PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Queendom exceeds expectations |

Nanood ng concert si Kyline, pero no comment sa breakup issue.
by PEP Troika
Published Dec 3, 2023
Julie Anne San Jose, Rita Daniela, Thea Astley, Jessica Villarubin, Mariane Osabel during Queendom Live concert
(L-R) Hannah Precillas, Thea Astley, Rita Daniela, Julie Anne San Jose, Jessica Villarubin, and Mariane Osabel during Queendom Live concert held on December 2, 2023 at the Newport Performing Arts Theater.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Finally, natuloy na rin ang matagal nang pinaplano ng GMA Synergy at GMA Entertainment Group na concert para sa "Queendom," na isa sa inaabangang segment sa All-Out Sundays tuwing Linggo ng tanghali.

Read: Queendom to showcase their vocal prowess in Queendom: Live concert

Binubuo ito nina Julie Anne San Jose, Rita Daniela, Jessica Villarubin, Thea Astley, Mariane Osabel, at Hannah Precillas.

Sayang at nakatakda nang manganak si Aicelle Santos, kaya hindi siya nakasali sa Queendom: Live concert na ginanap sa Newport Performing Arts Theater nung Sabado, December 2, 2023.

Halos napuno ang buong theater, pero hindi magkamayaw ang mga fans sa tili at palakpak sa bawat performance ng grupo.

Hindi ako nag-expect nang bonggang-bongga sa naturang concert, pero nagulat ako.

Wala akong bagot na naramdaman sa dalawang oras na concert, dahil talaga namang napakagaling nila.

Sa opening number pa lang, hanggang sa mga solo numbers nila, lalo na sa Gloc 9 medley nila. Sabi ko nga, “Mapapa-pu****ina ka sa sobrang galing nila!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa naibibirit nila ang mga kanta ni Gloc 9, naira-rap pa nila ito at nakapagsayaw pa.

Isa sa most applauded na solo number ay itong rendition ni Hannah Precillas sa kantang "What Kind Of Fool Am I." Napakagaling pala nitong champion ng Bet ng Bayan!

Hannah Precillas and Jessica Villarubin

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero hindi rin nagpahuli sina Jessica Villarubin, na ang ganda rin ng version ng "Where Do I Begin," pati na rin si Mariane Osabel na ang tindi ng birit sa "Bridge Over Troubled Water."

Thea Astley and Mariane Osabel

Bongga rin ang "Purple Rain" version ni Thea Astley, at hindi pa rin nagbago, napakagaling pa rin ni Rita Daniela sa kanyang "I Am Changing" ni Jennifer Hudson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Rita Daniela, papatunayang isa pa ring biritera sa Queendom: Live concert

Rita Daniela at Queendom Live concert

Ang nakakatuwa ay nakikitang suportado ni Julie Anne San Jose ang mga kasamahan niya.

Siya naman talaga ang queen sa kanilang anim, pero nakikitang ibinibigay niya ang moment na yun sa mga kasamahan niya.

Pero napakaganda rin ng version niya sa "Papa Can You Hear Me?" ni Barbra Streisand.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

julie anne san jose

Hindi sila nagsasapawan, dahil may highlight naman ang bawat isa sa kanila.

Sabi nga ni Julie Anne sa nakaraang mediacon ng Queendom: Live, “Sobra akong fan ng mga babaeng ito. Napi-feel ko na sobrang empowering ng grupong ito, especially itong mga girls talaga.

"Hindi naman bago sa akin yung concert scene. But ako yung mas na-i-excite for them. Kasi, siyempre first time na magku-concert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ako talaga yung sobrang excited and yung full potential nila sa concert stage, I cannot wait for that moment. Kasi, alam ko na ibibigay nila yung best nila.

"And ako talaga, sobrang excited for them na makita at marinig sila ng tao, hindi lang sa Philippines kundi all over the world, because they deserve the best."

Ang ganda rin ng production numbers ng Queendom sa mga special guests nilang sina Rayver Cruz, Jeremiah Tiangco, John Rex, Anthony Rosaldo, at Garret Bolden.


rayver cruz

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Rayver Cruz: "Yes, I will marry Julie Anne San Jose."

Ilan sa mga Kapuso na nanood para suportahan ang Queendom ay sina Miguel Tanfelix kasama si Ysabel Ortega, Zephanie, Kyline Alcantara, Kris Bernal, at Ken Chan.

Si Kyline ang kinuyog ng mga reporters para tanungin sa kontrobersiyal ding hiwalayan nila ni Mavy Legaspi, pero hindi siya sumagot.

"I feel like this is not the right time to talk about it," safe na sagot ni Kyline. Happy lang daw siya para sa Queendom.

Read: Kyline Alcantara, Carmina Villarroel both post cryptic message about “peace”

NOEL FERRER

Magaling nga, Tito Gorgs, iyung pinost mong si Hannah, na may hawig kay Imelda Papin, at halimaw talaga ang boses.

Sana talaga ay mabigyan pa ng magandang break ang mga queens na ito, para hindi lang sila reyna na walang kaharian.

Sana, may career sila beyond AOS. At magkaroon sila ng fans na talagang gagastos para manood ng mga gigs at concerts nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

As for Kyline Alcantara, sana nga magkaroon ng chance para pag-usapan ang isyu tungkol sa kanila ni Mavy kasi maraming kaibigan si Carmina sa industriya na handang ipagtanggol ang anak nito.

Kaya Kyline, sana ay maayos mong maipaliwanag ang iyong sarili.

Kyline Alcantara

JERRY OLEA

Tinagurian si Jessica Villarubin bilang The Power Cebuana Diva, pero mas tumatak ang bansag sa kanyang Burol Diva dahil sa agaw-eksenang pagbirit niya nang kantahin ng Queendom ang "Lead Me Lord" sa lamay ni Mike Enriquez noong Setyembre 1.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Jessica Villarubin, nagsalita na sa "sapawan" issue sa performance ng Queendom

In fairness, hindi nanapaw si Jessica sa Queendom: Live concert nila.

Mabuting manahimik na lang muna si Kyline Alcantara sa isyung hiwalayan nila ni Mavy Legaspi.

Nakatuon pa ang atensyon ng balana sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Tabon na tabon iyong mga paandar ng ibang bituin. Pahupain muna ni Kyline iyong isyu sa KathNiel.

The PEP REVIEW section carries the views of individual reviewers, and does not necessarily reflect the views of the PEP editorial team.
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Hannah Precillas, Thea Astley, Rita Daniela, Julie Anne San Jose, Jessica Villarubin, and Mariane Osabel during Queendom Live concert held on December 2, 2023 at the Newport Performing Arts Theater.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results