PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ejay Falcon, Kapamilya pa rin o Kapuso na?

After ABS-CBN series, nasa GMA-7 sitcom naman siya.
by PEP Troika
Published Jan 27, 2024
Ejay Flacon
Sa pagtatapos ng ABS-CBN series na Nag-aapoy Na Damdamin, susunod na mapapanood si Ejay Falcon sa GMA-7 sitcom na Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Noong Nobyembre 18, 2023 pa naibalita sa akin ng kaibigang Benjie Alipio na kasama ang anak-anakan niyang si Ejay Falcon sa season 2 ng Kapuso action sitcom na Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis, kung saan bida sina Senator Bong Revilla at Beauty Gonzalez.

Disyembre 5 naman lumitaw si Ejay sa Kapamilya afternoon series na Nag-aapoy Na Damdamin.

“Blessed tayo na nabibigyan ng ganitong pagkakataon, so thankful and masaya,” sambit ni Ejay, na bise gobernador ng Oriental Mindoro.

“Ito yung time na nakakagawa ako ng serye. Alam niyo naman, unang minahal kong propesyon ay pag-aartista. Time management lang.”

Nagwakas ang final checkmate ng Nag-aapoy Na Damdamin nitong Enero 26, 2024, Biyernes ng hapon, sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, A2Z, at TV5.

Nito ring Biyernes ng hapon ay present si Ejay sa mediacon ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis sa Seda Vertis North, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magpa-pilot ang season 2 sa Pebrero 4, Linggo ng 7:15 p.m. sa GMA-7.

Inamin ni Ejay na wala na siya sa kuwadra ni Perry Lansigan.

Sino na ang nagma-manage ng showbiz career niya?

"Technically, wala po akong kontrata sa Star Magic. Pero itong GMA, ang kinausap po Star Magic," malumanay na pahayag ni Ejay.

"Pero ano naman po, e, siyempre naman, hindi mawawala sa akin ang pagmamahal ko sa Star Magic, and yun, si Direk Lauren [Dyogi], ninong ko pa.

"Sina Kuya Alan [Real], di ba, napamahal po ako talaga sa kanila. Kumbaga, ang wala ko lang sa Star Magic ay kontrata. Hindi pa lang ako nakaka-sign ng kontrata sa Star Magic. Pero masasabi ko na Star Magic, di ba po? Wala lang kontrata.

"Kasi baka mamaya, ayoko namang parang, di ba, yung pakiramdam na, sinasabi ko na Star Magic, e, wala nga po akong kontrata. Anong gagawin ko, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ayoko namang mag-assume na ganun. Pangit naman para sa akin, di ba? Dun lang tayo sa totoo."

Maituturing ba siyang Kapamilya pa rin o Kapuso na? Anong taguri ang mas angkop sa kanya?

"Ano lang po ako, Kaibigan," ang sabi pa ni Ejay na nakangiti.

GORGY RULA

Mas okay na muna sigurong mag-freelance si Ejay dahil may responsibilidad pa siya sa lalawigan ng Oriental Mindoro bilang bise gobernador.

May plano kaya siya sa 2025 na tumakbo sa mas mataas na posisyon? Malaki ang naitulong ng pag-aartista niya sa kanyang political career, pero nagagamit din minsan ang mga intriga sa showbiz para siraan siya ng mga kalaban sa pulitika.

Kaya mas mabuting mag-focus talaga siya sa Oriental Mindoro, at okay na yung partisipasyon niya sa Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik na Misis.

Nakausap ko nga si Sen. Bong Revilla kahapon. Excited siya sa mga co-stars niya sa naturang action comedy dahil karamihan daw ay hindi pa niya nakatrabaho.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Abangan natin sa February 4 dahil talagang kinarir nila ang pilot episode nito na naiiba sa ibang sitcom na napapanood natin.

Read: Bong Revilla, all-natural daw at no steroids or stem cells

NOEL FERRER

Inilunsad si Sen. Bong Revilla sa pelikulang Dugong Buhay (1983).

Ang TV series nito ay pinagbidahan nina Ejay at Arjo Atayde, at umere sa ABS-CBN noong Abril-Setyembre 2013.

Read: WEDDING ALBUM: Ejay Falcon and Jana Roxas

Pare-pareho nang actor-politician sina Sen. Bong, Vice Governor Ejay, at Congressman Arjo.

Maliban kina Sen. Bong, Beauty at Ejay, nasa cast ng second season ng sitcom sina Carmi Martin. Jestoni Alarcon, Liezel Lopez, Niño Muhlach, Dennis Padilla, Maey Bautista, at Raphael Landicho.

Kasama rin dito sina Nikki Co, Angel Leighton, Jeffrey Tam, Max Collins, Kelvin Miranda, Herlene Budol, Dion Ignacio, Lianne Valentin, Celeste Cortesi, Mika Salamanca, at Sanya Lopez.

May special participation dito sina ER Ejercito, Roi Vinzon, Jay Manalo, Ramon Christopher Gutierrez, Antonio Aquitania, Brent Valdez, MJ Ordillano, at Michael de Mesa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa pagtatapos ng ABS-CBN series na Nag-aapoy Na Damdamin, susunod na mapapanood si Ejay Falcon sa GMA-7 sitcom na Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results