PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Love. Die. Repeat., Asawa Ng Asawa Ko pilot episodes ratings

Isa rito ang natalo ng katapat na programa.
by PEP Troika
Published Jan 16, 2024
love die repeat asawa ng asawa ko ratings
Love. Die. Repeat. starring Xian Lim and Jennylyn Mercado (left) and Asawa Ng Asawa Ko starring Jasmine Curtis-Smith and Rayver Cruz both premiered on GMA-7, Monday, January 15, 2023.
PHOTO/S: GMA Network

JERRY OLEA

Dalawang primetime series ang nag-umpisa nitong Enero 15, 2024, Lunes ng gabi, sa Kapuso Network.

Ang pilot episode ng Love. Die. Repeat. (LDR) nina Jennylyn Mercado at Xian Lim ay nagtala ng 7.9%, kontra sa DonBelle series na Can’t Buy Me Love (CBML) na naka-7.7%.

Ang pilot episode ng Asawa Ng Asawa Ko (ANAK) nina Jasmine Curtis-Smith at Rayver Cruz ay naka-4.7%, kontra sa 5% ng Senior High na nasa finale week.

Iba ang hitsura nina Jennylyn at Xian sa pilot episode ng LDR kumpara sa hitsura nila ngayon.

Natigil ang taping ng LDR noong 2021 dahil sa pagdadalantao ng Ultimate Star.

Read: Jennylyn Mercado reveals funny blooper with Xian Lim during morgue scene

Masasabi bang na-preempt ng super-blockbuster movie na Rewind itong LDR?

Samantala, iyong ANAK ay panghapon dapat na teledrama.

Umpisa Enero 22, ang makakatapat na ng ANAK ay ang CBML.

Ang makakasalpukan naman ng Xian-Jennylyn series ay ang teleserye version ng Linlang kung saan bida sina Paulo Avelino at Kim Chiu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dating magka-love team sina Kim at Xian. Halos 12 taon silang nagsalo sa beautiful memories.

Ano kayang alaala ang maiiwan sa pagsasabong ng Love. Die. Repeat. at Linlang?

Read: Mag-ex na sina Kim Chiu at Xian Lim magtatapat sa prime time

GORGY RULA

Parang may aabangan pa sa kuwento ng Love. Die. Repeat. na base sa pilot episode nito, ibang-iba naman sa pelikulang Rewind.

Magaling pa rin si Jennylyn Mercado at bagay sila in Xian Lim, kaya puwede pang umangat ang ratings ang LDR.

Nagsisimula pa lang naman ang kuwento ng Asawa Ng Asawa Ko, mas matindi pa ang aabutin ni Cristy na ginagampanan ni Jasmine Curtis-Smith, at ng asawa niyang si Jordan na ginagampanan naman ni Rayver Cruz.

Ang napansin ko sa pilot episode nito nung Lunes ay si Liezel Lopez na ang lakas ng dating sa screen bilang kontrabidang si Shaira.

Magaling umarte si Jasmine, kaya curious ako kung kayang lumaban ni Liezel sa aktingan, at dagdag pa rito si Gina Alajar na napakagaling din bilang ina ni Jasmine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero alam kong marami pang magagandang kuwentong naiisip ang writers ng GMA-na talagang interesting na hindi nalulubayan ng mga manonood.

Ang dami nilang mga kuwentong naririnig ko pa ang ilan sa mga tsikahan nila sa presscon.

Sa nakaraang mediacon ng Asawa Ng Asawa Ko, hindi na namin halos naririnig ang sagot ng mga artista sa tanong ng press dahil sa ingay at sa dami ng napapag-usapan ng writers na ito sa bandang likuran lang namin.

NOEL FERRER

Naku, ano kaya ang reaksyon ng kinauukulan sa medyo mababang TV viewership in general ngayong Enero?

Pa-back to normal pa lang kasi siguro ang mga tao sa karaniwan nilang routine.

Sana naman, hindi nila isisi kay Jasmine Curtis-Smith ang kalalabasan ng ratings. Malimit kasing sinasabi ng ibang katrabaho niya na hindi raw rater si Jasmine.

Pero excuse me, magaling siya sa teleseyeng ito! Sana, mag-pick up pa ito — umpisa pa lang naman.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pati Love. Die. Repeat., sana mas ma-update pa ito at maging upbeat dahil maraming pasabog ang katapat nitong Can’t Buy Me Love.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Love. Die. Repeat. starring Xian Lim and Jennylyn Mercado (left) and Asawa Ng Asawa Ko starring Jasmine Curtis-Smith and Rayver Cruz both premiered on GMA-7, Monday, January 15, 2023.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results