliban sa isang artistang playgirl ang image, merong isang Rise talent, at isang Kapuso star din.

Ang gusto ko ring abangan ay paano makakaapekto ang hiwalayang ito sa mga endorsements at career nina Kathryn at Daniel, at paano kaya nila malalampasan ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Abangan!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ano nga ba ang konek ng November 30 sa pag-announce ng breakup nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla? Coincidence lang ba ito o sinadya?
PHOTO/S: Daniel Padilla Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results