GORGY RULA
Bahagyang bumaba ang total gross ng Metro Manila Film Festival 2023 sa pangalawang araw nito kahapon, Martes, December 26, 2023.
Inaasahan naman ito dahil ganoon talaga ang nangyayari sa pangalawang araw ng showing.
Pero ang ikinagulat namin, hindi bumaba ang pelikulang Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, kundi lalo pang tumaas.
Read: MMFF 2023 entry na "Rewind," may issue tungkol sa originality?
Hindi lang puwedeng ilabas ang figures, pero halos nadoble ang kinita nito mula sa unang araw.
Ayon sa iba pa naming reliable source, naka-PHP68 million daw ang second day ng MMFF 2023. IMagandang senyales ito para sa box-office sales.
Posibleng lalagpasan nito ang kinita ng MMFF last year.
Ang Rewind lang ang lalong tumaas dahil siguro sa "word of mouth."
Meron namang pelikulang na-maintain ang total gross mula sa unang araw. Marami pa rin kasi itong naka-schedule na block screenings.
Pero karamihan ay talagang bumaba.
Meron namang konti lang ang ibinaba, at meron ding malaking porsyento ang nabawas.
May isang entry na nabawasan ng sinehan. Nakakalungkot naman!
Abangan na lang natin pagkatapos ng Gabi ng Parangal kung mababago ang resulta ng box-office kapag may mahinang pelikula na hahakot ng awards.
Usually, nababago ang takbo sa takilya ng pelikula pagkatapos humakot ng maraming awards.
Iyan ang ating abangan pagkatapos ng awards night.
(ED'S NOTE: For clarity, the "ito" in "naka-PHP68 million daw ito" does not pertain to the movie Rewind but all 10 films, hence it was changed to "naka-PHP68 million daw ang second day ng MMFF 2023."
JERRY OLEA
Ngayong Disyembre 27, Miyerkules, ang MMFF 2023 Gabi ng Parangal sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City.
Mapapanood ito sa One PH ng 8:00 p.m., at may delayed telecast sa TV5 ng 10:45 p.m. Sama-sama nating suportahan ang galing ng pelikulang Pilipino!
NOEL FERRER
Yes, MMFF 2023 Gabi ng Parangal mamayang gabi, mea culpa sa in-edit ko agad-agad na ABS-CBN Film Festival nang pasalamatan ko ang ABS-CBN Publishing sa pagiging partner namin sa MMFF Execom sa paggawa ng souvenir program para sa event mamaya.
Walang leak. Walang anomalya o intriga. Huwag na nating pag-isipan pa nang masama ang mga jury na talagang independent at hindi matatawaran ang credentials at integridad.
Kaya tutok na lang tayo mamaya sa Gabi Ng Parangal. Kayo, sino ang bet ninyo?
Read:
Woman gets brand-new car, thanks to undamaged tumbler inside her burnt car
