PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Congressman Richard Gomez willing maipareha sa young actress

Richard Gomez: “Oo naman. Oo, kaya. May-December affair, ganun ba?”
by PEP Troika
Published Jan 23, 2024
richard gomez congress tv
Congressman Richard Gomez on what genre he likes for his movie comeback: “Drama. Siyempre, love story, di ba? Sayang naman ang kaguwapuhan natin. Ha! Ha! Ha! Ha!”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Mayor pa ng Ormoc City si Richard Gomez nang gawin niya ang pelikulang Three Words To Forever (2018) na reunion movie nila ni Sharon Cuneta.

Sa Ormoc iyon nagsyuting.

Read: REVIEW: Sharon, Richard, Kathryn fight for family in Three Words to Forever

Ngayon ay congressman si Goma (palayaw ni Richard) at ang trabaho niya sa House of Representatives ay mula Lunes hanggang Miyerkules.

Mahirap pa ring tumanggap siya ng regular teleserye. Mas okey na mag-shooting ng movie mula Huwebes hanggang Linggo.

Baka akala ng iba, ayaw na niyang gumawa ng pelikula?

“Nami-miss ko nga, e,” sambit ni Congressman Goma nang makatsikahan namin sa launch ng CongressTV nitong Enero 22, 2024, Lunes ng hapon, sa Daniel Z. Romualdez Hall, House of Representatives, Batasan Hills, Quezon City.

Drama ba ang gusto niyang gawin?

Napangiti si Congressman Goma, “Drama. Siyempre, love story, di ba? Sayang naman ang kaguwapuhan natin. Ha! Ha! Ha! Ha!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Richard Gomez recalls refusing to do Scorpio Nights, accepting role refused by Gabby Concepcion

Sino naman ang leading lady niya, if ever?

“Wala pa, wala pa.”

OK lang ba sa kanya na young actress ang katambal niya?

Si Aga Muhlach, katambal si Julia Barretto sa pelikulang Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko.

“Oo naman,” mabilis na tugon ni Congressman Goma.

“Thirty-three years old lang ako.”

Nagbibiro lang si Congressman Goma. Sa darating na Abril ay 58 years old na siya.

OK lang sa kanya na ang love interest ay kaedad ng 23-year-old daughter niyang si Juliana?

“Oo naman. Oo, kaya. May-December affair, ganun ba?”

Siyempre, awkward kung si Kathryn Bernardo ang itatambal sa kanya dahil mag-ama ang papel nila sa Three Words To Forever. Parang bagay sila ni Andrea Brillantes.

“Ikaw naman. Kahit sino, puwede.”

Willing ba siyang makipag-kissing scene kay Andrea?

“Kung willing sila, di ba? Who am I to say no?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Nakakaintriga siyempre kung maging leading lady ni Richard Gomez si Andrea Brillantes sa pelikula.

Kasi nga, gumanap na daughter ni Goma si Kathryn Bernardo sa huling movie niyang Three Words To Forever.

Hanggang ngayon ay hindi pa nagsasalita nang diretso sina Andrea, Kathryn, at Daniel Padilla kaugnay sa isyung kinasangkutan nilang tatlo.

Read: WHAT PEP KNOWS: Kathryn Bernardo discovers Daniel Padilla cheated on her from Andrea Brillantes herself—sources

Bakit nga ba hindi pa nasusundan iyong movie niyang Three Words To Forever?

“Naging busy na kasi ako sa second term ko as mayor. Bising-busy na talaga,” sagot ni Goma.

“Pero ngayon na nasa Congress, mas light ang schedule ko. Sinabi ko nga kay Lucy [Torres-Gomez, his wife], pag may nakita ako na magandang script, I don’t mind doing one again.

“Kasi ngayon, mabilis na ang shooting ng movie ngayon. Hindi na pahabaan. Ngayon, a few days lang, tapos na, e.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

GORGY RULA

Nag-umpisa na ang CongressTV ngayong Enero 23, Martes, 9:00 a.m. hanggang 9:00 p.m. sa PTV Digital Channel 14 Metro Manila.

Available din ito sa Channel 46 ng GMA Affordabox, at sa Channel 2 ng ABS-CBN TVPlus. Palabas din ito online sa Facebook, YouTube, Instagram, at X (dating Twitter).

Noong Hulyo ng nakaraang taon pa sumulat ang general manager ng PTV Network na si Ana Puod ng proposal kay Speaker Martin Romualdez ng House of Representatives para magkaroon ng CongressTV.

“Viewers will have the opportunity to witness the discussions, debates, and deliberations of Congress during its regular sessions,” pahayag ni Speaker Romualdez.

Hindi lang puro hearing ang matutunghayan sa CongressTV.

Sabi ni Congressman Goma, “Kung ano ang trabaho ng congresman, ano yung mga achievements na meron ang Congress.

“What’s important for the people to understand, na yung pondo ng bayan, ng buong Pilipinas, dito nagsisimula.

“Dito ini-scrutinize. Dito namin tsine-check kung nagagamit ba ng mga departamento na tama yung budget na ibinibigay sa kanila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noon pa naman nasa Facebook ang mga kaganapan sa Kongreso, pero mas malawak siyempre ang sakop ng free-to-air digital channel.

“Yes, nakikita ang mga sessions pero ang maganda kasi, pag pinakita yung mga committee work,” pahayag ni Cong. Goma.

“Tapos kung saan napupunta yung budget, makikita yung projects ng gobyerno.

“Kasi ang sistema nun, yung Legislative, yun ang nag-a-approve ng budget ng buong bayan. Tapos inaaprubahan ni Presidente.

“Si Presidente makes sure na lahat ng department ng gobyerno, ginagamit ng tama yung budget natin.

“And then kami naman sa Congress, yung role namin dito, is also to double check kung nagagamit ba nila nang tama.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Congressman Richard Gomez on what genre he likes for his movie comeback: “Drama. Siyempre, love story, di ba? Sayang naman ang kaguwapuhan natin. Ha! Ha! Ha! Ha!”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results