GORGY RULA
Bukod sa aligaga sa promo ng pelikulang Firefly, pinagkakaabalahan din ng Kapuso actress na si Ysabel Ortega ang bagong bukas niyang pastry shop na Maria Ysabel’s Cakes and Pastries.
Binuksan nila ito sa Commonwealth, Quezon City, nung December 9, 2023 lamang, pero ang dami nang orders dahil nataon ngayong Pasko.
Ang mommy ni Ysabel, si Michelle Ortega, ang nag-aasikaso nito ngayon dahil hilig naman talaga niya ang pagbi-bake ng cake. Isa raw ito sa natutunan ni Ysabel sa ina.
"Bata pa lang po ako, tinuruan na ako ng mommy ko paano mag-bake, paano magluto. So, super happy ako na naging part ako ngayon ng venture na yun ng mommy ko," pakli ni Ysabel nung nakatsikahan namin sa premiere night ng Firefly kamakailan.
Noong una ay wala raw talaga sa isip niya ang magnegosyo pero naimpluwensiya siya ng ina na nagbukas dati ng sarili niyang bake shop.
"Never ko dati ini-expect nung bata ako na mag-business ako. Kasi ang pangarap ko talaga ever since, nung bata ako, is maging abogada.
"Tapos, nung I had to stop for a while kasi naging busy ako sa work, dun napasok yung opportunity na makapag-business ako.
“Yung Nailandia, iyon yung first business ko. And after nun, super na-enjoy ko. Tapos yung mommy gusto rin niya mag-collaborate and mag open ng business with me, and na-enjoy ko," dagdag niyang pahayag.
Kaya natutuwa raw siya sa tamang pag-guide ng mommy niya sa mga sinisimulan niyang negosyo habang kumikita siya sa pag-aartista.
Kaya pagkatapos mapanood ang Firefly, ang mommy raw niya talaga ang una niyang naaalala. Alay raw niya sa kanyang mommy itong Firefly.
"Ang mensahe po ng pelikula, walang tatalo sa pagmamahal ng nanay, and dapat po kayong maniwala sa sarili niyo. Kasi kung naniniwala kayo sa sarili niyo, mas lalo silang maniwala sa 'yo," saad ni Ysabel.
Bukod kina Alessandra de Rossi, Euwenn Mikaell, Yayo Aguila, Epy Quizon, at Cherry Pie Picache, kasama rin ni Ysabel si Miguel Tanfelix sa pelikulang ito, pero ibang-iba sila rito.
Mas naka-focus daw kasi ang kuwento sa relasyon ng nanay at ng kanyang anak.
"Sobrang nakaka-relate ako dito na alam ko nung bata ako na-enjoy ko ang ganitong movie na ito. Even ngayon sa age ko ngayon, nae-enjoy ko pa rin dito. Sa moms, nakaka-relate ako dito.
"For the whole family talaga siya. Sobrang natuwa ako talaga... at yung animations, parang nanonood ka ng ibang mundo," sabi pa ni Ysabel.
Read: It's official: Miguel Tanfelix and Ysabel Ortega exclusively dating
NOEL FERRER
Kamakailan lang ay ipinost ni Ysabel sa Instagram na magkasama sila ng papa niyang si Senator Lito Lapid.
Kasama rin doon si Miguel at doon pa lang naipakilala ni Ysabel ang ka-love team niya sa kanyang ama.
View this post on Instagram
Hindi kasi silang nagpang-abot nang dumalo sila sa birthday ni Senator Bong Revilla Jr. nung September 25 sa Okada Manila.
Hinanap pa noon ni Ysabel ang Papa niya sa birthday party, pero nakaalis na pala ang senador.
Read: Sidelights sa birthday/anniversary party ni Senator Bong Revilla
Ano kaya ang sinabi ni Senator Lito kay Miguel? Interesting iyan!
Read: Ysabel Ortega on speaking terms with father Sen. Lito Lapid; admits being closer to her stepdad
JERRY OLEA
Tinanong natin si Ysabel kaugnay sa pagkakasalisi nila ng amang si Senator Lito sa birthday celebration ng businesswoman na si Rei Anicoche Tan noong Nobyembre 25, 2023, sa Luxent Hotel sa Quezon City.
Gusto ba ni Miguel na makilala si Senator Lito?
“Of course. Yes, of course. Of course naman po. Siyempre nirerespeto niya naman po ang dad ko as an actor,” tugon ni Ysabel.
“And of course bilang papa ko rin po. So he definitely wants to meet my dad someday. Sa takdang panahon po.”
Inusisa rin si Senator Lito kaugnay rito sa kanyang pa-Christmas lunch noong Nobyembre 28 sa Max’s restaurant sa Quezon City.
Nag-aksyon si Ysabel sa telefantasyang Voltes V: Legacy, at nakakatuwa kung magkasama sila ng ama niyang actor-politician sa isang maaksyong proyekto.
Read: Ysabel Ortega, namana ang pagiging maliksi sa biological father na si Senator Lito Lapid
Ayon sa source ng PEP Troika, si Senator Lito ang tumawag para magkita sila ni Ysabel sa Camelot Hotel sa Quezon City. Gusto ni Senator Lito na magtagpo sila before Christmas.
Malapit sa Camelot Hotel ang tirahan ni Ysabel kaya doon ang meeting place nila. Nang malaman ni Miguel na makikipagkita si Ysabel sa ama ay sumama siya para magkakilala na sila.
