PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Donny Pangilinan nag-react sa viral video nila ni Kathryn Bernardo

Donny Pangilinan nag-react sa viral video nila ni Kathryn Bernardo
by PEP Troika
Published Jan 11, 2024
donny pangilinan kathryn bernardo
Donny Pangilinan on viral video with Kathryn Bernardo (right): “Siyempre, wedding ng friend namin yun, we had a great time. Lahat naman kami, friends sa showbiz. So, binabantayan lang namin sa isa’t isa. Yun lang yun."
PHOTO/S: Gorgy Rula / TikTok

GORGY RULA

Nagkaroon ng chance na sagutin ni Donny Pangilinan ang nag-viral sa TikTok na tagpo nila ni Kathryn Bernardo sa reception ng wedding nina Robi Domingo at Maiqui Pineda kamakailan.

Read: Robi Domingo addresses netizens linking Donny Pangilinan to Kathryn Bernardo

Sa media conference ng bagong pelikula ni Donny na GG (Good Game): The Movie sa KMC One Ayala nung Miyerkules, January 10, 2024, tinanong ni MJ Marfori kay Donny tungkol sa nag-viral na video nila ni Kathryn.

Ani Donny, “Wedding ni Robi yun. Friends kaming lahat. I think, friends naman kami lahat sa industriya. We just had fun. We had a great time.

“Siyempre, wedding ng friend namin yun, we had a great time. Lahat naman kami, friends sa showbiz. So, binabantayan lang namin sa isa’t isa. Yun lang yun.

“I think for me, it’s just having peace of mind na friends kaming lahat na okay kami, enjoy namin yung trabaho namin. And that’s the most important thing.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na namin nasundan ng tanong si Donny tungkol dun dahil pagkatapos ng Q&A sa harap ng entertainment media, dinala na siya kasama ang ina niyang si Maricel Laxa sa iba pang gustong mag-interview sa kanila.

Parang iniiwas na siyang pag-usapan pa ang isyu.

Mas gusto nilang mag-focus sa pelikulang magsu-showing na sa mga sinehan sa January 24.

Kakaibang pelikula ito para sa mga kabataan na tumatalakay sa online gaming o e-sports.

Kasama sa GG sina Maricel Laxa at Boots Anson Roa-Rodrigo, na hindi pa makaka-relate sa mundo ng mga kabataang nahuhumaling sa online gaming.

Kaya naaliw si Donny sa naisip ng mommy niya na tagline sa pelikulang ito.

Sabi ni Maricel, “Yung GG, hindi lang pampamilya pang e-sports pa!”

Siyempre, hindi na gets ng karamihan sa mga kabataan ngayon na walang ideya sa sumikat na tagline ng isang commercial.

Pero sabi ni Maricel, dapat mapanood ng mga magulang ang pelikulang ito para maintindihan nila ang mga kabataang nahuhumaling sa e-sports o online gaming.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Bilang magulang, ang lesson na makikita niyo dito, huwag maging judgmental.

“Sa mga nakikita natin, magtanong muna tayo. Alamin natin kung ano yung mangyayari bago tayo mag-judge,” sabi ni Maricel.

NOEL FERRER

Maayos ang pelikulang GG! Kundi lang may dalawang pelikula na ang Media Quest sa MMFF 2023 na Penduko at GomBurZa, puwede rin sana ito.

Kaya lang, baka too much of the mother-and-son story na siya na tema sa Family of Two at Firefly.

Hindi ba’t meron pang In His Mother’s Eyes na naghangad ding makasali sa MMFF 2023?

Read: Bakit ligwak ang mga pelikula nina Nora, Maricel, Claudine, Nadine, Donny sa MMFF 2023?

Oh well, with its new playdate and the best companies synergizing and handling distribution and promotions, excited ako sa kakalabasan ng pelikulang ito nina Donny Pangilinan at Maricel Laxa.

JERRY OLEA

Pag GG, ang una kong naiisip ay galunggong.

Magkano na ba ang isdang GG ngayon? Afford pa ba iyan nina Mang Kanor at Aling Purita?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagbalik na sa mga sinehan ang Aquaman and the Lost Kingdom umpisa Enero 8, Lunes.

Nag-open sa local cinemas noong araw na iyon ang The Boy and the Heron.

Enero 10, Miyerkules, naman nag-open ang My ZomBabe, The Bricklayer, at The Beekeeper.

Ayon sa kaibigang Rudios Locañas, maraming moviegoers kahapon sa Gateway Mall sa Cubao, Quezon City, kung saan labingwalo ang mga sinehan.

Ngayong Enero 11, Huwebes ng tanghali, ay magkasama kami ni Rudios sa Power Plant Mall sa Rockwell Center, Makati City, para manood ng dalawa o tatlong pelikula. Kokonti lang ang manonood sa mga early screening.

After MMFF 2023, pahinga ba muna ang Pinoy audience sa panonood ng pelikula? Susuportahan ba ng DonBelle fans ang solo movie ni Donny?

Iyong Huling Sayaw na kasali si Belle, kalunus-lunos ang sinapit sa takilya last year.

Napapanood ang DonBelle sa teleseryeng Can’t Buy Me Love sa TV at Netflix. Gagastos pa ba ang fans ni Donny para sa GG?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Donny Pangilinan on viral video with Kathryn Bernardo (right): “Siyempre, wedding ng friend namin yun, we had a great time. Lahat naman kami, friends sa showbiz. So, binabantayan lang namin sa isa’t isa. Yun lang yun."
PHOTO/S: Gorgy Rula / TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results