PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Netflix Top 10 Movies: Goodbye A Very Good Girl, Hello Barber's Tales

Barber's Tales ni Eugene Domingo, nag-iisang Pinoy movie sa Top 10.
by PEP Troika
Published Jan 16, 2024
a very good girl barber's tales
(Left) Kathryn Bernardo and Dolly de Leon in A Very Good Girl; (right) Eugene Domingo and Nonie Buencamino in Barber's Tales.

JERRY OLEA

Naligwak na ang A Very Good Girl ni Kathryn Bernardo sa Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix.

Read: 14 local movies, 3 teleseryes nag-No. 1 sa Netflix PH noong 2023

Isa na lamang ang Pinoy movie sa nasabing talaan, ang Barber’s Tales o Mga Kuwentong Barbero ni Eugene Domingo.

Read: Pelikulang nagbigay ng unang international award kay Eugene Domingo, palabas na sa Netflix

Eleven consecutive days na nanguna ang A Very Good Girl sa listahan ng most watched movies sa Netflix PH — mula Disyembre 29, 2023 hanggang Enero 8, 2024.

Noong Enero 9 ay pumangatlo na ito sa listahan.

Ang Top 2 noong araw na iyon ay Society of the Snow at Exodus: Gods and Kings.

Nanatili sa Top 10 list ang A Very Good Girl hanggang Enero 15, Lunes.

Iyong Mga Kuwentong Barbero ay nag-debut sa pangatlong puwesto noong Enero 14, Lunes.

Kahapon ay umakyat ito sa pang-anim na puwesto, at ngayong Enero 16 ay pangatlo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix — The Equalizer 3, Lift, Mga Kuwentong Barbero, No Hard Feelings, Society of the Snow, Kingdom III The Flame of Destiny, Transporter 2, The Ant Bully, Wild, at Wrath of the Titans.

netflix top 10 movies jan 16 2024

Samantala, ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix — Solo Leveling, My Demon, Gyeongseong Creature, Welcome to Samdal-ri, Fool Me Once, The Brothers Sun, Can’t Buy Me Love, Bitch and Rich, Berlin, at Single’s Inferno.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

netflix top 10 tv shows

GORGY RULA

Isa sa napag-usapan sa mainit na isyung hiwalayan ng KathNiel ay yung dating interview kay Daniel Padilla ng programang Titos Tonight.

Pinag-usapan nila roon ang mga karakter na ginampanan ni Kathryn sa pelikula.

Kilalang-kilala ni Daniel ang karakter na ginampanan ni Kathryn sa mga pelikulang Barcelona, The Hows of Us, at iba pang pelikulang pinagsamahan nilang dalawa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero hindi raw niya kilala si Joy, ang karakter na ginampanan ni Kathryn sa Hello, Love, Goodbye.

Baka hindi napanood ng kontrobersiyal na aktor ang pelikulang yun. Sayang, wala na sa Netflix PH ang Hello, Love, Goodbye, ang highest-grossing film sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino (hindi adjusted sa inflation).

Ang leading man ni Kathryn sa Hello, Love, Goodbye ay si Alden Richards.

Masigasig pa rin ang fans sa paghahanap ng iba pang kuwento kung bakit tuluyan nang naghiwalay ang KathNiel.

Samantala, patuloy ko pa ring sinusubaybayan sa Netflix ang Can’t Buy Me Love ng DonBelle, at nagsisimula na silang magpakilig-kiligan na kering-keri talaga ni Donny Pangilinan, at bagay talaga sila ni Belle Mariano.

Natapos ko na ring panoorin ang walong episodes ng Berlin na hango sa sikat na Spanish crime drama na Money Heist. Bida na rito si Pedro Alonso na mas nakilalang si Berlin.

Tungkol pa rin sa malaking nakawan ang kuwento pero nahaluan ito ng love story, at ang galing talaga ng mga Spanish drama pagdating sa love story na kahit walang hubaran at mainit na mga daring scenes, napaka-passionate pa rin nito at punung-puno ng sensuality. Nag-hit din itong Berlin at posibleng masundan pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siyanga pala, streaming na sa Netflix PH umpisa Enero 18, Huwebes, ang Wish You Were The One.

Reunion movie ito ni Bela Padilla at ng MMFF 2023 best supporting actor na si Janno Gibbs.

Sa Enero 24 naman ang streaming ng pelikulang Instant Daddy, starring Jerald Napoles and Althea Ruedas.

At sa Pebrero 9 ang streaming ng pelikulang Trip Ubusan: The Lolas vs Zombies starring Jose Manalo, Wally Bayola, and Paolo Ballesteros.

NOEL FERRER

Masaya ako at mas marami nang nakakapanood ng magandang pelikula ni Jun Robles Lana na Barber’s Tales (2013) sa Netflix.

Bida rito si Eugene Domingo, at nasa cast din sina Eddie Garcia, Iza Calzado, Gladys Reyes, Sue Prado, Shamaine Buencamino, Nonie Buencamino, Daniel Fernando, Nicco Manalo, at Jesse Mendoza.

Ang logline ng pelikula, “A humble barber’s wife steps into her husband’s shoes after his sudden death — only to find herself caught in an unexpected whirlwind of rebellion.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang major concern ko ngayon ay ang impact ng pagka-lay off ng Amazon ng marami nilang empleyado recently at kung ano ang epekto nito sa presyo ng pagbili ng local films after that.

Matatandaang usap-usapan noon ang mababang rate ng pagbili ng Netflix ng mga pelikula natin, at biglang tumaas ito nang dumating ang Amazon Prime Video.

Ngayong nakakalungkot ang nangyari sa Amazon, babalik kaya sa bagsak presyo ang pagbili ng mga pelikula natin? Huwag naman sana.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left) Kathryn Bernardo and Dolly de Leon in A Very Good Girl; (right) Eugene Domingo and Nonie Buencamino in Barber's Tales.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results