PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vilma Santos nanibago sa todong promo for MMFF: "Ibang-iba na."

Happy siya na kumpleto ang pamilya niya sa New Year.
by PEP Troika
Published Dec 27, 2023
Vilma Santos Recto, When I Met You in Tokyo
Nanibago si Vilma Santos sa puspusang promo ng mga Metro Manila Film Festival entries, pero happy siya na nakakatulong ito sa pag-angat ng pelikulang Pilipino.
PHOTO/S: Vilma Santos Recto on Facebook

GORGY RULA

Masaya ang buong pamilya ni Vilma Santos dahil makukumpleto sila ngayon sa pagsalubong ng bagong taon.

"Ang pinakamagandang balita lang, darating ang buong pamilya ko sa… darating sila dito sa Pilipinas sa December 30.

"Kaya magkakasama kami sa holiday hanggang sa birthday ni Ralph sa January.

"They will be staying here for almost a month, two to three weeks,” bulalas ni Ate Vi nang nakapanayam namin sa DZRH nung Lunes, December 25, 2023.

Ang Ralph na tinutukoy niya ay ang asawang si Ralph Recto na magse-celebrate ng 59th birthday sa January 11.

Read:

Ryan Christian Recto, pinahanga ang netizens sa birthday message para sa kapatid na si Luis Manzano

Luis Manzano thanks Alden Richards for last-minute save on hosting stint

Ito raw ang napapagkasunduan nilang magkakapatid nang magbakasyon sina Ate Vi sa Amerika nung nakaraang June.

"Last summer, kami, ang pamilya ko ang nagpunta dun kasi ang tagal na naming hindi nagkita-kita dahil sa pandemic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Almost four years, five years kaming hindi nagkita. Kaya pumunta kami dun, and then napag-usapan nga namin na sila naman ang pupunta rito, at tamang-tama sa holidays.

"Family bonding kami talaga. Kasama namin yung mga pamangkin ko, mga apo, kasama sila Lucky at saka ang aking apo,” sabi pa ni Ate Vi.

Kaya kahit pagod siya sa promo ng pelikula nilang When I Met You In Tokyo, excited siya dahil makukumpleto raw ang buong pamilya.

Read:

When I Met You In Tokyo stars Vilma Santos at Christopher de Leon, hindi kumpitensiya ang tingin sa ibang MMFF 2023 entries

Vilma Santos and Christopher de Leon's birthday wish: for moviegoers to return to the cinemas

JERRY OLEA

Pero sa totoo lang, naninibago raw talaga si Vilma sa mga ginagawa nila ni Christopher de Leon na pagpu-promote ng pelikula.

Ngayon lang daw nila na-experience ang pagbebenta ng tickets, pag-iikot sa mga sinehan, at ang pagpu-promote sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibang-iba raw sa dati nilang ginagawa.

Ang sabi ng Star For All Seasons, "Yun ang isa rin sa aming napuna. Siguro, kailangang sumunod ako kung ano ang talagang klase ng promo na meron na pala ngayon.

"Ibang-iba na. Kasi yung mga ticket selling, ngayon ko lang naranasan iyan. Wala kaming ganyan nung araw.

"Pero alam niyo, sa totoo lang, ina-appreciate ko yung pamilya namin sa When I Met You In Tokyo sa sipag na ginagawa talaga sa promotion.

"Kasi you know what, hindi lang kami ganyan. Lahat na mga pelikulang kasali, ganun din yung ginagawang promotion.

"Ang ibig kong sabihin, hindi lang kami. Halos yung buong sampung movies na mga artista, talagang they go out of their way to really promote the movie, and to really promote the Metro Manila Film Festival.

"Ang pinakamaganda rito, gusto natin makuha ang adbokasiya naming mga artista na mabalik ang sigla ng pelikulang Pilipino sa pamamagitan ng panonood uli ng sine."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

Excited ako kung hanggang saan aabot ang suporta sa box office, kasi ang sisipag ng mga artista at production sa pagpo-promote.

Bilib talaga ako, and we all hope that all the efforts of our people will be rewarded.

Maligayang Pasko natin, araw-araw!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nanibago si Vilma Santos sa puspusang promo ng mga Metro Manila Film Festival entries, pero happy siya na nakakatulong ito sa pag-angat ng pelikulang Pilipino.
PHOTO/S: Vilma Santos Recto on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results