JERRY OLEA:
Si Vice Ganda ang unang artistang bisita na nagbigay ng mensahe sa 20th wedding anniversary celebration nina Christopher Roxas at Gladys Reyes nitong nakaraang Enero 27, Sabado ng gabi sa Glass Garden events place, Santolan, Pasig City.
READ: Gladys Reyes, Christopher Roxas celebrate 20 years of marriage

Sabi ni Vice kay Gladys habang hawak-kamay silang dalawa sa entablado, “Super-happy ako sa inyo, nakakatuwa na nag-e-exist pa rin yung mga ganyang love stories sa panahon ngayon.
“Di ba, na parang napaka-imposible ng mga relasyong nagtatagal. Meron at meron pa rin naman talagang mga relasyong nabubuo at hindi nabibigyan ng hangganan.
“Nakaka-inspire, especially sa mga unti-unti nang nawawalan ng pag-asa sa pag-ibig.”
Napahagikgik si Gladys. Pagpapatuloy ni Vice, “And thank you very much for still considering me as one of your closest friends.
“I am very happy to be very close to you, to have enjoyed so much time with you nung nagsisimula… magkasabay po kasi kami sa ano, sa [It's] Showtime.
“First episodes pa lang ng Showtime, magkatabi na kami dun. At isa yun sa mga pinaka-enjoy kong moments sa Showtime nung nagsisimula pa lang ako.
“At ever since po, very supportive na sa akin si Gladys. Kahit nung wala na siya sa Showtime, hindi nawawala yung communication namin.
“At sisters talaga kami. Kasi meron siyang karapatang magbigay ng unsolicited advice sa akin anytime pag walang…
“Very random moments, magte-text siya sa akin, magme-message siya sa akin kahit alam niyang hindi ako palasagot. Di ako palasagot.
“Pero pag nag-text siya kahit hindi ako palasagot, sasagutin ko siya kahit after two days. Kasi tatalakan niya ako.”
Natawa si Gladys at diretso lang sa paglalahad si Vice, “At meron siyang authority gawin sa akin yun. Ganun kami ka-close.
“Kahit sa concert ko, kahit hindi naman normal sa kanya na nagpe-perform sa concert, sinamahan niya ako nung first concert tour ko, nung nagsisimula pa lang ako.
“Bitbit ko siya sa iba’t ibang probinsiya sa Pilipinas, sa Cebu, sa lahat. Kaya ang ganda-ganda ng mga moments namin.
“At very personal ang relationship namin. We have known each other for a very personal level. Hindi lang yung professional, yung magkasama lang sa trabaho.
“Pero malalim yung pagkakakilala namin sa isa’t isa kahit hindi kami laging nagkikita, like araw-araw o maya’t maya, hindi nagbabago yung pagtingin niya sa akin at pagmamahal sa akin, at suporta.
“Kaya nga sabi niya, ‘Siguro naman, sa tanda nating ito, dapat meron na rin tayong project na magkasama. Sana sa next movie ko, kung gagawa ako ng pelikula, magsama na tayong dalawa.’”
Hopefully ay matuloy iyon sa pelikulang gagawin ni Vice Ganda sa direksyon ng multi-awarded na si Jun Robles Lana.
GORGY RULA:
Napanood ni Vice Ganda si Gladys Reyes sa pelikulang Mga Kuwentong Barbero (Barber’s Tales) na streaming sa Netflix umpisa Enero 12. Idinirek iyon ni Jun Robles Lana.
Pahayag ni Vice, “E meron akong project with Direk Jun. Saktung-sakto kasi Jun Lana baby siya.
“Sabi ko, ‘Sabihin ko kay Direk Jun, magsama tayo sa next project.’ Kaya I’m very happy to be here tonight. Hindi ako puwedeng um-absent.
“Nag-usap nga kami nina Bianca [Umali] saka nina Ruru [Madrid], ‘Nagpa-attendance na tayo. Kasi kung hindi, masusumpa tayo.’”
Tawa nang tawa si Gladys, at ang sabi pa ni Vice, “Mahal na mahal kita. Alam mo namang mahiyain ako sa mga event. Ha! Ha! Ha! Mahiyain ako sa mga events!”
Sambit ni Gladys, “Saka sa totoong buhay.”
Dagdag ni Vice, “Kaya kahit ano pa man, I will always make it for you because I love you very much. You’re so dear to me.
“And I am very grateful to everything that you have shown me, sa lahat-lahat.
“Sa industry, hindi po imposibleng magkaroon ng kaibigang pangmatagalan. Posibleng-posible po yun kay Gladys.
“Maraming salamat. I love you.”
Nagyakap at nagbeso ang dalawa. Sey ni Gladys, “I love you sis.”
Hirit ni Vice, “Hinabaan ko ang speech ko, kasi maraming give-aways,” na ikinahalakhak muli ni Gladys.
Maliban kina Vice, Ruru at Bianca, dumalo sa pagtitipon sina Vhong Navarro, Wowie de Guzman, Bianca Lapus, Claudine Barretto, Angelu de Leon, Amy Austria, Juan Rodrigo, Patricia Javier, at Archie Alemania.
Ipinagdiwang din doon ang ika-18 kaarawan ng panganay nina Gladys at Christopher na si Christophe.
Pumirma si Christophe ng kontrata sa ABS-CBN Star Music nang gabing iyon.
READ: Gladys Reyes and Christopher Roxas on having a "perfect family": "Wala namang perpekto."
READ: Gladys Reyes, Christopher Roxas look back on their three-decade relationship
NOEL FERRER:
Nakaapat na pelikula last year si Direk Jun Robles Lana.
Pebrero 15 nag-streaming sa Amazon Prime Video ang kanyang Ten Little Mistresses.
Humakot ng awards ang kanyang About Us But Not About Us sa 1st Summer MMFF noong Abril.
Nag-premiere ang kanyang Anak Ka Ng Ina Mo sa 48th Totonto International Film Festival noong Setyembre.
At sa 49th MMFF ay nagpasaya ang kanyang Becky & Badette.
If ever matuloy ang collab nina Vice Ganda at Direk Jun, kapana-panabik kung makalahok iyon sa 50th MMFF, di ba?
Nakapag-reach out na ba ang kampo ni Vice sa kampo ni Direk Jun para matuloy na ang proyektong ito?
